Around this month ng may nabasa akong artikols sa fb na magkakaroon ng remake ang isang anime na palabas noon (pero di siya pasok sa 90's). So bago pa ito magkaroon ng new ganap/look at eksena, ay maigi na balikan natin at alamin kung ano nga ba ang wento nito.
So heto at ating alamin kung ano nga ba itong anime na may title at namesung na Cardcaptor Sakura.
Heto at hihiramin natin ang powers nitong si Ida para tayo ay makapag...
Time Spacewarp...Ngayon din!
Sa isang syudad ng Japan na itago natin sa tawag na Tokyo, may isang batang babae na aksidenteng napakawalan ang isang set ng magical cards. Ang batang babae ay itatago natin sa pangalang Sakura.
Hindi po sya, wag magpalito
Tignan yung girlay na unang picture sa top
Hindi itong cards na ito.
Hindi rin ito
lalong hindi ito
Eto po talaga yung cards!
At dahil sa pagkakarelease ng magical cards, isang yellow thingy with wings ang lumabas at nagpakilala bilang bantay ng mga cards.
At dahil kasalanan ni Sakura na makawala ang mga cards, siya ay binigyan ng task ni Big Brother upang kunin ang mga cards at ito ay ipunin.
At dito na tatakbo ang wento ng anime. Ang episodes kung saan may magpaparamdam na nakatakas na card at magpapakita ng kanyang magical powers at kailangang mahuli ito ni Sakura.
Sa anime, may mga characters pa na makikilala bukod sa bidang sila Sakura at Kerberos (tinagalog na name).
Kilalanin ang ibang karakter.
1. Toya- Ang asawa ni Toyo charots. Si Toya ang kuyakoy ng bidagurl na si Sakura. Hindi siya pedeng yumuko masyado dahil baka masaksak niya sarili niya lols. Siya ang nagbabantay sa kanyang kapatid kapag mapapahamak na ito.
2. Syaoran- Pinsan nila Tyoran, Slaoran at Kmiren :p . Isa siyang descendant ng original owners ng magical cards. Siya ay ang katunggali ni Sakura sa pag-iipon ng mga nakatakas na cards. Di nagtagal, nahalina siya sa alindog ni Sakura.
3. Tomoyo- Ang kapatid nila Yesterday at Now. Achuli, nasnip or cousin siya ni Sakura, Siya ang isa sa support character dahil siya ang tagagawa ng costumes ni Sakura para naman medyo fashionable ang kanyang ganap. Videographer din siya sa mga eksena.
4. Meiling- May codename na LuncheonMeat lols. Siya ang partner ni Syaoran noong umpisa kung saan nakiki-agaw-eksena sila sa panghuhuli ng cards. Inlababo siya kay Syaoran kahit na may gusto sa iba ang crush niya. #OneSidedChuchu
5. Yukito- Isa sa may deadly weapon sa mukha charots. Siya ang crushie ni Sakura noong di niya pa masyadong napapansin si Syaoran. Tinigil lang ni Sakura ang pag-iilusyon niya kay Yukito dahil lagi siyang nababahing at napupuna niya na Bet ni Yukito ang kuya niya. #Bromance
6. Eriol- Eeksena siya sa second half ng anime dahil siya ang original na owner ng Magical Cards. Gagawa siya ng mga ganap para palitan ni Sakura ang Clow Cards at gawing Sakura Cards.
Inferness sa anime na ito, nakakaaliw naman siyang panoorin at okay naman ang kwento. Di ko lang masyadong nasubaybayan ito.
O ayan, informed na kayo kung ano ang anime na Cardcaptor Sakura.
O sya, hanggang dito na lang muna! Take Care folks!
This brings me back to memory lane haha :)
ReplyDelete