Habang ako ay ninanamnam ang boring ko na Restday dahil ito ay Lunes at wala namang magawa sa bahay, aking binuksan ang dvd na aking binili. Ang series na aking napili ay ang paulit-ulit at walang kamatayang love story ng isang mahirap na babae at isang mayaman at arrogant na lalaki. Ang aking tinutukoy ay ang kwento na Hana Yori Dango.
Korekted by, para akong tanga na binili ang manga series na na-remake na ng ilang beses sa iba-ibang lugar! Ang tambalang Shan-chai at Dao Ming Zi, Makino at Domyoujji at Jan Di at Jun Pyo ay nagmula sa isang manga series na Hana Yori Dango.
Ewan ko, di ko alam at kung ano ang nasa aking isipan at tinyatyaga ko pa ang kwentong ginasgas na ng panahon. Ang istoryang nagsimula pa noong nasa high school ako ay pilit na tumatatak sa aking isipan. Marahil nga ay wirdong tao lang ako na naaaliw sa takbo ng whirlwind romance nila kung saan ang hinayupak na kumag na bidang lalaki ay pinahirapan ang babae na nag-oppose sa di makatarungang pambubully ng F4 na isang grupo ng apat na elitistang mayayaman!
Ang kwento, sa una ay ayaw ni babae ke lalake dahil ng bully. May crush syang iba subalit may gusto ng iba ang boy next door. Kahit na anung pilit, inlababo padin ang bidang babae. Dahil nga kinalaban ni babae ang bidang guy at leader ng f4, nafall ang loob ng pa-maton na bida sa babae. Magkakaroon ng twist kung saan ay na-inlove na din si babae kay bidang lalaki subalit against ang family dahil poorita lang ang babae. In the end, pinaglaban ng dalawa ang heart nila at they live happily ever after.
heto ang mga larawan ng iba-ibang version ng series.
Taiwan version: Meteor Garden
Hana Yori Dango: Japanese Version
Korean Version: Boys Over Flower
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???