Ikalawang araw na ng Gawad Kalinga experience sa may Cavite. Ang almuchow namin ay naka-set around 6:30am dahil pagsapit ng 8am, kailangan na naming pumunta sa GK site para magbanat ng buto-buto.
Sa unang araw ng gawa namin(2nd day ay ang 1st day of work), required kaming suotins ang free GK shirt namins saka ang name tags dahil hindi pa naman kami gaanong magkakakilala by names ng mga kasamahans. Bago pumunta sa site, picture muna pati sa jeep na sasakyans.
Then fly na ang jeep sa site na mga 15-20 mins ride lang.Pagdating sa site, kailangan may morning exercise muna. For this day, ang group ng Taiwanese ang naka-toka para mag lead ng stretching and warm-ups. Right after that, designation ng tasks and work na gagawins.
But before that, let me take a selfie lols
Ang tasks na availables ay pagpintura ng balur, pagkuha ng panambak na lupa para maflat ang sahigs, mag-igib ng tubig at buhangin at ang paglalagay ng hallowblocks sa septic tank na ginagawa pa lungs.
Ang trabaho at pagbabanat buto ay mula 8am hanggang 11am. Then antay na mag-serve ng foodang for tanghalians at mahinga habang tirik na tirik ang haring araw. Balik trabaho pagsapit ng 1am to 3am.
After ng work, pagsapit ng 3pm, may mga mini aktibidades na ganap. Sa araw na ito, merong kaming cultural thingy kung saan for every groups ay magpapakita ng mga bagayor anik-anik na part ng kanilang culture thing.
Ang mga observers, co-Trenders, kiddos and mga parents
Unang sumabak ang grupo ng Japanese kung saan may costume pa silang kimono thingy. Kasama noon ay ang small skit about samurais and ninja.
Next ay ang from team Australia kung saan nagpakita sila ng small stuffy ng Koala atsaka nag-sample ng isang famed palaman/spread called Vegemite.
Then ang Team USA na nag-feature ng isang fave sports nila sa states... Nope, not basketball (ishoot mo-ishoot mo- ishoot mo na ang ball) eto ay ang Football... American Football. Nagsample ng play and cheering.
Sumunods naman ang team EMEA (europeans) kung saan may dala silang mga postcards na ipinamahagi showing the places sa kanila.
Kasunod ay ang team Taiwan kung saan may niluto silang parang pudding type na foodie na pagkain nila doon. Nalimutan ko na ang tawag lols.
Syemps, papahuli ba ang Team GILAS? chos, Team Pinas ang huling nagshare ng culture thingy. Nope, di kami sumayaws ng Pandanggo sa Ilaw or Maglalatik or Tinikling or Singkil. Ang featured ay ang pinoy festival games anik-aniks.
Kadang-kadang sa bao
Pukpok Palayok
Sack Race
Luksong Tinik
After nito, back to base camp na muna. Dinner ng 7pm at small talk about sa kaganapans ganyans. Share-share ng realization and stuff pati ng possible na palaro para sa carnival/perya type thingy sa day3 ng work.
And that's a wrap for day2. Nakakapagods na masaya :D
note: muli, ang mga larawan ay hindi lamang sa akin, yung iba ay grabbed from FB friends na may shots ng anik-aniks. :D
Clap! clap! ibang experience talaga ung mga ganito. :)
ReplyDeletexx,
Merry Christmas to you!
Jewel
www.jewelclicks.com