Friday, February 5, 2010

One Piece 573 and Naruto 481!

Ngayong araw ay nilabas na ang karug o ang continuation ng inaabangang manga series, ang Naruto at One Piece.



Sa Naruto, ang episode 481 nila ay tungkol sa pagkamatay ni Danzo. Dito ipinakita ang pagtatagumpay ni Sasuke na talunin ang lider ng Anbu o ang grupo ng mga hired assassins. Sa isang parte ng istorya, bumagsak din ang kasama ni Sasuke na si Karin na nagulat sa ginawa ng kasama dahil di nia akalain na pati sya ay dinamay. Sinabi ni Sasuke na nararapat sa kasama ang nangyari dahil mahina ito at hinayaan ang sarili na maging hostage. Sa parte ng episode na ito ay ipinakita din ang nakaraan ni Danzo kung saan ay kasama niya ang Ikatlong Hokage noong bata pa ito kasama ang ikalawang Hokage na tumatayong team leader nila. Sa kwento ipinakita na nalungkot si Danzo na kahit sa kamatayan nia ay di nia naungusan ang 3rd Hokage. May maikling part din dito kung saan ay nahanap na nila Kiba si Sasuke at tinangka ni Sakura na patulugin ang mga kasama upang tapusin ang buhay ni Sasuke subalit siya ay nabigo. Sa Hulihan ng kwento ay gumamit ng jutsu si Danzo upang isama sa kamatayan si Sasuke subalit nakaligtas ang target nito dahil kay Tobi.



Sa kabilang kwento, tumitindi nadin ang pagtakas ng grupo ng mga pirata sa kamay ng gobyerno. Inutos ni Whitebeard na tumakas na ang kanyang pangkat at hayaan siyang tapusin ang mga kalaban kahit na ang buhay niya ang nakataya. Dito ipinakita na concerned ang mga tauhan nia pero wala silang magawa dahil utos ito ng kanilang kapitan. Ipinakita din dito ang pang-iinsulto ng isa sa mga Admiral ng gobyerno kay Whitebeard na ikinasama ng loob ni Ace. Nakipagtalo si Ace at dinepensahan ang paninira ng kalaban subalit di nagpatinag ang Admiral at tuloy padin ang panlalait at pangmamaliit at paninirang puri. Di nakapag pigil si Ace at pumalag sya subalit siya ay bigo. Kahit na parehong may Devil Fruit power o sinumpang prutas ang dalawa, mas nakalalamang ang Admiral dahil ang kapangyarihan nia ay lava samantalang apoy lamang ang sa binata. Sa bandang huli ng kwento ay ipapakita ng Admiral ang lakas nia at tatapusin ang buhay ni Strawhat Luffy subalit humarang ang kapatid na si Ace at mukang napuruhan ito dahil sa huling banda ng manga ay ipinakita na lumiit at animo ay naubos na ang Vivre card ni Ace na nagtutumbas sa buhay nito.

kapanapanabik ang dalawang kwento at tiyak na ang kasunod na istorya ay mas lalong titindi pa. Para mabasa ang kwento, maaaring pumunta sa http://www.onemanga.com/ at basahin at tignan ang larawan.

1 comment:

  1. wow grabeh the best talaga ang naruto kung alam niyo lng..wahahaha

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???