Friday, February 5, 2010

Hardin at Hiblang Abo


Ngayong papadating na ang araw ng mga puso, madaming kung anu-anung something ang makikita at magaganap. May mga promo ng chocolates. May Valentines eklat ang mga food establishments. May lovers delights ang mga motmots at biglang liko. May mga banda at gigs sa iba't ibang bars and resto. May mga Love concerts ang mga artista at di magpapatalo ang grupo ng aking kaopisina dahil sila ay may inihandang pagtatanghal o dula.

Sa ibaba ang maikling patikim ng istorya na makikita din sa blog ni mapanuri.

Hiblang Abo:

Ating tunghayan ang kuwento ng apat na matatanda, mula na rin sa pagsasalaysay ng isa sa kanila - kung paano sila nahubog ng kani-kanyang masalimuot na nakaraan, nakababagot na kasalukuyan, at ang nakakatakot ngunit hindi maiiwasang hinaharap. Tignan natin kung paano sasagutin nila Huse, Blas, Pedro at Sotero ang tanong na pilit idini-diin sa kanila ng mga pader ng aabuhing silid na nagmistulang tahanan o kulungan sa mga tulad nilang napagiwanan na ng kung anumang maihahandog ng mundong pisikal. Ito ba’y sa pamamagitan ng isang tula, o isang talumpati? Samahan natin sila sa pagbabalik tanaw sa masaklap na nakaraan, sa pagkumbinsi sa sarili na masaya naman ang kasalukuyan, habang hinihintay ang malungkot na pagwawakas - ang pagbaba ng telon.


Hardin:

Sa gitna ng isang tahimik na gabi makikita si Cris na nagpupumiglas sa kanyang nararamdaman habang ipinapaliwanag sa kanyang kasintahan ang mararamdaman niya pagkatapos siyang iwanan nito. Si Jay na kanyang kasintahan, na nasa kanyang tabi lamang ay susubukang patahanin si Cris at pilit na mangangatwiran sa para lamang mapagaan ang kanyang loob. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, malalaman na si Cris ay nakikipagusap lamang sa hangin. Dahil patay na ang kanyang pinakamamahal na kasintahan - si Jay.



Ang dalawang dula ay gaganapin sa Dominic Savio Auditorium na matatagpuan sa DBTC Mandaluyong.

Kung nais bumili ng ticket, maaari ninyong kontakin sila:
Jeff: 09157865459
Kenneth: 09053409583

Ang dula ay tatakbo sa mga sumusunod na araw:
Feb. 12, 2010: 3PM and 6PM
Feb. 13, 2010: 3PM and 6PM
Feb 14, 2010: 12nn and 3PM

Halina at Manood na!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???