Thursday, April 13, 2017

Ang Folder

Hello! I'm back again! Holy week na at malamang ay nasa kanyang mga probinsya ang mga folks, nagbabakasyones or nasa mga beach at humahashtag #VitaminSe chuchu.

For me, syempre gumagaya tayo sa sinasabi ni Rihanna, work, work, work, work, work. Kaya heto ako at nasa jupisina at nag-aasikaso ng anik-aniks.

Heniway, for today, instead na magkwento ako ng travel story or ng movie review-reviewhan, isang personal post ang aking isasalitype. You know, kwento ng ganap. So pasensya na kung medyo personal ang post. Gusto ko lang magbuhos at magwento kaso wala naman akong mapagkwentohan kaya ganuns.

Naikwento ko naman na sa mga past random wents ko before na around June or July last year ay medyo nadidismaya na ako sa ganap ko sa opisina. Yung mga moment na parang gusto ko na sumuko.

Pero may mga friendships na nag-peptalk sa akin na magtry mag-apply sa ibang departamento o subukan yung immersion program kung saan mag-uunder-go ako ng training as L2 program.

So sumubok nga ako at nabigo sa aking application sa ibang department. Napakasakit pero wala naman akong magagawa. So inantay ko yung resulta ng application ko sa immersion program.

During that time, ang chika ay 4 lang ang matatanggap at alam ko sa sarili ko na malabo ang chance ko na makasama. Then for some miracle, at di ko alam kung anong ganap, bigla na lang 5 ang nakuha. At swerteng napabilang ako sa natanggap. 

So ayun na nga, nagtraining na kami at nagtratrabaho bilang OJT kinda thing for Level 2. ang original na plano ay 3 months lang.

Pero na-extend ng na-extend at na-extend. Floating kami kumbaga. OJT padin. Hanggang pagdating ng december na ang isa sa mga kasama sa training ay nagpasyang lumipat na lang ng kumpanya. So apat na lamang kami.

Lumipas ang 2016 at enter the dragon naman ang 2017. Akala namin may news na pero January, february at march, ang chika ay extend padin.

Last week na ata halos ng march ng biglang ininform kami na sa aming natitirang 4 na OJT at isang previous person na nakapag-ojt na noon as l2 ay may mapipili na bilang L2. May mapropromote na. Pero hindi lahat makukuha.

May interview na ganap at mukang nagkaroon ng assessment kung sino ang pipiliins. Suspense mga berks! Pakiramdaman kung sino ang makukuha.

Syempre nagkaroon ako ng personal evaluation between me at ng possibleng kakompetensya. At sa assessment ko, tagilid ako. Yeah, kinda pessimistic thinking!

Bakit delicades ako? Eto kasi ang sarili kong puna.:

-Una ay tahimik lang ako. Loner type kung baga. Since kokonti na lang ang friendships ko sa opis, nakatali lang ako sa cube ko, sa harap ng monitor. Kinda patay na bata ang peg.

-Pangalawa, sa tingin ko, konti lang ang magvovouch na okay ako sa work. Peers and opsimates ang evaluator at kung ikukumpara ko ang social game ko, olats ako. Mas friends ng ibang ojt ang ibang L2.

-Pangatlo, parang di ako super technical. Ewan ko. May mga moments na may magtatanong sa aking mga L1 at di ko maibigay ang sagot para sa mga issue na nakukuha nila. Somehow i feel useless.

-Pang-apat ay stats wise. Sa aming 4, ako ang botomesa pagdating sa scores. Ako yung laging kulelats at kumakain ng alikabok pagdating sa all in all stats.

So ayon sa apat na obserbasyon ko, mala-mala at di ako nakatitiyak na makukuha ako.

Dumating etong linggo ng holy week. Mukang nakapag-desisyon na.

At nagkaroon na ng one on one talk.

At...

Nagkaroon ng himala at nakuha ako. Ambelibabol! Di ako makapaniwala. May agam-agam at pagdududa pa ako.

Di pa ako nagdiriwang. Di ko pa maipagmalaki sa aking pesbuk o kaya naman sa twitter or sa instagram na nakakuha na ako ng Magic folder na kadalasang pinopost ng mga ka-opisinang na-promote.


Di ko alam... Confused ang feeling ko. Masaya na parang blanko at may takot.

Bakit? Bakit ko nasabi yun?

-Una, since hindi nga ako technical na tao, may kutob ako na ang tingin ng ibang l1 engineer sa akin ay isang inutil na trabahador. Yung tipong di ako tatanungan since alam nila na wala akong alam. Parang si John Snow ganyan... I know nothing chararats.

-Pangalawa ay yung napag-alamanan ko kung sino ang mga na-promote at sino ang hindi, bigla kong napaisip. Mas performer sa stats yung di nakuha. Mas sociable siya sa mga L1. omg.

-Pangatlo, naiisip ko na baka sabihin na politika. Bakit? Kasi yung team lead ko noon ay nagkaroon ng change of role at naging co-team lead na ng mga L2. Baka isipin na na-hocuspocus at kinda na-manipulate in some way.

Pero with all that kinda negative scenario na naiisip ko, medyo masaya naman ako. 

Sinasabi ko sa isip ko na deserve ko naman etong promotion na ito.
-Nagtagal ako dito sa kumpanya ng walong taon and somehow nagbago ako.
-Nag-effort naman ako na gawin ang best ko during work
-Itinago ko lahat ng negative vibe na nadarama ko. 
-pinilit kong pumasok kahit ang katawang lupa at isip ko ay sinasabing sumuko na ako.
-Naging mabait naman ako.
-May mga kakilala na nagpahayag ng saya ng nabalitaan ang promotion ko. Yung dama mo ang sinseridad.

Thankful ako sa mga tao/kaibigan na pinilit akong i-cheerup at pineptalk ako na mag-stay at i-try. Salamat din sa team lead ko na kahit straight talk at sinasabon ako sa mga kamalian ko ay todo push din at pagbibigay payo. Thankful din ako sa pamilya ko na kahit na sila ang nakakaranas ng negativity ko ay wala akong narinig na masama or pinakealamanan ang work life desisyons ko.

So heto. Binuhos ko na lang sa post na ito ang laman ng isip at puso ko. Pasensya na kung medyo dramalala at mahaba pero nais ko lang ilabas ang mga nadarama.

O sya, hanggang dito na lamangs. TC 

4 comments:

  1. Let out all the negative vibes and let the positive vibes surround you :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah, as much as possible, umiwas ako sa negavibes. :D

      Delete
  2. wow congrats! ganun talaga, kaya ikaw ang na-promote dahil nasa iyo ang X-factor, ikaw ang may hawak ng brilyanteng hindi pa naipapalabas sa Encantadia hahaha :)

    dama ko ang post mo na ito, kaya congrats ulit sa pagkamit ng mahiwagang folder :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you.
      kailangan ko na magpalit ng baluti dahil hawak ko na ang brilyante lols

      Delete

So.......Ansabeh???