Annyeong-Haseyo Oppa-Nunna-Unni-Hyung-Ajjushi-Ajjuma-Chingu. Lols. Kamustasa mga friendships! Well, kagagaling ko lang kahaps sa megamall dahil sa nagaganaps na Korean Film Festival.
Ang Korean Film Fest ay isang pakulokulo ng SM mall kung saan parang ginaya nila yung Eiga Sai ng ShangriLa. Pero let's give it the benefit of the daw. Instead of Japanese film, ang palabas Korean film kaya nga Korean film fest e.
Ang current film fest ay tatakbo from Sept. 18-23 na nagaganap sa Megamall. Tapos after nun, sa SM Baguio from Sept. 26-30 at last ay sa SM Cebu from Oct. 3-7.
Ang proseso, punta ka lang before screening time para pumila if ever may pila tapos papasok na kayo at i-enjoy ang peliks.
Sa mga hustlers, kailangan chunky check na may water and foodies ka sa bag na di mabibisto ng bantay. Pag meron ka noon, naku, buhay ka na at pedo mo mapanood yung taklong peliks per day! Yan ang strategies ng mga beterano na sa mga free films (based sa naobserbahan ko sa mga nakasabay ko sa first and second film, mga laging handa).
Aniways, share ko sa inyo yung dalawang peliks na napanoods ko. Bakit dalawa lungs? Masakit din sa pwet ang nakaupo lungs. hahaha. Atsaka napanood ko na yung 3rd peliks, may review na nga din yun dito e. Hanapin nio na lungs yung Spellbound.
Ang wento tungkol sa isang bata-batuta na merong saltik or much better itawag natin na special sya. Mahirap makapik-up. Pero kahit na ganun, feel na feel ni kiddo na pumasok sa iskul kahit na nabubully sya at ayaw tanggapin sa skul. Pero kahit ganun, nag-kapit-bisig sila at sinuportahan sya ng loving father dear nia at go go gogo lang ang peg.
Bakit bunt ang title? eto kasi ay dahil napasok sa baseball team si kiddielets at may part na tinuro sa kanya ang isang pamamaraan ng pagtira sa baseball.
Simple lang ang movie pero touching din with a zest of humor. Sakto lang, di gaanong madrama, di gaanong kenkoy at di boring. Grabe lang ang love nung father sa son nia. May score na 8.5
Eto naman ay tungkol sa isang rock star wannabe na biglang naispatan ng isang talent scout upang gawing protege, the battle for the big artista break. So sama naman tong si wannabe rockstar. Kaso, yung genre ng music na gusto ng talent scout ay isang genre na para sa kanya ay so badukis, walang style, jologs at nakakahiya.
Pero eventually, syemps, kelangan maka-adapt sa pagbabago ang bida. Naging mahusay sya at naging famous, kaso nagtago sya sa maskara kasi nga, di nia pa keri na mag-out dahil, hiya pa sya sa genre ng music.
Actually napasadahan ko to noon kaso di ko inapos kasi parang jologs for me yung tema pati music. Pero nung napanood ko sya with a number of peops sa megamall, pwede na din at funny din at keri naman. May score din na 8.5
Para sa mga walang gagawin sa mga next days, try niow, libre naman e, madaming nag-enjoy (kanina mga labers both oldies and yuppies, mga students, mga teachers, mga officemates, mga berks, at mga forever alone like me. hahahaha)
O cia, hanggang dito na lang muna,take care!
O cia, hanggang dito na lang muna,take care!
annyeong haseyo!
ReplyDeletewow, sana mabisita ko din yang Korean fest sa megamall :)
Wow, ikaw na ang maraming napanood! Nakaka-miss na pumunta sa mga film fests...
ReplyDeletegaganda ng mga movie apti tv show ng ma korean nu
ReplyDeleteShikorowa! Hantokswa! lol
ReplyDeleteAabangan ko na yan dito sa City of Pines! XD
Basta ang alam ko... Masarap ang BIBIMBAP! bwahaha
ReplyDeletenever pa ko nakaattend ng ganito :))
ReplyDeleteminsan nga maitry din ang film fest na yan. metro manila film festival naman lol
ReplyDeletemay korean filmfest din pala! tawa ako sa term mong kiddielets parang sa neo aspilet lang haha
ReplyDelete