Last week, matapos ang shift ay nagpunta kami sa Mcdo upang kumain at napagpasyahan din namin na makihalubilo at magchillax at umeps din sa team gathering ng team echo. Yeps, last week ay nagbowling kami sa Paengs dun sa Eastwood upang mawala naman ang stress. (larawan sa ibaba)
paeng's billiards
ready to bowl!
Ngayong saktong weekend ng puso, mas naging exciting ang lahat! Una, sa aming opisina ay nagkaroon ng valentines activity like dating game! yep. May searchee at searcher pang activity sa pantry. Ang mga naging magpartner sa unang araw ay ang John lloyd look-alike na si Sir Bennett at si Ms. Rap. at ang harry potter ng team India na si Kevin at si Kem.
Friday noon ng inispam sa email ng Trend ang tungkol sa kakaibang promo ng HR/ events commitee kung saan kailangan lang bumili ng kahit ano per booth then pag makakakolekta ka ng tatlo(3) stamps, pede kang kumuha ng teddy bear or chocolates. Huwaw!! Amazing! Di na nagpatumpik tumpik pa at libot to the max kami bawat floor ng Trend Micro upang tumingin ng mga booth at bumili ng items para makakuha ng freebies. Maraming binebenta like chocolates, chocolates, chocolates at kung anu2x anik-anik! Syempre ung mumu o mumurahin lang ang dapat bilin kasi ung freebies lang ang habol namin. Madaming kompetisyon at mukang hit sa Trenders ang promo kasi halos lahat akyat-panaog upang makakalap ng stamps. In the end, nakakuha ako ng teddy bear at chocolates. Byernes din ng nagpagawa ako ng tshirt kay beloy ng one piece at un din ang araw na medyo magastos ako...
One Piece shirt na binili ko(sa mall)
One Piece shirt na pinagawa kay Beloy!
Freebies!
Chocolate na tumulong upang makuha ang freebies!
Tikoy na bigay nila Mam Michelle at Mam Steff
Sabado, day two ng Valentines sa trend, ninais ko pang makakuha ng chocolate freebies pero mukang talagang patok ito at wala na akong inabutang prize. Marahil tama nga na once is enough, two is too much. Anyway, okay lang kasi enjoy din manood kahit saglit ng dating game part 2. Si Ms. steph at si jeffersonV daw ang nag-match tapos si Stacey at si Grei daw ung sa second batch... Bakit may daw ako? Kasi di ko napatapos e, kailangang magtrabaho! naks! After ng shift, Umuwi muna ako sa bahay at dun ko napagpasyahan na magpunta sa Quiapo... Namili ako ng dvd na imamarathon sa restday! Nakabili ako ng Detective Conan, Hajime no Ippo at Law of Ueki na anime. Sa movies, medyo random picks lang. Eto din ang araw kung saan tinanghal na panalo si Melai sa PBB... di ko na pinatapos kasi bagsak na katawan ko, antok mode na!
Ung Bears na freebies
Rainbow design sa Pantry
dating game background
Linggo o kanina ay ang itinakdang araw upang manood ng dula ni Jeff o ni mapanuri na Hiblang Abo at Hardin. Napagpasyahan namin na magkita sa Megamall upang sabay-sabay na pumunta. Mineet ko si Andy at Bless sa mega pero pinasabay ko na sila kila Rye kasi kailangang antayin sila Rodem, Kimi at si Gerell. Habang hinihintay ung tatlo, nakapanood pa ako ng Lion Dance dahil Chinese New Year din! Mga 4 na kami nakumpleto at nagtaxi na sa Don Bosco. Patapos na ang unang dula na hardin pero okay lang kasi wala naman dun si Jeff kung saan sya ang aming sinusuportahan sa pagtatanghal. Nakakaaliw sa play kasi may Valentines chuva pa kung saan may nag-abot ng rose ang mga actors ng play sa audience. Sa ikalawang istorya na Hiblang Abo, di namin mapigilan na matawa sa events though touchy ang story ng apat na mga lolo na nagkwekwento ng old life nila. Bakit kami natatawa? Kasi ang role ni Jeff ay bagay daw sa kanya kasi may pagka-Bully as we often tease him. Swak na swak daw ang mga lines nya. Infairness, the whole story is good! take note na may pabaon pang new word dahil sa play! "IWASIWAS ang palaspas! IWASIWAS!". After the said play, diretcho na ang kumakalam na sikmura sa megamall. Since dumating kami doon ng around 7pm, madami pa ang kumakain kaya we have no choice but to eat sa may kamahalan na Brothers Burger. Bitin! Yang ang sabi ng sikmura ko! medyo nambutas ng bulsa tapos bitin? May kalakihan ng konti ang cup ng softdrinks nila na 40 pesos pero huwaw, puro ice at di pa sya napuno! OVER!!! After eating sa Bothers Burger, Bumili kami ng ticket para mapanood ang percy jackson and the Lightning Thief! Last show na ang papanoorin namin at 10 pa ito magsisimula kaya kain muna at tambay sa Jollibee upang matanggal ang kabitinan sa drinks at sa food. Pagpasok sa sinehan, mukang madaming manonood. Di mapigilan ang antok at napapapikit na ng konti. Okay ang palabas pero di ko idedetalye, sa next entry nalang. Matapos ang palabas, last stop ay ang Mini Stop sa Galleria dahil nagcharge pa si Rodem at bumili ako ng drinks. uhaw nanaman!
Lion Dance
Dragon dance!
Luv wall bago sa Cinehan ng megamall
kimirell walking!
Grabe ang weekend pero sulit at sobrang Enjoy! Kahit wala akong Love life, I SURVIVED!
0 comments:
Post a Comment
So.......Ansabeh???