Kahapon, habang nilalakad ang kalsada pauwi, nakita ko sa daan ang mga estudyante ng pampublikong paaralan na malapit sa amin. Lahat sila ay may matingkad na dilaw na jogging pants. PE ata nila ng thursday. Pagkakita ko sa mga estudyanteng busy sa kung ano-anung bagay ay tila tinamaan ako ng kung anung force at nagpaikot-ikot sa parang spiral world at bumagsak ako sa nakaraan. Ang nakaraang akala ko ay limot ko na.
Hayon, ako ay bumalik sa panahong 1995. Di ko mawari kung anong nangyari. Nag-shrink ako. Lumiit ang aking katawan. Mula sa chubby-dumbo figure ko e tila naging bansot ako at naging payat muli. Napatalon ako na ewan sapagkat pumayat na ako! Aw! Kasabay ng pagpayat ko ay tila pabaliktad ang epekto ni hokerampa na imbis na lumaki ay lumiit ako. Ako ngayon ay nasa kakaibang mundo ng aking nakalipas.
Di ko lubos maisip kung anong natapakan ko. Basura ba o ebak ng aso? Linsyak! Bumalik ako sa pagiging grade 3. Suot ko ang uniporme na sinusuot kapag biyernes. Wadapak! Naka-Tshirt akong white at shorts na white at rubber shoes. Juskopong-pineapple! PE class today. Bitbit ko sa aking likuran ang maliit na backpack kasama ng 5 malilipis na kwaderno.Binulatlat ko pa. Bakit may mangkok at saucer na kasama. Weird!
May biglang tumapik sa aking likuran. Isang guard na may katabaan na kalbo. Shoot. Pamilyar ang mamang ito. Siya ang mabait na guard na nagngangalang manong Val. Kinausap ako at tinanong kung di ba ako sasama sa mga kamag-aral na pupunta sa mini grocery upang bumili ng Nido Oriental Soup na lulutuin daw namin. Shoot. Kaya pala may saucer at mankok sa bag ko. Eto pala ung time kung saan magluluto kami ng soup tapos kailangan may finese at grace sa hapagkainan.
Matapos bumili sa grocery. Nagring ang bell. Shet-shet-shet! Saan nga pala ang klasrum ko. Lintek! Buti nalang at matalas pa ang memorya ko. nag-isip kung anong mga section sa skul. Grade 1- magalang. Grade 2- Dao. 4-Aguila, 5-Mangga. 6-Jacinto. 3-Cattleya! Bingo! Hanapin ang mga bulaklak sections! Yahoo! Sakto at wala pang teacher. Tinginan ang mga kaklase ko kung bakit ayaw kong umupo. Shemai, saan ba pwesto ko. Buti nalang may good samaritan na nagturo. May sakit daw ba ako at limot ko pwesto ko?
Lumipas ang mga oras. Mabilis lang sapagkat tig-30 minutes lang ang mga klase. Sobrang ikli than the usual subjects. Homeroom, Religion, break. PE, break. Ambilis. Un pala ang dahilan kaya 50 leaves na notebook lang ang dala ko. Napansin ko pa na ung isang kwaderno ay may salitang MAPEY. naalala ko na sa isang buwan, alternate ang music, arts, pe at yoga. At ngayong araw na ito ang nakatakdang PE. Free time lang ang pe ngayon at nakipaglaro lang ako ng agawan-base, sipa at dodgeball(batuhan bola). Riiiiing. Bell na. Kaasar. Kung kelan nag-eenjoy saka mabibitin. Break na!
Matapos ang break ay nagbubulungan ang mga kaklase ko. Samu't-saring term ang lumalabas sa kanilang bibig. May palette, may jazz, may kalabaw at kung-ano-anong shit. Bulaga! Oras na pala para maghanda upang dumalo sa club na napili. Napaisip ako. Anu bang club ko ng grade 3 ako. flashback-flashback dali ang sinisigaw ng aking isipan. Nagmamakaawa na biglang tamaan ng platito at mangkok upang matandaan ang club na sinalihan. Isip. Wala. Di bale. May 30 mins. pa para matandaan.
