Monday, December 8, 2014

The Gawad Kalinga Adventure


Zup guys! Malamig na desyembre sa inyong lahats. I know na busy much ang karamihan dahil sa papadating na bagyong Ruby (hindi Rodriguez ang apelyido). I'm back nga pala from hiatus sa pagsasalitype. Same reason for the last past months, katam.

Anyway highway, for today, nais ko lang magshare ng naging ganap last November. Nope, it's not the No shave novemner thingy at hindi rin haluwin eklachus.Ito ay tungkol sa 1 week na pahinga sa nakakapagod and exhausting hell week sa office (biglang dami ng calls at queueing much). Sa 1 week na iyon, ako ay nag-join sa tinatawag na Gawad Kalinga.

Ano ang Gawad Kalinga? Eto link... hahahah Pindot here

Plasbak, 6 years na ang nakalilipas ng pumasoks me here sa kumpanya at noon ay nababalitaans ko na yung tungkol sa 'GK' na kwento ng mga folks na nagvovolunteers sa ganito.

Masasabi ko na sa mga nakalipas na taons, curious ako kung talagang enjoy at masaya ang pagkakawang gawa shenanigans and stuff like that.

This year, nakapagdecide ako sa sarili ko na nais ko ding maranasan ang pagsali sa GK kaya naman lakas loob akong nag-sign up at umasa na mapasali. At swerte much ay natanggap ang aking application. Nakatakda ang GK week ng Nov. 17-21.

Weeks before ang ganaps, kinakabatutan me at worried ng slight kung anong mangyayari. Like kaya ko ba? Andaming mga what if what if na tumatakbo sa isip ko at kung anik-anik pa. Pero naisip ko na bahala na, just go with the flow na lungs.

Inorient na din kaming mga PH volunteers ng aming HR kung anong magiging takbo at proceedure and stuff like that. Mga possible na gagawin at ang tila itenerary for the week.

Sumapit ang lunes, Nov. 17, around 8 am ay nagmeetup kaming mga volunteers sa main PH office para antayin ang mga makakasama namin. Heto ang bilang ng volunteers: 7 pinoy volunteers tapos 3 from our USA region, 4 sa European region, 4 sa Japan, 2 from Australia at 6 from Taiwan.

So sa morning, introduction lang from co-volunteers at short tour sa aming office. Medyo nakakahiya kasi ako ang nag-tour sa kanila sa floor namin at sa sobrang mahiyain me, medyo hambilis ng quick tour. lols.

Matapos noon, diretcho kami sa HQ ng Gawad Kalinga for Orientation and briefing ganyan. Doon na din kami nag lunch at saka ibinigay ang starter kit (bag with items like shirt, gloves, hat at sleeves protector- yung main pic sa blogpost).



Then byahe na kami to the GK site na located sa Cavite.

After ilang oras ng kembot este byahe, nakadating na kami sa resort kung saan kami mag stay ng ilang gabi. Ito ay may namesung na La Traviesa.




Sandali lang kaming at nag-set ng gamit namin dahil fly kami sa main site kung saan kami magwowork for the next 3 days.







Adter a quick tour, sa hapon, nagkaroon ng mini game thingy so that makabond ng volunteers ang mga kiddielets. 




Pagsapit ng gabi, after ng dinner, kami ay nag-ayos ng mga donations ng clothes and toys and food at nag-pack kami. Ito ay ibibigay sa mga pamilyang naninirahan sa GK site.





After nito, ang ilan ay nagpahinga na at ang ilan ay nag-charade games bago matapos ang Day 1.

At dito ko muna tatapusin ang wento ng GK adventure. :D Abangan ang susunod na ganaps.

Note: Ang karamihan sa larawan ay kuha sa camera ng kasamang volunteer na si Geno. (wala akong masyadong kuha sa Day 1).

2 comments:

  1. Mukhang nakakapagod pero mas nakaka-enjoy ang experience.

    ReplyDelete
  2. wwooott i always consider lucky and super blessed kapag ul be part of GK or any org na not just giving or extending help but making a difference sayang nga lang kasi 1 day experience but im sure its all worth it naman! parang there's something inside you paguwi na masabi mong YES! i did that! wwwwooottt. happy to see there!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???