O ha! ambilis kong naka-get-over sa depression ko. Tapos na ang araw na nag-iinarte ang isip na wala daw maisip. Nag end na ang pagkakaroon ko ng writters block. Nagwakas na ang ka-ekekan na idle ang isip at walang pumapasok na kwento at maisulat.
Kaninang pagkagising ko, mga 2am, nagcheck ako ng mga blogs na aking sinusubaybayan upang makapagbasa ng mga nakakaaliw na kwento o kaya naman mga kakaibang storya o kahit na anong kwento nila. Click dito. Click doon, sulpot dito at sulpot doon. Then napadpad ako sa blog ni The Creative Dork. Binasa ko ang titulo. Tapos boom! Isa palang contest entry ang kanyang ginawa. Naaliw sa pagkakasulat nia. Binasa ko hanggang dulo pero walang direct link sa contest. Hindi ako nawalan ng pag-asa. Chineck ko ang mga comments. Click dito at click doon. pagkatapos ng ilanng saglit biglang napasigaw na ata ako ng "BINGO!", "EUREKA!", "YAHOO!" at "Huli ka balbon!". Napunta na ako sa site ng nagpapacontest. Binasa kong maigi ang instruction. Oh my! Ngayong araw na ito ang last day ng pagsusubmit ng entry. Kulangan sumali! Kaya heto at ang unang entry ko sa aking pagbabalik ay tungkol sa Android Phone.
Teka, Ano ba ang Android phone? Shet na malagket. Sasali ako sa isang contest na di ko naman alam kung ano ang android phone. Akala ko parang cellphone lang ng mga android na tulad ni Android 17 at Android 18 ng dragon ball z. Nagkamali ako. Sinearch ko sa google at heto ang nahanap ko(copy paste lang sa google):
Android is Google's operating system for mobile devices based on ARM architecture. It is a competitor to the Symbian platform, Apple's iOS for the iPhone and Microsoft's Windows Mobile and Windows Phone for mobile devices all based on ARM architecture.
Nose-bleed at tumulo ang dugo sa ilong ko pero nagets ko naman kahit paano. Eto ang makabagong phone na mahahalintulad sa iphone at kung ano-anong edgy phones.
So since alam ko na ang premyo o ang item na mapapanalunan sa patimpalak o contest ay heto na ang aking entry. Bakit ako karapat-dapat magkaroon ng Android Phone(Why am i deserving to have an Android Phone).
1. Paawa reason.
Nasa grade 6 ako noong nauso ang nokia phones. Aw. Inisnab ko nalang kasi alam kong wala kaming pambili nun atsaka for richie rich lang ang cellphones. High school, mas nag-evolve ang nokia, nagpaalam na ang ibang 5110 at 3210 at lumalaganap na ang ibang models. Deadma pa din. Di keri ng budget, kung sa school nga naka-promisory note lagi sa tuition, cellphone pa kaya. College, weeee.. For the first time, nakahawak din ako ng sarili kong cellphone. Binilan ako ng Panasonic GD55 na parang maliit na laruang pambata lang pero okay na ito kesa wala. Makalipas ang isang taon, binenta ng ate ko ang cell ko at pinalitan ng cell nia ng depek niang panasonic phone din na tinatalian ng elastics(colored rubber bands) para lang di humiwalay ang battery sa handset. After 4 months, bumigay na ang naghihingalong mini phone. Nag-antay ng 2 buwan. Nagkacellphone ulit pero ang pinaglumaang 3210 ng aking mother-dear. 3rd year na ako ng nag-upgrade naman ang second hand na binigay sa akin, ericson phone naman na may camera na di malinaw (wala pang megapix). Grumaduate sa kolehiyo at nakahanap ng trabaho subalit ung second hand padin ang gamit. Nagkatrabaho at after 1 year ay nakabili na din ako ng srili kong phone. Nokia express music ang nabili ko. After ilang months lang ay nanakaw ito sa isang mall at back to second hand phone ang kawawang nilalang. Na-ondoy at nabasa sa baha ang second hand phone. After ng pagbangion muli ay naka-ipon at nakabili ng okay okay na phone. To cut the story short, nais kong magka-android phone dahil nais ko namang maranasan na makahawak ng techy at cool na gadget o phone.
2. Psychic reason.
This week ay nanonood akong ng palabas sa pantry ng opisina habang kumakain ng aking tanghalian(6am). Habang ninanamnam ang fastfood ay ipinakita sa telebisyon ang pamilyar na hitsura ng isang babaeng naka titintas ang buhok at medyo may kalusugan. Wooot! Si madam Zenaida Seva pala ang nasa tv. Isa siyang astrologer. At doon ko narinig ang kanyang horoscope. Syempre inabangan ko ang zodiac ko which is Libra.
Leo- Mag-ingat sa pagkain ng matatabang lutuin. Iwasan kumain ng sisig, lechon kawali at lechon. Makakasama sa iyo at magiging high ka! Kung High blood ka naman ay baka mauwi sa stroke. Mag-exercise at gumalaw-galaw ka naman.
Lucky color: brown
Lucky Number: 2
Gemini- Magtipid ng tubig! Wag kang mag-aksaya at kahit tag-ulan ay short pa din ang water sa Anggat Dam. Ang pinaglabhan ay gamitin sa paghugas ng kotse o kaya ay pampaligo sa aso. Nakatulong ka na sa pagsave ng tubig, tipid ka pa sa pagpapacarwash.