Oras na para kumain muna ng Nido Oriental soup na niluto. Ilabas na ang BAAAHHHHWL o BOOOHHWWL. linsyak na pronounciation. Inenjoy ko ang pag spoon-out ng sopas habang dapat ay tuwid na tuwid ang likuran. Bawal maingay sa paghigop at ang paghigop ay sa side ng kutsara at hindi sa tip. Punyemas, andami palang arte ang etiketa sa paghigop lamang ng lecheng sabaw. Chanchararan. Dahil ata sa nakakarobot na pagtikim ng soup ay naalala ko ang club ko. wow club?! party ba to? joke.
Nyahahah. Natawa ako kung bakit napili kong tanggihan ang ibang club at sumali sa club na kinabibilangan ko. Ekis para sa boy scout! ayoko ng inuutus-utusan lang ako ng leader. Ayoko din ng malasundalong way. Payatot at weakling na nga ako, papakapagod pa ako sa activity nila. No to art club. Goodbye sa pangarap kong matutong gumuhit at magkulay o lumikha ng kakaibang sining at kulay. Ang art club ay binansagan noon na club ng maluluho. Dito ay kailangan mong bumili ng sari-saring art materials like brush, acrylic at madami pa. Nais ko man mapasama dito ay di keri ng budget. Dito na nag-iistart ang promisary days ko sa pag-aaral(promisory na magbabayad ng tuition at the end of the month). kenatbi sa glee. Hindi ako magaling kumanta at minsan este madalas ay sintunado. Di ako papasa pag eto ang sinalihan ko.
One little two, little three Macarena. Four little five little six macarena. Seven little eight little nine macarena. Heeeey Macarena! Pukpok na pukpok para sa napiling club. Ang dance club. No choice ako sapagkat ito ang napakadaling club. Walang exam na susubukan ang tindig. Walang sukatan sa yaman. Di kailangan maging tenor. Kailangan mo lang ay katawan na pedeng maki-indak sa saliw ng tugtugin. Tugs! tugs! tugs! tugs! Sige giling pa! eto ang club for me. Madaling makakuha ng mataas na score na di nangangailangan ng pagsipsip sa mga leader o kaya di kailangan ng magaling na boses at art skills. This is the place for me. Kahit matigas ang..... katawan at parehong kaliwa ang paa ay puwede na.
Napagod ang katawang lupa ko sa maliit na pigura na nagdadala ng aking soul. Tapos na ang araw ng biyernes at kailangan ng umuwi. Bago umuwi at sumakay ng school service na jampak ng mga bata-batuta from all levels ay tumawid ako ng kalsada upang bumili ng laruan sa tindahan na paborito ng mga kids. Bumili ng Magic bomb, plastic ballon, bubblegum at teks.
pasakay na ako sa service ng biglang hinigop ako muli ng spiral na ewan. Blag! Nasan na ako? asan na ang mangkok at mga kwaderno? Shet na malagket! Back to 2XL nanaman ang tshirt ko. Yay! Nakabalik na ako sa taong 2010. Naganap ang kung anong time travel sa isang oras at mahigit na pagiging idle at walang makausap sa opisina. Grabe. kakaibang biyernes ito. :D
kakaiba nga...
ReplyDeletehahaha.. parang time machine ang pagbabalik sa nakaraan hihihihi
ReplyDeleteayos! naalala ko tuloy nung kabataan ko mga 3weeks ago.. hehehe..
waaahhpak.. kakaibang dimensyon. hehe
ReplyDeleteakala ko kung ano yung MAPEY. MAPE lang kasi yung samin. shushal may yoga :D
ReplyDelete@sikolet: hehehe. para once a month kaya hinaluan ng yoga.
ReplyDeletesalamat sa nakibasa at nakidaan sa kakaibang dimension,.