Tuesday, February 16, 2010

Khanto Review: Percy Jackson and the Lightning Thief



Noong nakaraang linggo kung kelan ang mga tao ay nagdidiwang ng araw ng puso at ng bagong taon ng mga intsik, napagpasyahan namin na manood ng pelikula matapos manood ng play na Hiblang Abo at Hardin. Ako kasama ang batang emo na si Rodem at ang loveteam na KIMIRELL ay nagtungo sa Megamall at dun napagpasyahan na panoorin ang Percy Jackson & the Olympians and the Lightning Thief.



Hindi ko na ilalahad ang ginawa namin bago pumasok sa sinehan dahil naikwento ko na ito sa nauna kong blog. Last full show ang pinili namin at andaming nanonood. Nag-umpisa ang palabas ng ipakita na umahon si Poseidon sa karagatan at nagbyahe sa mundo ng mga mortal. Doon ay kinatagpo nia ang kapatid na si Zeus at napagalaman na nawawala ang lightning rod ng Diyos ng Kulog at Kidlat. Pinagbibintangan ni Zeus na ninakaw ng anak ni Poseidon ang kanyang sandata at kung hindi isasauli, Bakbakan na!



Sumunod na eksena ay pinakita na ang bidang lalaki kung saan ay nasa ilalim ng swimming pool at nagtagal sya doon ng 7 minutes. Ang bidang lalaki ay may karamdamang dislexia na di ko mawari kung ano ang sakit na ito(paki-google na lang). Medyo preview ng buhay ni Percy tapos nung nasa Field Trip sila sa isang museum, doon ay nagpahaging ang kwento tungkol sa mga Demigods o mga anak ng Gods at ng mortal. Doon ay inatake si Percy ng kanyang guro na isa palang mamaw. Nakaligtas sya! Tapos escape mode na silaa dahil target na sila ng mga mamaw. Nagpunta sila sa campo ng mga demigods subalit nahuli ang kanyang inay! Si Grover na kanyang kaibigan ay isa palang kambing na ewan at sya ang protector ng anak ni Poseidon. sa Camp inexplain ang lahat-lahat kay Percy. Sa Camp nia nakilala si Luke(Anak ni Hermes) at nakilala nia din ang anak ni Athena na si Annabeth. Sa una ay nag-away pa ang dalawa subalit dahil sa piniling mission ni Percy na iligtas ang kanyang ina sa kamay ni hades, sumama si Annabeth at Grover upang tulungan ang bida.



Ang tatlo ay nagbyahe sa iba-ibang lugar upang hanapin ang perlas na makakatulong sa pag-alis nila sa mundo ng underworld. Nakalaban nila si Medusa at muntikang mapahamak pero syempre nakaligtas! Sa ikalawang destinasyon, nakalaban naman nila ang isang Hydra. Alam namang matalo ang bida kaya syempre, wagi nanaman sila! Sa ikatlong lugar, nahumaling sila at nakloko ng lotus kung saan ito ay isang mapanlinlang na grupo. Syempre, ligtas padin sila pero nagahol na sila sa oras dahil natagalan sila sa ikatlong lugar.



Nagtungo na sila sa Underworld. Sumakay sila sa bangka na magdadala sa kanila sa kailaliman ng underworld kung saan bilanggo ang inay nia at hawak ni Hades. Doon nagkaroon ng komprontasyon ang diyos ng kadiliman. Umamin si Percy na wala sa kanya ang lightning rod subalit ito ay natagpuan sa loob ng shield na binigay sa kanya ni Luke. Pakingshet, kalaban pala ang tinuring niang kakampi at tumulong sa kanya. Tinulungan silang makatakas ng asawa ni Hades ngunit dahil tatlo lang ang kanilang perlas, kailangan magsakripisyo ng isa. nagpaiwan ang kambing.



Nagmamadali na sila Percy upang isauli ang lightning rod kay Zeus ng nagkaroon ng pagtutunggali ni Luke at Percy. Nag-agawan ang dalawa sa lightning rod. Nadehado ang bida subalit nakabawi. Ginamit ang tubig sa mga water tanks ng building at nag-ala-moses at nilunod ang kalaban... Sisiws! Nabawi na ang rod at dali-daling isinauli sa Olympus. Doon ay ibinalik ang sandata ni Zeus at napigilan ang digmaan. Nagkaroon ng pag-uusap ang mag-ama. Nirequest din ni Percy na maibalik asi Grover. Tapos... Tapos... Hays, the end na!



Sa aking sariling opinyon, okay lang ang palabas na ito. Di ko masasabi na oks na oks kasi medyo pambata. Sus! Walang sexy scene si Annabeth... Boooo! wala manlang show ng konting skin! Anu ba yon! Pangalawa, walang romantic scene with the girl... Anak ni Poseidon di marunong humandle ng chicks? Tapos ang adventure ng bida ay similar sa Hercules na movie noon. Ung kambing na protector ay katulad ni Phil. Pero okay ang effects kaso medyo bitin nga lang. Kulang ng powers effect para kay percy, siguro dahil kaaalam nia lang na demigod sya at half-breed sya. Akala ko may Part 2 ito kasi mukang mahaba ang pagdadaanan nila pero pinagkasya sa iisang bagsakan. Overall, masasabi ko na 7 to 8 ang score nia para sa akin. So-so lang sya!


0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???