Monday, July 19, 2010

S at S

Grabe!
ewan!
hays!

Biyernes ng tanghali, napagpasyahan ko na bibili ako ng shorts sa mall at bandana na gagamitin para sa team building ng sabado. All set na ang isip ko na after shift ay karipas ng takbo sa suking mall at dun ako mamimili ng mga gamit. Npagpasyahan ko din na manood Sana ng movie na sorserer's aprentis o kaya ung incepsyon. Plantsado na dapat pero hindinangyare.

rewind. Bago matapos ang shift e may nag-pop sa ym na manonood daw ng sine. Sige, jojoin ako kasi ka-team ko ang kasama. Another moment to bond and to unwind. 1pm, tapos na shift ko pero 2 pa ang out nila. Waiting mode ako. aw! Pinag-OT sila kasi madaming queue at callers dahil madaming naka training. Umabot ng 3pm. Shet! Di na daw magsisine at inom nalang. Pumayag ako, ano ba naman ang alak?

4pm, nasa isang place kami na known daw for their crunchy tokwat baboy. 5 kaming pumunta at ready na to drink. 2 buckets. gulp! gulp! gulp! sarap sa isaw na manok at sa tokwat baboy. Then suddenly........... parang nag blink ang wang-wang sa dibdib ni ultraman. Nanghihina na at lowbat. Shet! 3 bote palang ng alak ay bumibigay na ang katawang lupa ko. Umiikot! nahihilo! Nalilito. isa lang ang solusyon(sabi ng isip ko), maghilamos.

Takbo sa takubets! Susuray suray na ang lakad ko at di na ako makalakad ng tuwid. Para akong langgam na naisprayan ng baygon o ng kung anung insektiside. Para akong naduduling. Shet. lababo, lababo. Tubig! splash! walang dating. Splash! wala talaga, umiikot paningin ko. May dumaan atang tren o LRT sa dibdib ko at sa aking sikmura. naknamputs! Napaduwal at sumuka ako ng wala sa oras. Buti swak sa inidors! Ang tokwa ay kumakayod pabalik at nais mag-slide palabas! busit! Pers taym ko na sumuka at ng bongang-bongga! After 10 mins, humupa na ata. Shet. May round 2. blagaboom! kahit mag-mind over matter kyeme ako e walang dating. Nag-orasyon na ako na mawala ang masamang ispiritu e walang dating.

Basag, banggag, hilo, timbog, at kung ano pang katawagan ang nangyari sa akin. Buti at hindi ako nagmana sa mga kamag-anak ko sa mother side na madaldal at takaw-eksena at eskandaloso pag nakakainom. Bagsak ako sa katabing lamesa at dun ako naghanap ng time and space. Sinalubong ako ng mga anik-anik sa dreamland dahil nakatulog ako for 1.5 hours. Walang pakialam at sinolo ko ung isang umuan at di ko na alintana ang ingay ng mga kumakanta.

I'm so weak at that point. I'm ashamed and embarassed. Nakakahiya na sa tatlong bote ay bye-bye-bye na ang rock-a-bye baby na ang tugtog. Ang 2 sa kasama ko ay babae pero tila gogogogogo lang sila at nakadami pa.

Ang gabing iyon ang pinaka-worst sa kalendaryo ko for this month. S at S, sumuka at sumuko ako. Di kinaya ng powers ko ang tama ng alak. Eto yung araw na isumpa ko ang kabayong pula.

LECHE ka RED HORSE! Iiwasan na kita!


15 comments:

  1. sinabi ko na rin sa kabayong pula. hihi. pero nauwi rin sa wala. uminom pa rin ako ulit at sinumpa na di na ko uulit hahhaha!!

    ReplyDelete
  2. Haha, ayan, Red Horse ng Red Horse. :-D

    ReplyDelete
  3. @petitay, hehehehe, alam ko makakaharap ko ulit ang kabayo sa mga next na inuman,

    @pao, uu, nasobra sa kabayong pula.

    ReplyDelete
  4. ahaha.. parekoy, madaming beses ko na ding isinumpa iyan subalit pagkakulit nyan.. babalik at babalik yan.. hehe.. inuman na yan :-)

    ReplyDelete
  5. Damn! mukhang happy horse pa yung natapat sayo. at kahit anong sumpa mo dyan love ka kaya nyan kaya di ka tatantanan nyan.. woohooo.. cheers! miss ko na si pulang kabayo!

    ReplyDelete
  6. ako, miss ko na ang kabayong pula. siya ang una kong sasakyan pag bakasyon ko!! baka yung smiling horse ang nainom mo! hehehe

    ReplyDelete
  7. sayang at babae pa nmn ang kasama mo...sayang ang bonding momments..^_^

    ReplyDelete
  8. awwwww. sinayang mo ang pagkakataon. nanghihinayang ako at nalulungkot. pero di bale, makakabawi ka din at sila naman patutumbahin mo.

    ReplyDelete
  9. hahaha., hindi kinaya ang sipa ng kabayo.
    Try mo minsan ang red donkey, ok lang, swak na swak.

    ReplyDelete
  10. Baka nga natyempohan lang ako ng kakaibang tadyak ng kabayo. :D

    ReplyDelete
  11. masarap tumadyak ang redhorse.. panalo!!.. lilipad ka tlga.. hihihi..

    ReplyDelete
  12. masarap tumadyak ang redhorse.. panalo!!.. lilipad ka tlga.. hihihi..

    ReplyDelete
  13. hehehe, kaso sakit sa ulo ang tadyak. buti nakagising pa ako for team building

    ReplyDelete
  14. aray ko po natadjakan k ng bonggang bongga ng red horse~~~
    ano naman napanaginipan mo sa 1.5hours mong pagkakaknockdown?hehehee...
    next time mag vodka nlng OK?hehe

    ReplyDelete
  15. Nyahahaha! Ayos! Iba talaga ang sipa ng kabayong pula na yan. Ako naman aside sa Red Horse, isinumpa ko na ang weng weng at The Bar. Naka ekis na yang mga yan sa listahan ko, LOL!

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???