Sa mga nakaraang araw, kapag idle o walang tawag akong natatanggap, ako ay makikitang abala at seryoso sa harap ng aking monitor. Abala ako kakabasa ng series na Hajime no Ippo. Ito ay kwento na una kong nakita sa anime noong ipinalabas ito sa GMA-7.
Ang kwento sa manga na ito ay tungkol sa isang batang lalaki na nagngangalang Ippo Makunochi kung saan siya ay binubully ng isang grupo sa kanyang pinapasukan. Di sya makapalag at sunod-sunuran hanggang isang araw ay ipinagtanggol siya ng isang estranghero. Sa kanyang kawalan ng malay ay nagising sya sa loob ng boxing gym. Dito nia nakilala ang kanyang mentor na si Takamura. Dito nag-umpisa ang pangarap ng bata na matuto ng boxing. Lingid sa kaalaman nia, sya ay may potential dahil narin sa pagpupursige at determinasyon.
Bakit ko napili ang anime na ito? Dahil ito ay action at comedy! Action dfahil sa mga bakbakan at pakikipaglaban ng isang boksingero at comedy dahil may halong katatawanan sa mga pagitan ng istorya.
Base sa onemanga, ang episode na ay nasa 800+ samantalang ako ay nasa episode 400+ pa lamang. Mahaba-haba pa ang babasahin pero okay lang naman kasi nakaka-aliw at nakakawala ng stress.
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???