Naikwento ko na nagkaroon kami ng team building last saturday. Isa sa activity nung araw na iyon ay ang Trust fall version 2. Hindi ito ung normal na trustfall na para kang magnenestea plunge at sasaluhin ka ng mga tao. This time, hihiga ka tapos bubuhatin ka ng mga pips hangang umabot ka sa dulo. Scary lalo na pag mabigat ka katulad ko kasi nakakadyahe sa mga magbubuhat sa iyo.
Lesson learned sa activity ay siyempre trust. Ito ang tiwala na kahit ang ibang tao na hindi mo kakilala ng lubusan o di mo gaanong close ay gagawa ng paraan upang hindi ka mahulog. Shempre nasiyahan ako na nabuhat ako ng madlang pips kahit na lagpas 210 lbs. ako.
second lesson na natutunan ko ay i can't be forever loner. Wow. english phrase. Hahaha. Korek! Kasi madalas akong mag-isa at mag-solo dahil sa hiya at hiya padin. Ewan ko, masyado lang akong mahiyain. During the activity, ang pagtutulungan namin upang mabuhat ang ibang pips across ay kailangan upang magawa ang task.
Last lesson na natutunan ko ay huwag maging pabigat. During the time na ako ang binubuhat at dinadala hangang sa end ng line, pinipilit ko na magpagaan kahit na alam ko na hebigat ako. Ang effort ay hindi lang dapat sa nagbubuhat kundi kailangan mo din na tulungan sila at wag maging extra burden at extra pahirap. Lahat lahat ay tulung-tulong.
ayan lang naman po ang aking masasabi. :D pero wird no? trust fall ang tawag pero walang nagpatihulog. :D
(ang larawan sa itaas ay hinarbat ko sa facebook ng may camera during team building, hindi ako yung binubuhat, isa ako sa nagbubuhat)
nasubukan ko na ang trust falls. pero ako ang takatulak sa mga magpapahulog! hehehe. ibang klase yang version niyo. ma-suggest nga sa mga kakilala kong HR.
ReplyDeleteyan din yung karaniwang ginagawa ng mga performer pag may concert diba?? ASTIG!!
ReplyDeleteka-saya naman ng ganyan! wow!
@nobenta, kaw pala ang pusher sa mga trust fall :D
ReplyDelete@poldo, honga, yan ung ginagawa ng mga vocalist sa mga concert.
nakakamiss yung mga ganitong activities..hay
ReplyDeleteBakit walang picture na ikaw ang binubuhat.. hihihi.. ^_^
ReplyDelete