Wednesday, May 9, 2012

Lost and Found

Di ko alam kung napost ko na tong peliks na ito before pero sa paghalukay ko ng aking archives, bigo ako. Alam mo yung feeling na na-post mo na pero wala talagang bakas na naipublish mo na. Hindi kaya nabura ng alien ang memory ko?

Well anyway, dahil unsure ako, eto ang post tungkol sa review-reviewhan about sa korean peliks na Lost and Found.


Ang story ay tungkol sa isang kelot na may crush sa isang guy from her previous school. Type na type nia si boy noon at A-for-effort at ipinagtahi nia pa ng jelepanteng istaptoy si boy.

Then one time, nakits muli ni girl si crush nia and amportunately, nagpa-bangga-banggaan epektus si girl at nagkunwariray na nagka-amnesia.

So may-i-take-care ang drama ni boy kay girl. At parang ibinahay pa ni boy si girl.

But-but-but at isa pang makaing butt este but. Si girl ay may bestpren/kapitbahay na kaklase nia din noons na deads na deads kay girl. So syemps trumatrayangulo ang lab-story na.

And so umeeffort si other boy to remind the girl of their friendships and how-how the carabao na-fall si other boy kay girl.

And so........ bibitinin ko ang wento at tapos na po ang synopsis. Lols.

So-so lang pero pwede na. 7.5 score. Actually oks naman sana kaso medyo walang kilig-kilig portion. Walang masyadong memorable scenes.

O cia hanggang dito na lungs muna.

BTW, yung The Soul Searcher po ay isang fiction story. Picture ko lang ginamit kong pic kasi wala akong mahanap na pics from google. :D

8 comments:

  1. di ko nagustuhan to eh.

    base!

    ReplyDelete
  2. ndi ko ito napanood :)

    ReplyDelete
  3. ou nga kulang din sa kilig factor, hehe

    :))

    ReplyDelete
  4. dahil sa review at comments.. di ko na rin ito panoorin.. hahahaha..

    naisip ko lang, bakit karamihan sa chick fliks ng Korea may love triangle?? eheheh

    ReplyDelete
  5. hahah ang pangit naman walang masyadong kilig eh ang movie romantic comedy... anubas.. hahhaa

    ReplyDelete
  6. bet ko to, ang kulit ng story. tawa ko ng tawa sa a for effort lol..sayang naman akala ko trulalu ang soul searching..

    ReplyDelete
  7. Ay, bitin. mukang maganda ah..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???