Monday, July 26, 2010

Khanto Pick: Doraemon



Medyo busy ang weekend ko sapagkat okupado ang sarili sa pagtatanim laban sa mga zombies na nais kumain ng brains. Leche, naaadik nanaman ako sa plants vs zombies dahil walang magawa. Pero walang kinalaman sa mga sunflowe seeds o di kaya sa pea shooter, ang entry ko ay tungkol sa paborito kong cartoon na Doraemon.

Una kong napanood ito sa channel 7 noong nasa gradeschool palang ako. Di ko na matandaan ang year pero basta mga nasa 1990+ un. Eniway highway, Ang Doraemon ay cartoon tungkol sa isang pusa na galing sa future. Siya ay naging tagabantay ng isang lampayatot at medyo mahina o mapurol na batang lalaking nagngangalang Nobita. Dito nagsimula ang mga kakaibang pakikipagsapalaran ng pusang at bata.

Ano ba ang nakakatuwa kay Doraemon? Eto ay ang mga kakaibang gadgets at technology na nailalabas nia mula sa kanyang pouch o mahiwagang bulsa. Nakakaaliw at nakakasaya ang mga out-of-this-world na mga bagay.



Kasama sa cartoons ang mga tauhan katulad ng kalaro at crush ni Nobita na si Shizuka. Andun din ang mayabang at hambog na kaklase na si Soneo at ang Bully na si Damulag/Giant. Minsan kasama din ang nanay nia at tatay na tawag ay mommy at daddy.

Ansarap panoorin ang cartoon na ito kahit paulit-ulit dahil may mga aral din naman na natututunan. Sa susunod na pagquips ko, marahil doraemon ang aking bibilhin. :D

16 comments:

  1. Isa lang ang di ko makakalimutan sa cartoon na yan.. ang pinakamagandang boses ni damulag sa pag kanta ng AKO AY MAY LOBO... LUMIPAD SA LANGIT... wahihihihi..

    ReplyDelete
  2. hehe pinapanuod ko din ito, mas nauna ko nga lang tangkilikin ang mojako..moja moja...hahah

    ReplyDelete
  3. ang alam ko, pinalabas na ito before the 90's pa. yung pinsan ko kasi dati, puro doraemon ang gamit niya - briefs, tshirts, shorts, at kung anu-ano pa. eh eighties yun nang magbakasyon siya galing hong kong.

    correct me if im wrong ha. :))

    ReplyDelete
  4. eto ang palabas na tatalo sa mga sci-fi movies. ang mga gamit ni doraemon ay super hitech. lolz

    ReplyDelete
  5. @midnight, korek, super techie si doraemon.
    @nobenta, ayon sa wiki, 80's inilabas na nga ito. :D
    @hartlesschiq, napanood ko din yon moja! :p
    @poldo, ahahah. tama, pag nagconcert na si damulag, deds. :P

    ReplyDelete
  6. Na-add na kita sa blogroll ko!

    Salamat sa laging padalaw sa blog ko. Alam mo paborito ko yang si Doreamon saka si Nabita. At nakikita ko ang sarili ko kay Nabita!

    hehhee

    Ingat

    ReplyDelete
  7. ito ang pinakaaabangan ko nuon. Dito nabuo ang mga pangarap ko para sa kinabukasan ng mundo. hahaha.

    Ang pusa (daga? kuneho? alien?) mula sa future. Si Doraemon at ang kanyang bulsa.

    ReplyDelete
  8. mas gusto ko yung dubbed kesa sa original. diko kasi maintindihan yung huli XD

    ngayon ko lang nalaman na "robotic" cat pala si doraemon. basta alam ko mahilig siya sa hopia/dorayaki :)

    ReplyDelete
  9. @drake, salamat sa pag-add.
    @munting bisiro, malaki matutulong ni doraemon sa mundo. sana may doraemon na in real life.
    @sikoletlover, yep, mahilig sya sa hopia.

    ReplyDelete
  10. lam mo nabasa ko ang mga supposed to be ending ng cartoon na to.. nalungkot ako. haha!

    dabest tong doraemon panapat sa mojacko. lol

    ReplyDelete
  11. @tong-tong, nakakasad nga ending. umalis daw si doraemon. :(

    ReplyDelete
  12. Nobita! hahaha! pasok din sakin ang doraemon. Cool gadgets! kwelang kwela to.

    ReplyDelete
  13. Paborito ko yan si Doraemon lalo nung high school sobrang namiss ko yan ngayon nung kelan nga eh nasa MRT ako tapos yung katabi ko nag-ring ang phone, ang ringtone boses ni Doraemon ang sabi "ANG MABAHONG PUKE" hindi ko napigil ang tawa ko parang ako pa ang napahiya.

    ReplyDelete
  14. Ngayon ko lang nalaman na pusa from the future pala si Doraemon. Hahaha. I've always thought na isa siyang aliems. :)))

    ReplyDelete
  15. @glentot - eiow phoe! meron po ba kayong ringtone ni doraemon na katulad ng sinasabi nyo? thanks po!

    ReplyDelete
  16. ngayon ko lang naappreciate ang Doraemon kung kelan wala muna ako work..sana totoo na lang si Doraemon para lahat ng kailangan ko sa kanya ko na lang hihiramin..hehe

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???