And it's April! Natapos na ang unang taklong buwan ng taong 2017! Grabehan sa bilis ng panahon ano po? Oo, at sa sobrang bilis ay napag-iwanan na etong post ko na ito na dapat ay last year ko pa na chika sa inyo.
Pero alam nio naman na medyo kinatam tayo at medyo nawalan ng focus sa pagsasalitype noon kaya nagkaganun. Pero worry not chocnats, eto na. Eto na ang wento bago pa magkaroon ng 1 year anibersaryo ang byahe ko.
Heto na ang Byaheng Siquijor!
(note: mga larawan ay kuha sa aking digicam pwera sa mga groufie na kinuha ko sa tagged photos sa fb ko)
(note: mga larawan ay kuha sa aking digicam pwera sa mga groufie na kinuha ko sa tagged photos sa fb ko)
April 15, 2016. Kasama ang mga dabarkads na mahilig bumiyahe, kami ay lumipad patungong Dumaguete. Yah! Dadaan ka ng Dumaguets muna kasi walang rektang lipad papuntang Siquijor.
Maaga kaming nag-fly-fly-fly papunta ngang Dumaguets at after nun ay nag-vengaVan kami papunta sa port kung saan pedeng mag-ride ng VengaBoat papuntang Siquijor.
Pagdating sa Siquijor, sinundo kami ng mini jengajeep at ibinaba muna kami sa aming tutuluyan na itatago natin sa namesung na 'The Bruce' (hindi wayne at Wilis, walang apelyido). Naglagay lang ng gamits sa room.
After nun, umpisa na ang galaan. Heto ang mga napuntahans.
1. Capilay Spring Park- Wag kang mag-alala, di ka masasaktans at mapipilayans sa spring park na ito. As the name itself, isa syang spring park. Pero sa mas simpleng eksplanasyones, Swimmingan place!
2. Enchanted Balete Tree and Fish Spa- Syempre may puno ng Balets here! Alangan naman na puno ng aratiles ang makikita mo dabah? And here, you can make babad your nangangamoy na paa (joke), kinakalyong paa na lungs. Pero Baka maculture shock kayo dahil medyo malalaki ang fishy na mala-tilapia size!
3. Overlooking view na daan (sareee, may memory failed the citeeeey!)- Along the way the next desti, huminto ang driver namin at sinabi na medj overlooking ang dagats. So ayan, picture-picture mode.
4. Lazi Church and Convent. Wow, toroy ng namesung! pero ang orig namesung ay San Isidro labrador Parish Church and Convent. Lazy much lungs kaya Lazi ang name na gusto lols.
5. Cambugahay Falls- Ito ay isang place kung saan hindi ka masasaktan kahit na ma-fall ka lols. Dito pede kang mag lambitinchuchu at babagsak sa tubigan ganyans.
6. Salagdoong Beach- Dito naman matatagpuan ang isa sa spot para sa mga may strong bones at strong heart. Dito ay pede kang tumalon sa cliff ganyan.
7. Unknown Beach- for some reason, naghabol kami ng sunset chuchu at dinala kami ni koya sa isang beach na di ko matandaan ang name. Medyo nahabol naman namin ng very-very light. hahahah.
Kinabukasan, chillax mode lang muna sa beach front ng 'The Bruce' hanggang tanghali at byahe na kami pabalik ng dumagete.
At dyan na nagtatapos ang byaheng Siquijor.
Maganda ang place at masayang ibalik sa bucketlist if ever.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???