Ang haym back! Hello! Sensya na at ngayon lang ako muli nakapagtipa at nagka-energy na magsulat sa aking bloghouse sapagkat ako ay slightly naging busy sa paglalaro ng ps4 sa bahay at sa opisina naman ay busy-busihan sa iba-ibang bagay.
Pero since walang tawag ng tanghalan ang araw na ito at payapa ang mga bagay bagay ay naisipan ko na imbes na manood ng youtube ay magkwents na ako at magpatuloy sa kwento na dapat ay last year ko pa nasabi.
So eto na ang wentong sumunod sa Siquijor...
Wag kang mabibigla, isasama kita.
Wag kang magtanong, basta sumama ka lang,
Wag mong pigilan, sulitin at sumama....
Dumaguets, dumadumadumaguets...
Di ka na malilito wooooh!
note: Naiwan ko na ang charger ng digicam ko nito kaya yung mga pics ay karamihan from nyelpon or tagged photos at grabbed photos langs).
Hapon na ng day 2 or April 16, 2016 ng kami ay makalapag muli sa Dumaguete from Siquijor at una naming pinuntahan ay ang aming tutuluyan. Syempre kailangan naming ilapag ang mga gamit namin ganyans.
After that, nag-walkatour muna kami sa town proper. Kain tapos ginaya ang sabi ni Sarah... ikot-ikot-ikot.
Kinabukasan, day 3. Ang next namin ay magtour sa Apo Island.
As far as I can recall, nuks, me ganun. Nag-traysikol muna kami papunta sa port kung saan makakapag-rent kami ng boat na sasakyan namin papunta sa Apo Reef. Medyo nagkaroon ng slight aberya kaya medyo tanghali na kami nakadating sa island.
Pagdating doon, nagkaroon na kami ng chance na magsnorkel chuchu sa isang protected area kung saan doon matatagpuan ang mga pawikans. May guide kami na sinusundan sa paglangoy na syang naghahagilap kung saan chumuchillax ang mga kamag-anakan nila Donatello, Raphael, Leonardo at Michael Angelo.
Medyo nakakapagod maglangoy at magsnorkol pero sulit at nakakamangha na makakita ng turtle power! Nakaka-amaze at nakaka-wow.
Tapos nun, beaching lang at back to accom na.
Last day naman ay maaga kaming nagbus papuntang Manjuyod (kapatid ni Mansuklay) para sa isa nanamang beachmode.
Tapos boat ride papunta sa tila sand bar-ish na crystal clear waters. (sensya na, yung camera ng phone ko nagiging reddish ang blue sky).
After nun ay balik na din kami ng hapon dahil flylaloo na kami pauwi.
At dyan na nagtatapos ang adventure story.
I love the street food sa Dumaguete!
ReplyDelete