Thursday, February 11, 2010

One 574 and Naruto 482!

Anime Fanatics?? Maagang inirelease ang karugs ng inaabangang kwento. Blazing Hot ang Naruto at lalong lalo na ang One Piece!



Umpisahan natin ang Naruto. Sa Episode 482 ay isinaad na ang pagkapanalo ni Sasuke at ngayon ay tinatanong ni Uchiha Madara kung anung gagawin kay Karin. Dito ay tinuturing na di kaalyado ng kumag ang babae at tila ginamit nia lang ito at ngayon ay nais na niyang tapusin ang buhay. Dito din ipinakita na si Karin ay nakasalamuha na noon ni Sasuke noong kumukuha sila ng Chuunin exam. Aba'y akalain nio na naidugtong pa ng author ang buhay nun?! Sa kabilang dako, si Naruto ay dapat ng bumalik sa bayan ng Konoha subalit nag-iinarte at nagpupumilit na makita si Sasuke. Gumawa ng paraan upang matakasan ang bantay nia. At sa isa pang dako, nakatakas na si Sakura kay Sai na ninais pigilan siya at mag-isang nagtungo sa kinaroroonan ni Sasuke. Dun, sinabi nia na nais nia din iwan ang Konoha upang makasama si Sasuke... Itutuloy!


Sa inaabangan kong kwento ng One Piece naman tayo magtungo. Kung sa nakaraang episode o chapter ay ipinakita na nasapul ng kapangyarihang lava ng Admiral si Ace. Dito ay nalaman na tinusta na ng kalaban ang halos laman loob ni Ace at tiyak na ikamamatay na nia ito. Dito sa bagong episode ay ipinakita na talagang tatangkain ng kaanib ni Ace na tulungan sya at ipagamot ngunit talagang huli na din. Ipinakita ang flashback ni Ace kung saan nadama nia ang pagiging basura sa paningin ng ibang tao dahil isa  syang anak ng hari ng pirata. Madarama nio ang lungkot na naramdaman nia habang napapakinggan ang insulto ng mga tao tungkol sa anak ng King of Pirates na di nila alam na nasa harap nila. Ipapakita sa kwento na talagang di makapaniwala si Luffy sa nangyayari at lubos na umaasa at sinasabihan ang kapatid na huwag susuko. Sa isang portion din, ipinakita ang galit ni Garp subalit wala syang magawa. Dito ay tinangka din ni Jimbei na makatulong subalit wala na talagang pag-asa. Bago mamatay o mamaalam si Ace, nagpasalamat sya sa kapatid at sa mga crewmates nia dahil kung hindi dahil sa kanila, wala siyang rason para mabuhay. Kung hindi dahil sa kanila, di nia mararamdaman na sya ay minahal..... itutuloy!

Bitin! Bitin! Bitin! nakakaexcite na kung anung susunod na kwento!

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???