Thursday, July 8, 2010

Undies!



Lately, wala ako sa tamang hulog. Wala ako sa sarili. Wala ako sa wisyo. Para akong patay na bata. Wala akong magawa, wala akong energy, wala, wala. Sa mga nakaraang araw, di ako nakakapag-isip ng kwento o bagay. Isa sa kaopisina ko ang nagsabi na bakit di na daw ako masyadong nakakapagblog. Napaisip ako. Bakit nga kaya. Ewan eh. Tila sa pagiging idle sa opisina ay naapektohan na ang isipan ko. Since limited websites lang ang pedeng bisitahin, siguro napurol na ang isip ko. Tila naghihibernate ang isipan.

Ngayong araw, naka-leave ako dahil alam kong sunday ay kelangan akong pumasok dahil transition ng schedule. Ayoko ng super subsob sa trabaho at siguro kailangan ko din ng time and space para makahanap ng mga bagay na pedeng maisulat. Nagmall ako after shift at nag-grocey para i-cheer ang sarili para kahit pano ay di ko mapabayaan ang blog ko. Bumili ako ng samut-saring pagkain na pedeng mangata habang nasa internet.

Habang nagbabasa ng recent post ng mga taong aking finollow at inaabangan at ka-linkshare, napadpad ako sa comment box o shoutbox ng aking blog at may bagong visitor. Click. Sumambulat sa akin ang video clips ng Bench Uncut fashion show. Pinanood ko at may naisip.

Bakit ang underwear ngayon comes with various design?

Iba na ang inog ng mundo. Kapag nasa mall ka, lalo na sa undies section, samut-sari na ang kulay ng salumbet at salumpek(taga-salo ng bet*** at pek***). Dati rati ay normal na puti lang ang mga brip at de-garter lang pero ngayon, whoaaaaw! May purple, may orange, may parang navy at kung ano-ano pa. Sa mga panty ay oks lang ang may kulay kasi kikay-kikayan sila. Pero sa lalaki? Hmmm. For fashion statement? E di naman makikita ang undies kapag umalis ka ng bahay. Di naman laging naka-topless ang tao upang makita na de-tatak at with new design ang kanilang brip. Kailangan ba talaga ng may landi at arte ang brip ng lalaki?

Scenario: sa cr ng mga lalaki. opisina

Isang lalaki ang umiihi sa urinals, sabay may pumasok na kakilala at kaibigan.
Boy2: Oy pre, musta?!
Boy1:Heto okay naman.
Boy2: Ngapala, check this out dude, bagong biling brip.
Boy1: Patingin nga!
Boy2(humarap at pinakita ang kulay at design)
Boy1:Astig pre! Ang ganda ng kulay. Nagcocomplement sa kutis mo.
Boy2: thanks. E sayo? ano ba ang design ng brip mo?
Boy1: Eto o, checkered ang design.

Ang scenario sa itaas ay bihirang mangyayari. Hindi naman masyadong kailangan ipangalandakan sa kapwa na may kakaibang anyo ang iyong taga-salo ng itlog.

Sumagi sa isip ko, baka naman naimbento ang variety ng undies para ma-excite ang magsusuot at ang makakakita nito(wifey, GF, Fubu, pokpok, strangers).

Scenario2:
Girl: Honey, since stable na tayo at 2 years nadin, pagbibigyan kita today.
Boy: talaga? uuiiiiiii. Makati ka pa sa gabi ngayon ha!
Girl: Tado! ayaw mo ba?
Boy: Like ko nga ito e, parang pang pesbuk lang.
Girl: Tara na sa kwarto ko.
Boy: Sige. May ipapakita ako sa iyong espesyal.
Girl: Go! go! go!
Boy: (naghubad na sa harap ng gf)
Girl: (ang hot mong tingnan sa new undies mo!)grrr.
Boy: Buti at nagustuhan mo ang aking orange T-brip.

So kung may pro at cons ang new edge designs at colors sa mga undies, siguro 2 to5 years from now, parang tshirt na din ang mga design sa panty at brief. May mga tribal designs, may artistic mosaic, may caricatures, may statement undies at kung ano ano pa.

Kung ano man ang trip ng magdedesign ng mga tagasalo ng mga ari, hahayaan ko nalang at di ko na babasagin ang trip nila. basta ako, kung saan mas komportable, dun ako. :D

6 comments:

  1. salumbet at salumpek. nice. may new words akong natutunan. mahilig akong magparegalo ng briefs sa mga chikas. pero may condition, dapat sila ang magsusuot sa akin! \m/

    ReplyDelete
  2. Kahit saan ko tingnan yung first scenario... Hindi maalis sa isip ko ang gayness LOL..

    Aus na sakin kahit boxers shorts lang para presko.. aalog alog ang bet**g..

    at sa mga gurls pwede na rin ang kikay na salumpek minsan pa nga mas ok kung wala.. LOL

    ReplyDelete
  3. natawa ako sa salumbet at sulumpek. =)

    collection ko din ang mga underwears na medyo mamahalin. =)

    ReplyDelete
  4. kase pag maganda ang underwear mo. you feel confident. . lalo pag sa emergency.

    ReplyDelete
  5. salumbet at salumpek ay hinango ko sa salumpwet na mas malalim na tawag sa upuan. :D

    salamat sa dumalaw. :D

    ReplyDelete
  6. salumbet at salumpek na glow in the dark meron na rin. LOL

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???