Ngayong araw na ito, kami ay nagtungo sa marikina upang dumalo sa ika-walumpo't walang kaarawan ng isa naming kamag-anak. Ang asawa ng kapatid ng lola ko sa aking ina ay nagdiriwang ng kanyang bongang-bongang otso-otsong kapanganakan at since 88 years is really something, ipinaghandaan sya ng kanyang mga anak at mga apo kaya sincekami ay relatives, go naman sa food gallore at kainan to the highest level.
Akala ko noong una ay okay-okay lang ang araw na ito dahil ang balak ko ay mag show o mag-appear sa place at kumain lang, wag na muna isipin ang diet at mag eat-eat lang pero aw! napagetget-aw dahil sa okasyong ito ay syempre napansin nanaman ang kalakihan ko. Anu ba naman yan!!!! Lagi nalang! Ahaahaha. akala ko yun lang ang wawapakman sa akin subalit di pa pala, aba! ang mga kababata ko o ung mga pinsan/kamag-anak/kalaro/kaibigan ay may mga kasamang partner at may mga bulilitz pa! Puchanggalata! Ano ito? Ako nalang ba ang naiwang single? Shemay! Chef? Ang mga dating nakakasama ko lang na maglaro at magkwentuhan ay now double na at may chikiting patrol pa! Di ako makapaniwala!
Parang ambilis naman ng panahon! Wait lang! 23 palang ako ah, bata pa naman ako pero sila, bata padin pero may steady partner/wify na! Anung sumpa ito? Di ko alam kung ano ang iisipin ko! Kailangan na ba akong makigaya sa uso at matutong kumati ang mang-kati upang magkaroon ng asawa at anak?
Habang nakikita ko sila, napag-isipan ko ang mga pro's and cons ng pagiging single:
Pros:
1. Oras sa sarili- ang oras ko ay para sa akin lang!
2. Pera- pera ko ay akin lang din!
3. walang love conflict at lovers quarrel
4. walang iiyak na bata sa aking pagtulog
5. pwedeng mag-minle kahit kelan kahit saan!
Cons:
1. Nag-iisa sa gabi
2. walang batang magbibigay ng ligaya
3. walang asawang sasalubong matapos ang nakakapagod na araw
4. walang mag-aaruga sa iyo
5. prone sa lumbay
Di ko alam, nais ko lang isulat kung ano ang tumatakbo sa isip ko upang kahit paaano ay mapanatag naman ako.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???