Monday, July 5, 2010

Manila! Manila!



Manila! Manila!
I keep coming to Manila!
There's no other place like Manila!

Destinasyon: Manila, Binondo

Sabado, matapos kong matapos ang kwentong pantasya ay inantay ko ang pagsapit ng 1pm upang sabay-sabay kami nila Babaeng Lakwatsera at Mapanuri na pumunta ng Manila para sa photowalk nila habang ako ay abangers sa nirecommend na chinese food resto. Sumapit na ang takdang oras at kami ay sumakay pa-Cubao at sumakay ng LRT2 para makadating ng Manila, Recto.

Mga 2:30pm na ata noon ng makadating kami sa Recto station. Inantay namin doon si Spiderham na isa din sa nais sumama sa photowalk. 3pm na ng kami ay nagsimulang maglakad papuntang Sta. Cruz. Along the way, may nangyare na di inaasahan at kelangan mag-ibang landas si Spidey. Naiwan kaming tatlo pero the trip should go on kaya lakad muli kami.

First stop ay ang Arc ng Binondo. Picture picture ang mga may camera habang ako ay kumuha ng ilang shot gamit ang cellphone lamang. Matapos sa arc ay may mga ibang scenes ang kinuhaan ng mga photographers. Next na nadaanan namin ay ang Binondo church. Syempre naenjoy ito ng mga friendship na may cam. Point and shoot. Shot, shot,shot, shot, shot. Nakakapagod. Tomguts na ang sikmura ko kaya mga 4pm ay hinanap na namin ung place. Naligaw man at maling street ang binaybay, nakadating din kami sa paroroonan. Yes!



Pagdating sa place ay na-spotan ni Lakwatsera ang isang known blogger pero nakalimutan ko name kaya di ko mababanggit dito. Memory gap! Pagpasok sa loob, punuan. Nag-antay muna kami ng ilang saglit bago naka-upo. Umorder na kami. Akala namin resto type pero tila naging fastfood na sha.(Matagal na ung last visit ni Mapanuri). Pareho ng inorder si L at M(Lakwatsera at Mapanuri). Umorder sila ng Beef curry(not the exact name). Bumili din si L ng Pork Siomai. Para sa akin, ang aking napili ay Roasted Duck. Masarap ang Roasted duck nila, parang lasang ham na malinamnam. Nakitikim ako ng Siomai at wooow, anlinamnam ng lasa at naiiwan sa dila ko. Ibang-iba ang lasa sa normal siomai house. Di ko na natikman ung curry pero tila sarap na sarap din ang dalawa(Based on facial expression). Maliit lang ang servings ng rice pero ambilis makabusog. Ang nasa ibaba ay larawan ng food at ni L at M na kumukuha ng larawan gamit ang kanilang Cam.


Matapos makakain, kwentuhan muna saka lumarga. Bago maghiwahiwalay ng way, napadaan kami sa isang lugar sa Manila na bentahan ng mga pets. Masangsang nga minsan ang amoy ng ipot ng mga manok, ibon at ang panghi ng mga ihi at pupu ng aso pero okay lang. Ang cute ng mga tuta na nakakulong. Antataba at ambabalahibo. Natanung ang price ng mga may breed na dog, may mura, may mahal, depende sa breeding. Nakakaaliw ung chow-chow na nakadisplay. Cuddly at charming. Dito ko napagalamanan na mas mahal ang may papers kesa sa wala. natuto din kami ng possible tips kung bibili ng pet. 

Nakalampas lang kami ng konti sa pet area, napadaan naman kami sa isang daanan na jampak ng mga tao. Akala ko may shooting ang mga artista. Akala ko may krimen na naganap. Sus! Eto pala ang street market ng mga cellphone. Dito binebenta ang animo ay GSM o galing sa magnanakaw. Dito ay samutsaring brand ang binebenta at trinatry ng customers na alam na makakamura. Bawat sellers ay iba-ibang brand ang binebenta. Dito ako napakapit sa bulsa ko para isecure ang cellphone ko at baka mamaya ay mabilang ang aking telepono sa binebenta. Mahirap ng madukutan ulit ng cellphone. 

Umuwi na ung dalawa kong kasama pero may energy pa ang katawan ko kaya back to dvd hopping. Nilakad mula sa Isetan recto hanggang sa pusod ng bilihan ng dvd. Iba-ibang amoy ang malalanghap. Amoy basura, amoy batang naglalaro sa kalsada, amoy prinitong bituka ng manok, amoy inihaw at iba pa. Matapos ng lakaran ay nadating na ang anime series area. Walang bagong series. Wala ung hinahanap ko na anime. Lipat. Dun ako sa 4 na cd for 50 petot. Ang chachaka ng palabas. Lipat. Wala. Lipat sa medyo may kamahalan ng konti, 3 for 50. Dun ako nakabili ng mga dvd na tulad ng toy story 2, shrek 2 and 3, Ice age 2, iron man 1 and 2. 150 petot ang aking binili kaya may 9 na cd ako + 1 na bonus daw. Di na ako nakabili ng porn kasi mahal. Wala ung nasa kalsada lang na 25 isa. Sa iba kasi 3 for 100(di sulit).

Umuwi ako ng mga 7pm lulan ang paboritong bus na G-liner. Malakas ang aircon kaya sarap mag-chill matapos ang tagaktak pawis mode. Habang nakasakay, nasa tabi ako ng bintana habang minamasdan ang Morayta na dinaanan at ang Legarda.

Ansarap ng pakiramdam na nakapamasyal ako sa Manila. Kakaibang trip ang aking naranasan pero sulit na sulit ko ang aking restday. Hanggang sa susunod na pagbisita sa Manila, ang lugar na hahanap-hanapin ko. :D

8 comments:

  1. Napakahusay na ekspidsyon! Hehe sana maexperience ko din makasama ung ibang blogger, 2lad nyo! Yung tipong gumagala para kumuha ng larawan. Yun nga lang hindi ko naman kabisado ang Maynila. Ganun pa man? Nice post at mga pictures! God bless po khanto tantra.

    ReplyDelete
  2. Nakakapanglaway naman ang mga pektures mo pare koy....


    Teka buti walang nangisnatch ng CP mo nung pinicturan mo yung ARC hihihi..

    Namiss ko tuloy ang manila(Philippines)

    ReplyDelete
  3. @poldo, todo hawak sa cellphone at ingat baka may snatcher sa paligid.

    @dc- maeexperience mo din yan lalo na pag kaopis mo ang co-blogger mo. :D

    ReplyDelete
  4. @poldo, hawak ako ng mahigpit sa cp.
    @dc, salamat sa pagdalaw.

    ReplyDelete
  5. ginutom nyo ako sa mga pektyurs parekoy.

    ReplyDelete
  6. miss ko na ag maynila. paborito kong puntahan ang carimar sa ilalim ng sogo hotel. dun kasi ako madalas bumibili ng mga pirated cd's at original na vintage cassette tapes. pati ng mg t-shirts, belt na malaki ang buckle na panghataw sa riot, pekeng shades, kwintas, at kung anu-ano pang mga paraphernalia na pang rockers!

    nice post. \m/

    ReplyDelete
  7. akala ko kung anong klaseng GSM! haha...mag ma-Manila ako in 2 weeks hehe

    ReplyDelete
  8. @super balentong: :D kain na.
    @nobenta: dun din ako bumibili nung college kaso mas mura dun sa magkakatabing tindahan ng dvd
    @sendo: waiting for your manila trip.

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???