Ayokong magbukas ng telebisyon. Iyo't iyun din ang mababalitaan. Lahat excited sa unang pagpapapawis ni President Noynoy sa sauna. Sorry, mali. SONA pala. Sa facebook, trend din ang tungkol kay noy. Ganun din daw ang twitter. Ewan ko pero ayaw ko masyado ng overkill na pangyayari. Parang OA lahat ng news.
Manonood ako kaso mga nonsense ang ibang balita. Nagtataka ang ilan bakit di sumipot ang ex-president sa SONA. Hello? Ikaw ba, pag kalaban mo ang buong mundo at ang mga bagay sa speech ay patungkol sa kabaluktutan at kasiraan mo, may balak ka bang dumalo? Di naman siguro boblaks ex-PGMA upang magpakapal ng apog at ng mukha at saluhin lahat ng sibat, bala, shuriken, kunai, pana, bomba, granada at utot na ibabato sa kanya. Another annoying news, hinahanap sa SONA ang gf ng pangulo. For real? Ano ba ang dapat tutukan, ang krisis na pagdadaanan ng pilipino at ang remedyo o solusyon o ang lovelife ng pangulo. Seriously? Kailangan ba nating kiligin at tila maki-showbiz sa NoySha? Last annoying thing, komento ng ibang politiko. Andaming hands down at taas kamay sa speech. Andaming praises pero minsan it gets to the nerve seeing those politicians na nagwawaldas ng buwis ng mga nagpapakahirap na employees na pilipino. Kinukuraks nila ang mga pera ng madlang pips. Sinasayang nila ang mga tax na nanggagaling sa mga bayaning OFW. ERAP?!!! ANg ex-president na pinatalsik dahil sa korapsyon ang magsusuggest ng mga ideas para umunlad ang pinas? bang! sarap barilin.
Isa lang naman ata ang hanap ng pinoy e, eto ang mai-ayos ang bansa. We can't cry on spilled milk! The damage has been done and we can't blame all the shame to one person kasi ang status ng pinas ngayon ay di lamang dulot ng sinasabing korap na ex-pres. Lahat tayo ay naging bahagi ng current situation(directly or indirectly). We are all liable at lahat ay may pananagutan. Di uusad at di aangat ang antas ng kabuhayan kung laging pagsisisi sa iba ang gagawin. Ang pagkilos at pagbangon sa lusak ng kapit bisig ang dapat gawin.
--------------->
State of the Khanto Address: SOKA
Mahirap makasama ang taong know-it-all at feel-it all. Hays. Nakakainis minsan dito sa bahay. Linggo, nanonood ako ng tv at ang palabas sa channel 2 ay ang pelikulang "My Big Love" ni Sam. Kwento ng matabang lalaki. Bugbog na bugbog sarado ako sa pang-aalaska ng buong fam ko. Kesho kasize ko na daw si Obese Sam at kung ano-ano pa. Ang nakakainis ay banat ng banat ang mahaderang ate ko na akala mo ay nuknukan ng galing/talino at husay. Ewan. Nakakairita.
Busy ang mga tao sa bahay sa mga dadalin na damit sa plan na bakasyon sa Thailand. Leche. Ako nanaman ang pinupukol ng kung ano-ano. Kailangan ko daw mag-polo shirt. Punyemas! 2 lang ata polo shirt ko dahil di ako mahilig sa may kuwelyong damit. Mga Niyetang nilalang sa haus. Umiiral nanaman ang pilingerang ate ko na akala nia ay siya ang basehan ng whats cool at whats not. Akala mo elitista pero echosera lang. Anlakas manlait pero wala sa lugar dahil di naman siya kinukunsidera sa mundo bilang isang icon for fashion. Kailangan daw di ako nakapantalon sa Thailand. Shet na superlagkit! Nakakabadtrip. Sumasang-yon naman ang aking ina. Ang tshirt lover na si khanto ay napipikon na.
Kahapon, lunes, Napilitan akong umalis ng bahay hindi para magpalamig, napilitan akong sumunod. Lecheng life lang minsan. Napilitan akong sumunod na lamang at bilan ang sarili ko ng walking shorts, swimming shorts at polo shirt. Bumili lang ako para matigil na ang mga tao dito sa bahay. Putragis, gastos ng lunes. Pagkauwi ko, dala ang pinamili, biglang magcocomment na kesyo mahal daw at bakit ako bumili ng damit e meron naman ako. Ansarap lamang tirisin at tadyakan ang mga tao sa bahay.
pasensya na posa may mahihina ang puso. Naglalabas lang ako ng inis at init ng ulo. Nais ko lang maisulat ang kabadtripan ko upang mas okay ako kapag nagpapakarelaks ako sa ibang bansa. Naipon na ang stress at kelangan naman mag-unwind. Another way din to para maka-bond ang pamilya.
end.
naniniwala ako sa magagawa ni PNoy kahit hindi naman sya ang binoto ko, dahil hindi nga pala ako nakaboto.
ReplyDeleteNakakarelate ako sa kinakantyawan sa bahay dahil ganyan din ako. Kaya minsan nag liliwaliw nalang ako mag isa pampa cool down kung baga :-D
ammm binoto ko si noynoy kasi sya rin binoto nila payrents. haha
ReplyDeleteok, di rin ako nakapanood ng SONA na yan kasi nasa opisina me.
natwa ko sa my big love segment. sana nga yan na lang ang pinanood ng nakararami kesa sa sona.
Para nga kasing berry bad si noynoy sa paguungkat pa.. sana pumokus sya sa lahat ng plano nya the whole sona.
gusto kong mapannood ang sona na yan, para makarelate ako, kaso lang, ni-you-youtube ko pa lang sya right now. kaya, koment na lang ako sa soka, dahil dito ako nakakareleyt talaga ng bonggang bongga. palagi rin akong laman ng asaran dito sa bahay, dahil rin sa size ng bewang ko, takte talaga. eniwey, sige ilabas mo lang po ng ilabas ang iyong hinaing/saloobin/at kabad tripan. at i-enjoy ang thailand. looking forward sa adventures at kwento nyo about that. ingat! :)
ReplyDelete'di ko napanood ang SONA pero nabasa ko na sa ibang blog site. ok naman at full of hopes.
ReplyDeletehindi halata sa soka mo na mainit nga ang ulo mo ngayon. :)
Di ko napapanood yang SONA at wala na akong balak dahil mas gusto ko pa yung SOKA mo hehe...
ReplyDeleteayos!
Hindi ko pa rin napanood ang SONA ni Ginoong presidente at nagsasampung-isip pako kung babasahin/papanoorin ko ba sha.
ReplyDeleteok ka na? enjoy your vacation :)
chill~~~~natawa naman ako sa expression dun sa shit na superlagkit~anyways nakakairita nga pag ganyan ano nakakawalang gana hehee,,,,
ReplyDeleteenjoy nlng sa trip mo!!!!