Tuesday, February 9, 2010

Single's Valentines!



Ngayong paparating na ang araw ng mga puso, narito ang mga bagay na pedeng gawin ng mga taong walang ka-date at single sa buhay.

DVD Marathon- Maaaring bumili sa quiapo, sa St. Francis square o sa Greenhills ng DVD series o anime. Bumili ng sandamukal na palabas at panoorin sa bahay habang kumakain ng popcorn o ng kung anu-anung snacks na mabibili sa grocery.

Manood ng Play- Pedeng pumunta sa Don Bosco Auditorium kasama ang mga friends at colleagues upang panoorin ang Hiblang abo at Hardin. Sa ganitong paraan, makakaiwas sa lumbay.

Mag-Sight seeing- Pumunta sa mall at ihanda ang mata sa mga naglipanang kagandahan. Iwas lang na mabisto na sight-seeing lang ang ginagawa mo sa malls.

Manood ng sine- Pumunta sa sinehan at mamili ng pelikula na di masyadong dudumugin ng mga taong napiling mag-date at maglambutchingan. Mas maigi siguro kung makakahanap ng pambata o scary na movie.

Facebook- Wala ng tatalo sa pag-ubos ng oras sa harap ng computer at mag-antay na magkarron ng energy sa mafia, magbungkal ng lupa sa farmville, mag linis ng aquarium sa fishtown at kung anu-anu pa na applications. Maaari mong salihan lahat ng apps upang mapabilis ang oras at matapos ang araw ng mga puso.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???