Yo! Kamusta or kumusta (dahil daw hango ito sa katagang como esta eklachus)! May energy ng slight for a movie review-reviewhan kaya eto ako at tumitipa ng mga letra sa keyboard at iwewento ang isang MMFF film na pinanood noong pasko... Ito ay ang Feng Shui 2.
Warning: ang susunod na post ay naglalaman ng buod/synopsis ng peliks kaya kung ayaw ma-spoil, chupi -chupi muna lols.
Magsisimula sa pagpapakita ng chinatown shots at kung anik-anik sa chinatown na black and white at may ilang mga bagay lang ang colored. Medyo mahaba-haba ang opening credits kaya ihanda ang popcorn dahil ubos-oras much ito.
Then ipapakits ang flashback kung saan may kambal na bagets na nakapulot ng cursed Bagua sa lumang house ni Kristeta. Ipinakita na minalas ang naging owner ng bagua ganyans. Deads ang owner na nalaglag from a condominium.
Then ipapakita na thi Cocow Marthin. Thiya kathi ang itha tha bida ng peliks. So napag-utusan siya ng isang chinese old lady upang bawiin ang bagua kapalit ng kaban ng cash.
Ang bagua ay napasakamay temporary ni Mr. Shoo Li (yung intsik beho na kasama sa feng shui 1). At dito ay kailangan nakawin ni Coco ang bagay.
Pero bago maganap ang nakawan, ipapakits ang buhay ni Coco na laki sa hirap at may lasenggang mudrax na may julalay na bangkero at may hater na mainit ang ulo sa kanya.
Ninakaw na nga ni Coco ang Bagua at dahil curious sya, binuksan niya yung nakabalot sa telang bagua at nakita niya ang sarili sa salamin. At alam na ang ganap, si Coco na ang new owner ng bagua. Siya ang sweswertehin while ang mga next in line na makikita ang sarili sa salamin ay mate-tegi.
Di ko na masyadong iwewents yung ganap about sa swerteng nakuha ni coco and stuff. Basta sweswertehin sya at dito magcru-curth ang landath nila ni Krith Aquino, the old owner ng bagua 10 yearth ago.
Then ipapakita ang eksena na pamangkin/kamag-anakan ni Lotus Feet yung old lady na nagpapanakaw ng Bagua. Nagtry itong kausapin ang matandang white lady-ish thingy na si Lotus Feet pero waley, instead na maiuwi niya back to china ang Bagua, kinuha ang kaluluwa ni old lady.
Ipapakits na si Kris Aquino or Joy as screen name. Nag-flashback ang ganap last movie at ipinakita ang naging buhay ni Kris after at pinakita na may lablayp na sya. At don't forget the ads na nasa movie like the ilaw-ilaw thing, padala thingy at yung pansit thingy. Kailangan maipasok sa peliks ang sponsors.
Then it shows na dalawahan na ang pagpatay ni Lotus Feet. Bakit dalawahan? Buy 1 take 1 ang peg. Pero ang eksplanasyones dyan, epaloid yung pamangkin na kinuha ni Lotus Feet kaya ayun, power of two na ang ganaps. Epal kasi.
At syemps kailangan daw maputol ang sumpa! Kailangan sirain nanaman ang hinayupak na lecheng Bagua. Dito i-eexplain ni mr. shoo li na mga kapekpekang naganap na dulot ng Bagua at ang paraan pano ito maputol. Dito lalabas ang previous owners na nagsurvive like Krith Aquino and Cherry Pie.
Then daming ganap and stuff hanggang sa madami pang napatay ang killer Bagua. Hanggang sa dumating na sa peak ng wento na over-over na kailangan na talagang mawasak ang bagua.
Dito ay eepal ang mga warfreak at tambay sa manila na hahadlang sa landas nila Kris at bubugbog sa mga bida. Habulan-habulan ekek hanggang mapunta si Kris sa Taoist Temple para basagin ang Bagua.
Pero boo-hoooooo, sorry ka kristetha dahil you failed. Akala mo nabasag mo ang hinayupak na pakingshet na Bagua pero hindi. Deads na si Coco Martin dahil sa mga tambay ng Manila at mukang may Feng Shui3 na magaganap sa future na malay mo, 3 na souls na ang kukunin.
Score? ummmm. 7.6 out of 10.
First movie is way more scary than the second installment. Di ko gets ano pinaglalaban nung pamangkin ni Lotus feet e hindi naman siya yung mismong nakaranas ng paghihirap noong tiya niya. Atsaka dapat si Lotus Feet pa ang may uber galit. Basta parang may flaw yung new reason ng hatred nila Lotus Fleet.
O cia, hanggang dito na lang. Take Care.
Agree. Mas nakakatakot nga yung unang movie. Itong second is parang puro jump scares lang ang baon. Tsaka di ko magawang seryosohin si Coco Martin. Nakaka-distract kasi yung pagsasalita niya. lol
ReplyDeleteNgek. Bakit nategi si Coco? Nakakaaliw pa naman ang pagthathalita niya, parang comedy na din.
ReplyDeleteDapat ito na lang pinanood ko kesa dun sa Praybeyt. Thayang.
wala pa akong napapanuod sa mga MMFF flms : (
ReplyDeleteAhaha. enjoy much talaga lagi ako sa pagbabasa ng mga movie review mo sir Khants. Natawa ako sa epaloids na pamangkin ni Lotus Feet lol
ReplyDeleteAnung pangalan nung pamangkin na lalake ni lotus feet?? Yung chinese na gwapo?? Di ko cya ma search eh.. Hehe
ReplyDelete