Wednesday, February 17, 2010

One Piece: The Underwater Prison- Inpel Down



Nasa kalagitnaan na ng Pebrero at katatapos lang ng sweldo last week. Ngayong araw na ito, bumisita ako sa paborito kong website ng laruan at doon ko nakita ang bagong released na laruan ng Bandai Asia. Ang aking kinahuhumalingang One Piece ay may bagong Candy toy. Ito ang Inpel Down candy toy.

Ang Inpel Down ay ang kulungang pinasok ni Luffy upang iligtas ang kanyang kapatid na si Ace bago mahatulan ng bitay. Dito ay sinoong ni Luffy ang limang palapag at lumaban para sa kanyang mithiin na makalaya ang kapatid. Ngayon ay ginawan ng toy version ang nasabing piitan o kulungan. Pakatandaan na ang level po ng impel down ay mula sa taas pababa dahil ang kulungan ay nasa ilalim ng tupig, nasa gitna ng karagatan.



Ang unang palapag ay ang piitan kung saan ang mga medyo mahihina ay nakapiit. Kadalasan ay mga pipitsugin lang ang nakapiit dito. Sa toy version, Makikita si Boa kasama ang Vice-chief warden ng kulungan.



Sa ikalawang palapag, Doon nakasama ni luffy si Capt. Buggy. Sa laruan, nandoon si Buggy at si Luffy na lumiit dahil sa gear third.



Sa ikatlong palapag, dito nakasalamuha ni Luffy si Mr. 3 subalit sa laruan, ang tao ay si Magellan kung saan sa palapag din na ito nagharap ang dalawa bago sila makatakas sa kulungan.



Sa pang-apat na level, dito nia nakilala si Bon Clay. Sa laruan, ang tauhan na kasama ay si Iva-san at si Mr. 2 also known as Bon Clay.



Sa huling palapag, ang fifth level, dito dapat nakabilanggo si Ace subalit di na dinatnan ni Luffy. Ang nakita nia sa palapag na ito ay si Jinbei at si Crocodile, mga Shikibukai. Kaya sa laruan, silang dalawa ang isinama.



Naku, kaabang-abang ang laruan na ito! Nais ko na makabili! Kailangan makuha lahat! kailangang mag-ipon ng pera para makabili nito! weeee!



2 comments:

  1. @arserioslie, released na po sya dito sa philippines 2 months ago. Currently, meron pang stock ang toys r us and some toy kingdom stores.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???