Thursday, July 1, 2010

Eto na ang Uso!



Serve!
Pak!
Return!
Pak!
drop!
Pak!
Smash!

Yan ang mga maririnig kapag pumasok ka sa isang badminton court. Palo dito, palo dun. Nagliliparan ang mga puting balahibo ng mga mulawin na pinagsamasama upang makabuo ng shuttlecock na ginagamit sa paglalaro ng Badminton. Eto ay so two thousand and late.....iba na ang bagong kinahuhumalingan ng madlang citizens.

Hop!
Skip!
Jump!
Stroll!
Walk!
Jog!
Run!

Nauuso na ang mga kampon ni roadrunner at Kampon ni Lydia de vega.Takbo! Takbo! Takbo at daigin ang bilis ng isang kabayo. Heto na ang bagong kinahuhumalingan at nagsisimulang maging popular sa pinas. Marathon, Walkathlon at kung ano-anong paglakad at pagtakbo. 

Ang makokomento ko lang, katulad ng sa larawan, mapapagod din ang mga tao at hahanap uli ng bagong sports na kahuhumalingan. Habang di pa laos, ienjoy ang pagtakbo kahit na anu pa ang reason pero ingats lang sa mga manggagancho at over priced registration. Di naman for status symbol ang pagtakbo.

0 comments:

Post a Comment

So.......Ansabeh???