Tuesday, July 3, 2012

Bloody Reunion

Medyo naka-gets-over na ako dun sa muntikang panloloko sa akin so since wala namang singkong duling ang nakuha mula sa aking bulsaness, back to the regular programming na muna tayo.

Di ko muna agad dudugtungan ang Voltes post para naman may sense of suspense kunwari. For today, tayo ay magpepeliks reveiw-reviewhan.... at ang genre ng palabas.... love story. Joke lang. Takut-takutan/horror/bloody.

Alam ko most ng mga dumadalaws dito sa blogelya ay di masyadong trip ang genre na nabanggit subalit gantong peliks ang promising sa akins. hahahaha.

Pamagat ng peliks: Bloody Reunion.


Magsisimula ang wents kung saan merong isang pulis pangkalawakan o imbestigador na nagbukas ng isang kwarto na merong 5 bangkays na natorture o minarder!


Then dun na sisimulan ang wento kung saan ipapakita na merong isang teacher na may katandaan na. And then one by one, ang mga estudyante niya ay nagsisidatingan para dalawin sya.

It's a happy reunion sana ng teacher-students kaso it turns out na ang mga studyante nia ay may mga issue kay teacher.

One student ay napilay dahil sa na-over-fatigue ang binti sa pag squat tapos pinatakbo sa marathon. Yung isa, kinutya kasi jumbohala sa kajubisan. Yung isa natae sa short at pinagalitan. Meron namang dalawang students na minaliit kasi poorita at ang isa ay minolestya.

Then, at the night of reunion, one by one, may namamatay at pinahirapan. Yung isa binuhusan ng mainit na tubig sa bibig. Meron namang inistapler ang mata. Tapos merong kinuyog ng insekto/langgam at hinampas-hampas. Nice!

And so syempre like other story, ma-rereveal kung sino yung kupaloids na gagong pumatay sa mga klasmate. At dito marereveal ang twist sa kwento!

End.

For me, medyo slow ang pace ng konti pero maganda ang bloody scenes and torture. Maganda din ang naging event and revelation at ang twist. Kaso may something awkard sa ending.

Kasi anyare ay yung mga pinakitang may galit sa teacher, ay successful sa life at wala talagang galit sa teacher. Yung isang girlaloong student lang ang naka-experience ng bullying. Pero ang nakakapag-taka, ang sinabi ay nilason nia yung mga klasmate nia.(so kung nalason at napatay na, tinorture pa? palaisipan lang sa isip ko)

Bibigyan ko to ng around 8.4. Okay naman ito.Pasado at lagpas otso.

O cia, hanggang dito na lang muna. TC!

8 comments:

  1. don't like. madugo eh. hehehe. mahina sikmura ko sa ganyan :D

    ReplyDelete
  2. waaaaa! ito yung movie na ni review ko before title eh "To sir with love"...hehehe one of my favorites..weee!!!

    ReplyDelete
  3. I love asian horrors/slash flicks ipipirata ko na to ngayon..salamat sa review :]

    ReplyDelete
  4. napanuod ko to! haggard yung sinubuan ng mga blade ng cutter!

    ReplyDelete
  5. mahanap nga to online para mapanood din. salamat!

    ReplyDelete
  6. hala...katakot ba talga? mapanood nga..sana indi to kadiri like saw haha

    ReplyDelete
  7. bloody nga sya oh thai ba yan?? naku gore talaga mga horror movie nila haha

    ReplyDelete
  8. One of the bloodiest Korean horror movie I've seen. I didn't expect the twist.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???