Lucky color: blue
Lucky number:9
Virgo: Iwasan muna ang pagsosoot ng maiikling damit. Seksi ka nga at kagandahan pero wag araw-arawin ang petpet short. Magiging lapitin ka sa kamanyakan at lagi mo nalang hihilahin ang palda mong super duper ikli. Baka makita ang pechay mo. bahala ka!
Lucky color: flesh
Lucky number: 6
Libra: Susuwertehin ka. Maglakadlakad o kaya ay mag-hop. Mapapadpad ka sa isang lugar na maaaring magdulot sa iyo ng swete. Salihan ang contest at mas tataas ang chance na manalo. Mas maigi kung sa last day ka sasali at magpapasa ng entry.
Lucky color: Black
Lucky number 7.
Mukang sinabi na ni Zenaida na this is it! This is really is it!
3. Mathematical at scientific reason.
Dito kakailanganin ang mga numero at ang makabagong pananaliksik upang mapatunayan na karapat dapat ako na makamit ang android phone. Di natin gagamitin ang pythagorean thoery. Di natin gagamitin ang equation na e=mc2. Walang constant at variables na gagamitin. Sinaunang math at sinaunang scientific reason ang magpapaliwanag. Ito ang super duper mega to the nth power na FLAMES.
Makikita sa larawan sa itaas ang resulta. M ang naging total at ito ay kumakatawan sa Marriage. Nangangahulugang para talaga sa akin ang Android phone.
Graphical reason.
4. Simple lang ang pang-apat na rason ko. Kung ang superhero nga na sa Ultraman ay may hawak at may sariling Android phone, so siyempre, deserve ko din na magkaroon nito.
Personal reason.
5. Kung isasagot ko sa press o sa showbiz reporters ang mga nasa itaas, malamang sa alamang at tiyak na tiyak ako na may hihirit at babanat ng follow-up na "Yung Totoo?!!". Parang paboritong kataga lamang nila mariel rodriguez at showbiz scoopers lang. Pero ang maisasagot ko na rason kung bakit ako ang nararapat at deserving sa premyo ay dahil ako ay si khantotantra o dahil ako ay ako. Paano ko nasabi na ito ang pinaka reason ko? Kasi ang mga sinulat ko sa itaas at ang pinag-gagagawa ko ay aking konsepto mula ng makita ko ang contest. Ako ang taong sumali sa kontest na ito gamit lamang ang imahinasyon sa mga bagay bagay. Ako ang taong binalanse ang trabaho at pag-effort sa pagsali sa contest. Ako ay ang taong nagnanais na magkaroon ng phone na ibang level. yun lang. :P
Heto pala ang link sa blog na may pacontest:
http://www.jehzlau-concepts.com/2010/05/im-giving-away-an-android-phone.html#more-3733
Heto pala ang link sa blog na may pacontest:
http://www.jehzlau-concepts.com/2010/05/im-giving-away-an-android-phone.html#more-3733
Good luck sa contest!
ReplyDeletenaaliw ako sa entry mo. sana ay manalo ka parekoy!
ReplyDeleteHi There,
ReplyDeleteI have nominated your blog in the Top 10 Most Influential Blog for 2010. You ay visit the link here:
http://tvseriescraze.blogspot.com/2010/07/top-ten-emerging-influential-blogs-for.html
Let us support each other's blogs! I am also open with link exchange? Do you want to link my site?!
Thanks a lot and happy blogging Friend! C",)
@dc- salamat at goodluck din, nakita ko din na may entry ka.
ReplyDelete@nobenta, Hopefully manalo at mapansin ng judge.
@rocky, salamat sa nomination. Na-add kita sa blogroll at sa ex-link pero di na kita mahahabol sa nomination kasi nagsubmit na ako kay ms. janet e.
By the way, I like your website! So cool and funny. Galing ng mga articles mo. Full of humor! C",)
ReplyDeleteSo interesting...
nawa ikaw ay manalo friend. :) gudluk!
ReplyDeleteoh my gosh! natawa ako sa flames!! nakakaloka!! may flames pa nga :)) nakakamiss maging bata :P
ReplyDeleteWahahaha! Kung ako lang ang magja-judge ay convinced na convinced na ako sa entry na to! Panalo! Hahahaha.
ReplyDeleteNag-lagay pala ako ng direct link sa entry pero 'Andorid phone' na text yung icclick... hehe. Inedit ko na din after. Hahaha. Sensya. Pero at least nakita mo yung link ng contest at nakahabol pa! Good luck! :)
hahahahaaha! natawa ako sa FLAMES mo.. wahahahaha! M pa talaga for marriage.. wahehe :P
ReplyDeletethanks for joining the contest! ang saya! :D
wow FLAMES :) matesting nga din maya yan :) pero seriously, angkyut, angkulit, at nakakatuwa ang entry mo :D
ReplyDelete@ Sir Jehz,
ReplyDeletesalamat sa dalaw. nakakatense ang kontest mo. Lagi ako napapatutok sa updates.
@ellen joy, Salamat sa smile na ibinigay mo while reading the entry. :D
koya kaaliw ka. Hahaha.
ReplyDeleteKalaban kita wahahaha isa ako sa Top ten awooooo. May the best entry wins po!
ReplyDeleteGood luck sa inyo guys.. Lahat naman kayo deserve to be a winner.. Kasi ang gaganda ng mga entries ninyo talagang pinag-isipan nyo mabuti. Keep up the good work!
ReplyDeletecongrats top 10 : )
ReplyDeletemay the best entry nga semidopell.
ReplyDelete@louie, salamat
@winziph, salamat din :D
ang galing ng post mo (^_^)
ReplyDeletesumali din ako pero hindi ako nakasali sa top 10 eh
announcement na mamaya. : )
ReplyDelete