Sa nagdaang linggo, especially weekends, ako ay nagpunta sa mga ibang events. Kung noong nakaraang linngo ay naipost ko ang pagpunta namin nila kimi sa megamall, kinabukasan naman ay nagpunta ako muli sa nasabing mall at pumasok sa Otaku festival event.
Nabalitaan ko sa isang kasamahan sa trabaho na may gaganapin na cosplay event sa nasabing mall. Sa aking isip, basta may anime/ cosplay event ay tiyak may stalls ng laruan. Napagpasyahan namin na pumunta ng linggo subalik excited ako kaya dumalo ako sa parehong araw(sabado at linggo).
Sa loob ay may mga booth ng online games tulad ng Grand chase, ruins of magic at Luna online. May booth din sa laruan ng 2rats at mga Jpop icons and anik-anik. Makakakita ka din ng mga cosplayers. sa unang araw ng event, pumila ako sa mga freebies na installer ng mga laro at dun ko nabili isang set ng laruan. Noong araw din na iyon ay nakita ko ang pinakaaabangan kong set ng one piece toy kaya minarkahan ko na iyon at binalak na bilhin kinabukasan. nakabili din ako ng lagayan ng laruan ko sa department store.
entrance ticket
day one
day two
freebies
promotion ng online game
isang mini-me toy na aking kinuhaan ng larawan
kahon ng laruang binili ko
casing ng laruan with my new set of OP toys
Sa ikalawang araw ng pagpunta ko sa event, doon ako unang nakakita ng cosplay ramp kung saan isa-isang rumarampa ang mga taong nagbihis upang gayahin ang mga anime characters. Dati kasi habol ko lang ay ang laruan sa gantong event at picturan ang cosplayers, di ko na inaantay ang rampahan. Okay naman ang mga costumes at syempre may crowd fave, ung pulis na babae. :D Ang mga larawan sa ibaba ay mga cosplayer na napicturan ko gamit ang cellphone.
Alphonse ng Full Metal Alchemist
Hatake Kakashi ng Naruto
babaeng cosplayer
the mask
Coach Anzai ng Slamdunk
Ang seksing Pulis
Dumating ang sumonod na week at Nagkaroon kami ng All-hands meeting upang talakayin ang mga bagong goals ng department, balikan ang naging performance ng departamento noong nakalipas na taon at para magkaroon din ng bonding at get-together ang department.
Maaga akong dumating sa The Manor kaya naisipan ko tumambay at magliwaliw sa itaas nito at dun ako kumuha ng larawan ng building ng IBM, something fishy at ang orasan sa Eastwood. Naisipan kong kumuha ng larawan dahil alam ko na lilipat na kami ng building o lokasyon ng kumpanya kaya mas maigi na kumuha ng remembrance.
Dunkin Donut Mascot na kinuhaan ko ng larawan nung bumili ako ng white shirt para sa all hands
grotto sa taas ng Manor
Marlboro poster sa loob ng manor
tissue holder lang to!
Ako habang nag-aantay
Kimirell, Nalasing si kimi, katabi si gerell!
Pagkatapos ng all-hands, Umuwi muna ako upang kunin naman ang aking damit para sa scheduled Team Outing ng Bravo. Sa Antipolo ang aming Destinasyon. Akala ko noong una ay kokonti lang kami since ung iba nagback-out subalit ako ay nagkamali dahil sumama Ang Bravo(Sir Monroe, Jeff, Mcdo, Jim, Kem, Jody, Spiderham, Rudolf at MJ). Kasama din ang verifiers(Tin, Andrew, Ivan, Anna at Poala). Sumama din ang the Promoted with their partners(Juday and Oli and ryan and Mich). At di nagpaiwan ang Bravo by heart sisters(Kimi, Ianne at Porkchop). Sumunod din sa Place Si Sir Filip na nag-handle sa Bravo noong wala pang TL at si Sir john caps with his buddy Sir Willand.
Enjoy sa Outing dahil sa shagidy games, the pinoy henyo and the charade game. Syempre ang nagpa-enjoy dito ay ang tulakan sa pool kaya dapat ay kapit tuko ka sa poste! Masarap din ang food na itlog na maaalat with kamatis at sibuyas, lechon manok at inihaw na baboy. Masarap din ang chips with the alak on the side. Nung Pauwi na ay nag lugaw/goto mode pa!
Nakakarelax ang araw na iyon kasi di mo maiisip ang work at talagang masaya ang mood. Nice din ang over-looking view with matching lights of the city. Okay din ang maginaw na temperature ng pool para pantanggal amats na dulot ng alak.
Ang larawan sa ibaba ay views lang ng Cattleya resort:
Over-all, Weekends ay talagang araw upang libangin ang sarili at makapagpahinga sa isang buong linggo ng pagbabanat ng buto. Sana ay matuloy naman ang Galera sa susunod :D
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???