Sabado, 17th ng Hulyo, ito ang itinakdang araw upang gawin ang team building. Noong nakaraang linggo, nauna na ang kalahati sa amin na mag team building. Hinati kami sa 2 batches kasi masyado kaming madami at maaapektohan ang work kung lahat ay sabay-sabay na mag-oouting/team building.
Maaga akong nagising ng araw na iyon sapagkat kumikirot pa ang utak ko mula sa tadyak at sipa ng kabayong pula. Naghanda ng mga damit na dadalhin at mga kagamitan na kakailanganin. Matapos mag prepara ay naligo na upang gumayak at humanda sa adventure.
Dumating ako sa opisina at nag-antay sa mga makakasama sa lugar. Andaming pag-hahanda. Dinivide kami sa 3 sasakyan. Andaming checklist pero lumarga din sa wakas. Ang destinasyon, Hacienda Darasa sa Batangas.
Nakaka-excite. Nakakasabik. Nakakatakot. Nakaka-ilang. Bakit ko nasabi ang ganito? Kasi ang iba sa makakasama ko sa team building ay mga di ko ka-close o kaya naman ay di ko kilala ng personal. Pero naisip ko na kaya nga ako sumali para makapag-unwind at makapag get-together at to know each other. Nagoogle ko ang mga reason bakit may team building.
- Improving communication
- Making the workplace more enjoyable
- Motivating a team
- Getting to know each other
- Getting everyone "onto the same page", including goal setting
- Teaching the team self-regulation strategies
- Helping participants to learn more about themselves (strengths and weaknesses)
- Identifying and utilizing the strengths of team members
- Improving team productivity
- Practicing effective collaboration with team members
After 2 hours ay nandoon na kami. Nag-unpack at namili na ng pwesto sa kwarto. Matapos nun ay nananghalian muna bago nagproceed sa mga activities.
May 8 kaming activities na ginawa. May Hoola game, may trust fall version 2, may skin the snake, picture perfect, relay game, obstacle course, pinoy henyo at charades.Sa activities na yan, pinaka mahirap para sa akin ang obstacle course. Ikaw ba naman ang tumakbo at uminom ng mystery item, kumain ng oatmeal at gumapang sa putikan.
3 out of 4 teams, walang makuhang group pics ng blue team
Sunday morning na ng makapag todo enjoy sa swimming. Umuwi kami ng 12 noon at bumili ng buko pie para pasalubong.
Kahit pagod at masakit ang katawan sa activities, sulit na sulit ang lahat dahil na-enjoy ko ang adventure na nangyare sa akin noong weekend.
wow! ang saya naman! dahil naiinggit ako mag-ti-team building ako magisa sa gitna ng disyerto jowk!
ReplyDeleteang saya naman!
hahaha.
ReplyDeletePede yan poldo. pede ka mag-dip at mag floating sa sands. hehehe :D