Kagigising ko pa lamang. Diretso sa harap ng pc at tumitingin sa new post ng ibang bloggers. Pagtingin ko sa dashboard, nagulat ako sa post ni Prosti. RIP onemanga na daw. Dali-dalian kong binasa ang post nia at nalaman na titigil na sa pagpapaskil ng scanned manga ang site dahil ang mga publisher daw nito ay di na daw sang-ayon. Bigla kong sinilip ang site nila at sumambulat nga ang inglis na anunsyo.
Nalungkot ako. Halos maluha sa aking kinalalagyan. Di ko alam ang gagawin ko. Para akong pinutulan ng tooot este ng kaligayahan sapagkat ang isa sa paborito kong website ay matatapos na. Ang onemanga.com ay ang website kung saan ko nabasa at natapos ang ilang anime katulad ng slamdunk, prince of tennis, rave, Full metal alchemist at school rumble. Eto din ang site kung saan inaabangan ko ang kasunod ng Hajime no ippo, One piece. Naruto, No Bra, Detective Conan, Fairy Tale, Bobobobobobobo, hitman reborn, Mahou sensei Negima at madami pa. Nakakapanghinayang na naging ganun nalang ang katapusan. Pero sana hindi tuluyang magpaalam ang mga manga sa internet.
Ngayon, tila kailangan na magpaalam na sa kinahiligang site. Kaya para sa bumubuo ng onemanga.com, Kudos! Sayonara! Arigato!
Kakalungkot. :(
ReplyDeletenakakalungkot kasi biglaan ang balita. Kaya siguro di na inuupdate ang ibang manga this past 2 months. :(
ReplyDeleteMarami akong kaibigan na nagbabasa dyan., tsk
ReplyDeleteWoah. Nakakalungkot naman to. Ngayon ko lang nalaman sa blog mo. =(
ReplyDeleteSa Mangafox na kasi ako nagbabasa ngayon dahil mas updated... pero sa OneManga ako nag-umpisa magbasa ng manga. Ang dami kong nabasa at natapos na series dahil sa kanila. =(