Saturday, May 5, 2012

3 Iron

It's hard to tell that the world we live in is either a reality or a dream.


Wow, kumo-quotes for the post? Well, yan ang quotable-quote mula sa peliks na kakapanood ko pa lang. 

Kumorean movie muna us. Oo, dapat alternate ang mga peliks. Para paiba-iba flavah.

Check the title of the post. Yan nga pows ang pamagats ng peliks. Hindi ito ralated sa mga duplicate or clones ni Ironman. Yan lang ang trip nung gumawa ng movey. Wala daw basagan ng trip. Gusto nia e. Hayaan na sya kasi masaya naman si taytol creator.


Ang peliks ay tungkol sa isang binatang loner na may sometimes. Meron syang modus operandi. Maglalagay sya ng mga flyers sa mga bahay-bahay at kung malaman niyang walang nagtanggal ng flyers, malamang sa alamang ay pede syang mag-gate-crash.

Pag may napili na syang balur, tatambay sya doon for a night... makiki-tae, kakain, maliligo at matutulog. Di sya nagnanakaw. Ang kapalit ng pag-stay nia panandalian ay ang pagkumpuni ng mga bagay na sira o kaya naman ay paglaba ng mga damit doon sa haus.

One time,nag-stay in sya dun sa haus na malaki. Then akala nia, solo niya yung haus pero andun pala ang isang housewife na ginugulpi ng aswang asawa. Feel at home si boy. Naligo, naglaba, nag-ayos ng bahay at nag-jacklyn jose (jakolito) tapos nakita sya ni girl.

Natakot si boy, umalis.... pero bumalik. Tas nadatnan nia sa house na minamaltrato at gustong pwersahang makuha ng asawa ng girl ang halimuyak at alindog ni babae. Aba, umeksena si boy at iniligtas si girl at itinakas nia ito.

And so from being a loner, dalawa na silang nag-ho-house-hopping na akala mo parang bloghopping lungs. Lipat-dito-lipat-doons. May times na nahuli pa nga sila... lols.

Syemps, alam naman na di na sila nahuli. Ayun. One time, may natuluyan na house sila na may deads na lolo. Nilibings nila pero tuloy sa pag-stay-in sa house. Poof. Dumating ang junakis ng dedo at nabukelya na sila. 

Nabalik sa old husband si girl tas si guy naman ay nakulongs (di nga lang matagal kasi napatunayan na di sia ang pumatay sa lolo at may sakit lang sa lungs ito). 

Sa kolongan, nag-aral si guy upang maging master of stealth at di makita dahil laging nagtatago sa blind spot ng tao. Bakit? Para sa larawan sa ibaba.


Ayan, sumasalisi si guy. lols.

Ang score, 8. Okay naman. Nakakardo lungs yung style ng pamumuhay ni guy na naghohouse trippings. Okay naman yung takbo ng story kaso walang mainit-init na bembang scenes sa peliks. Like, may eksenang nakita ang wetpaks ni guy kasi naligo, tas may nag-suot panty scene si girl pero walang pinakitang seksena? Ayan, minus points sa peliks. lols

O cia, hanggang dito na lang muna pows. Bukas, baka yung Japanese movie naman ang review. TC! Nights!

6 comments:

  1. Saktong sakto, naghahanap yung friend ko ng korean movie. Hahaha. Sabihin ko sa kanya panuorin nya to. LOL :3

    ReplyDelete
  2. ah napanood ko to. ang bida eh yung lalaki sa sassy girl chun yang hahahah.

    ReplyDelete
  3. ay gusto ko may magandang kankungan! chos

    ReplyDelete
  4. Parang ang layo ng story line dun sa poster?

    ReplyDelete
  5. ou nga dpat may thrill! hehe joke :))

    ReplyDelete
  6. bongga ng quote! sing bongga ng poster! haha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???