Friday, February 5, 2010

Donat Love!

Thank god its Friday, yan ang sasabihin mo pag ang pasok mo ay mula monday hanggang friday. Sa aking kaso, may isang shift pa. Kahit na may pasok pa bukas, napagpasyahan ko na pumunta sa paborito kong tambayan, Megamall. Alam na ng karamihan kung ano pakay ko sa mall, ang bumili ng laruan. Tama, laruan nanaman subalit this time nag food hunt naman ako!

Sa Megamall ay ramdam na ang simoy na pebrero dahil mga love songs na ang pinapatugtog. Makakakita ka na din ng samu't saring hearts sa mga stalls. Di nakaligtas sa aking mata ang dalawang bagay na aking nakita sa megamall, ang flying roses at ang mall version ng Eiffel tower ng paris. hays love is in the air.


Giant Roses


Eiffel tower

Sa mga tulad ko na wala pang relasyon o partner sa buhay, masasabi na malungkot ang pebrero at ang iba ay sasabihing matabang o mapait ang buwan sa mga walang lovelife. Sa tulad ko na wala pang pag-ibig at maaaring may imbisibol na karatulang "Do Not love", kailangang maghanap ng bagay na matamis at magbibigay ng sariling katamisan, eto ang mga Donats!

Tapos na ako sa pagbili ng laruan sa Toy kingdom at nakita ko ang Go Nuts Donuts na katabi ng toy store at na-curious ako sa kanilang promotion na Disney Donuts!  Yep, sa panahon ng mga puso ay kailangang umayon ang theme ng donuts! Ang kanilang latest creations ayy ang loveteam disney donuts. May apat na characters silang binebenta ngayon. Ang mag-jowangers na nagRARATRATAN ng pag-big na sila Mickey at Minnie at ang Duck-O sa pagmamahalan na sila Donald at Daisy Duck. Ang Disney donuts ay may presyo na 32 pesos per piece. Since i am craving for sweets kahit diet mode ako ay binili ko ung apat na design. In fairness, may toothpick with tags pa ang donuts! Plain sugar glazed donuts lang to na may korteng ulo ng dalawang daga at ang trademark suot nila at regular O-shaped para sa itik. masarap ung sweet sugar candy designs ng mga donuts(ribbons o bows ng dalawang pato). All in all, oks naman sa lasa pero medyo mambubutas lang ng bulsa ito pero okay sya kung magpapaimpress ka sa liligawan o syota. 











Sumunod na pinuntahan ko ay ang Dunkin Donuts. Nothing new sa store na ito kasi luma na ang kanilang choco-bang-bang at yehey cake! Common nadin dito ang heart shaped donuts nila kaya ang napili ko ay ang heart-shaped muffins. Sa presyong 29 pesos, makakabili ka na ng muffin nila na korteng puso. For the taste, para syang oatmeal cookies with less the oat. Medyo may katigasan at medyo dry ang raisins. ratings ko dito ay so-so lang kasi di sya pedeng pangregalo for valentines. baka mabukulan ka kung medyo high-class ang girly na bibigyan mo.







Last stop ay nang papauwi na ako. bago sumakay ng tricycle ay nakita ko ang Happy Haus Donuts! Aba! They have valentines donats! amazing! Korekted by! Di magpapahuli ang fast rising donat ng masa! meron din silang Donat na heart shaped. Ang pinagkaibahan ay may tatlong klaseng fillings ito! Tutyal! tama po! Hindi sya ORNAT o ordinaryong donat kasi di sya basta-basta. May bavarian, Stawberry at Chocolate Filled flavors!  Heto pa matindi, may Box pa per piece! San ka pa? Sa presyong 12 pesos, may box na ang isang piraso mo at check-out the box, di basta basta at pinaghandaan din! Isn't that amazing?! Sa lasa ay okay din kaya ang rating ko dito ay pasado!





Sa Mister Donats lovers, pasensya na po kasi di na ako bumili dahil Belgian bites lang ang sa Mister Donats at tanging ang aluminum heart shaped container lang ang kanilang inoofer. Sa  Krispy Creme goers naman ay hihingi din ako ng dispensa dahil di ko alam kung may hearts day related donats sila at medyo kulang na sa budget.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???