Transition sa opisina. Ang 2 days na rest day ko ay bawas. Linggo ng madaling araw ay may pasok ako sapagkat ganun talaga ang buhay. Okay lang. Di naman masyadong hassle kasi konti lang ang calls ng linggo o sabado ng umaga sa america.
Dahil walang magawa, kumuha lang ako ng mga random na toys sa opisina at piniktyuran. Eto ang mga laruan na kakalat-kalat lang sa mga cubes ng mga employees.
11am, tapos na ang shift. Nagpunta ako ng trinoma mall sa north Edsa. Dito ay makikipag-lunch sa mga kaklase ko at kaibigan sa college. Ang napag-usapan namin ay around 12:30-1:00pm ang pagkikita subalit umuwi pa ng bahay nila ang kasama namin so it ended up na around 2pm pa. Naglibot muna ako sa malaki-laking mall na ito at tumingin-tingin ng laruan at ng kung ano-anong anik-anik habang nag-aantay.
Mga 1:30pm ay tomguts na ako. Nagtext ung isa kong kaibigan na di nia kabisado ang mall kaya sinundo ko sia sa sm north station. Habang di pa sia nakakadating ay kumain muna ako ng siomai, para may laman tyan ng konti. After nun, dumating nadin ung dalawa pa naming makakasama. Diretso na kami sa destination: Seafood Island.
Pirate theme ang ambiance sa loob ng resto. May mga desenyo ng mga mapa, pirata at kung ano-ano pa. Hindi matao, marahil kasi hindi pa sweldo o mas type ng mga tao ang yellow cab, pizza hut at popular na resto. So inabot ang menu. since nakakain na ako dito dati, sinuggest ko ang boodle servings nila. Tiningnan ang boodle section. Boracay feast dapat ang oorderin namin na inakalang nasa larawan pero mali ang hunch. We ended up na orderin ang Dapitans Pride. Good for 3-4 ang servings kaya sakto lang. Aroung 690 ang price nito. Not bad kasi masarap ang seafood rice nila. Para sa drinks, strawberry shake ang inorder ng isa naming kasama at ang 3 sa amin ay bottomless iced tea(ibottomless ang saya!).
Inihain na ang pagkain, pinicturan ng konti para sa blog entry. Heto ang larawan ng 3 kong kasaman at ang inorder namin. Bale ang mga kasama sa Dapitans pride ay may pagkain tulad ng inihaw na liempo, inihaw na tilapia, hipon, laing at 3 special na pagkain, kinuhaan ko din ng larawan ung 3 special na ulam.
Sa ibaba ang original look ng 3 ulam na inihain.
Busog to the max ang tiyan na noong una ay kumakalam. Di kami umalis agad at medyo sinulit pa ang bottomless ice tea. Matapos mahimasmasan ay pumunta muna kami sa 4th floor(open area) kasi maninigarilyo muna ang isa sa amin. Nakapagpababa na kami ng kinain at diretcho naman kami sa Gerry's grill para uminom(tamang inom o moderate lang). Isang bucket lang na may 8 bottles lang. Tig-dalawa dapat kami pero i napa-dalawat kalahati ako kasi di na daw kaya nung isa. Nagpalipas kami ng oras sa pag-kukwekwentuhan about life, lovelife, work, at kung ano-ano pa. Plinano din ang laging napagplaplanuhan na outing.
Natapos ang sunday night ko na sobrang happy ako kasi nakasama ko ulit ang mga college friends na bihira kong ma-meet. Kahit di kami makumple-kumpletong pito ay masaya na ako kasi madalas ay apat lang ang maximum na nakakapunta pag may meet-up. Masaya na kapag naging lima kami. Hopefully sa August ay matuloy na ang outing namin.
WAW!!! Umagang-umaga natakam ako dyan sa Dapitan's Pride! Huhuhuhuhu. Gusto ko kumain dyan. Sh*t ang sarap sa photo pa lang.
ReplyDeleteNa miss ko bigla ang mga college friends ko... Na miss ko rin ang after ng night shift eh lalabas para kumain sa labas ang mag moderate drinking...
ReplyDeleteWow! Sana makatikim ako nun! Haha kht ung bott0mlss n ice tea.. J0ke! Tamang trip po ung pag picture ng mga toys na mga ktrbho.. Hehe ang kyut ng naruto. Haha pero pinaka astg pa dn ung mr.crab na pic. Haha ska ung sa p0kem0n.. Ang kulit ng dapitans pride, naisip u pa ung picture ng mga anime dun hah..
ReplyDeleteSana si ate Pirate Keko? Makabisita rin jan! Hehe
ReplyDeletelol. ang sarap nyan pre, pero anong lasa ni squidward?
ReplyDeleteDrooling! damn susubukan ko yan paguwi ko ng pinas!
ReplyDeletesana magpa-contest ka naman sa blog mo, at ang premyo ay tumataginting na pagkain.
ReplyDeletei want! ita-try ko yan pag-uwi ko ^_^
ReplyDeleteNaubos nyo lahat yun?????
ReplyDeleteHI Khantotanta,
ReplyDeleteThanks for visiting my TV series (http://tvseriescraze.blogspot.com/) site!
Are you willing for link exchange with my other blog sites?! Thanks a lot! =)
@glentot, yep, ubos at simot.
ReplyDelete@sikolet and poldo, sana ma try mo din si mr. crabs
@muntingbisiro, di pa keri ang contest. Budget yan, budget.
@superbalentong, may katabangan si squid, baka wala sa mood. :D
@DCthekerr, hehehehe. sakto lang kasi sila squid at crabs sa larawan ng dapitans pride.
@jepoy, sana mag-meet din kayo ng friends mo, masarap mag-catch up sa mga friends.
@robbie, nakakakatakam pag larawan ng pics. minsan nagtatakip ako ng mata para di maglaway. :D
wow!ang sarap naman.hehe. natawa ko sa orig na piktyur, bwahaha:)) ang kulet. :D
ReplyDeletesarap dyan. bigla kong na-miss ang mga times na kumakain kami sa cubao branch nila. sarap talaga ng boodle dahil napapalakas ang kain!
ReplyDelete