Sunday, July 11, 2010

Kambal! Kambal!

 
 
Biyernes ng tanghali ng di ko sinasadyang mapanood ang wowowee sapagkat di ako makagamit ng computer. Nasa part na ng willie of fortune ng makita ko at narinig na ang mga kalahok at contestants nila ay mga kambal. Di na ito bago sa show nila kasi noon, may napanood nadin akong episode na kambal din ang mga players. Habang nakikinig sa drama-dramahang question and answer at talent portion ng mga kambal, doon ko naisipan magblog tungkol sa kambal.

Kambal o twins, ito ang tawag sa dalawang taong sabay na lumaki sa sinapupunan ng kanilang magulang. Kadalasan daw ay minuto lang ang pagitan kapag iniluwa na sila sa mundong ito. Di ko na nais usisain kung pano nabubuo ang kambal pero ang hula ko lang(limot ko na ang biology lessons) ay may isang itlog ng babae na dinalaw ng dalawang butete(sperm). Nagkataon lang ata na sabay na nag photofinish ang dalawang butets at doon nagsimula ang kambal. Correct me nalang kasi alam ko mali. :p

May tatlong klase ng twins akong nakita na sa telebisyon.



1. Kambal na parehong babae.
KimiDora, ang kambal sa kyeme. Eto ang recent na dvd na aking napanood na tungkol sa kambal na parehong babae. Base sa movie, noong bata sila ay super-close ng dalawa kasi pareho sila sa lahat ng bagay tulad ng damit, laruan at kung ano-anong bagay. Common problem sa mga kambal na babae ay pareho sila ng natitipuan o kaya ay nagkakaroon ng komplikasyon sa lovelife. Ang ex ni kambal1 ay napupunta kay kambal2. Meron ding case kung saan si kambal1 dapat ang itatanan ng lalaki subalit mali ang nadampot at si kambal2 ang naitanan(Home along da riles-Azon at sion). 



2. Kambal na parehong lalake.
Bananas in Pajamas, ang saging na dambuhala. Sikat at famous noon ang saging na super-sized. Eto ang kambal na saging na nagngangalang b1 at b2. Tulad ng sa babe, kadalasan ay pareho din ang get-up ng mga kambal na lalake. Marahil pareho din ng pinagdadaanang suliranin ang lovelife kasi peraho silang iniirog na natitipuan. iba pang kambal na parehong lalake ay ang weasley twins ng harry potter.



3.Kambal na magkaibang gender
Kambal ng tadhana, Julio at Julia. Sila ang pamosong twins. Literally, hindi sila magkapatid kasi anak ng chinese ang lalaki habang dugong kanuto si babae. Anyway, kambal sila kasi sabi sa tv sila ay kambal. Sa aking pag-aanalyze, walang masyadong similarities pag magkaiba ng gender ang kambal. Shempre di naman magbebestida ang lalaki unless baklushi siya. Madalas ang issue lang ay magiging defensive ang bawat isa sa magiging jowawits ng kanilang kakambal.

May mga wirdong tanung lang ako sa mga kambal pero wala naman akong mapagtanungan sapagkat wala akong kakilalang kambal in real world.

1. Sa kambal na parehong babae, pareho ba sila ng period?
2. Sa kambal na parehong lalaki, kailangan bang sabay silang tuliin?
3. Sa kambal na magkaiba ang gender, may time kaya na nagkainlaban ang dalawa?
4. Sa kambal na parehong babae, kambal na lalaki din ba ang gugustuhin nila?
5. Sa kambal na parehong lalaki, pano pag isa sa kanila ay joklush? mahahawa ba ang isa?

para sa akin, parang ansarap na magkaroon ng kakambal. Siguro dulot ito ng loneliness since di ko naman naging close ang kapatid ko.:p

14 comments:

  1. mahirap ang may kakambal, pero siguro masaya yun. Parang pagkakaroon lang din ng kapatid (wala akogn kakambal)
    At sino naman yung kambal sa picture na una mong nilagay?
    Saka, sa pagkaka-alam ko naman, two matured egg cell na pinarisan ng dalawa ding sperm cell. pakitama na lang din ako, kasi alam kong mali ako. hahaha

    ReplyDelete
  2. @munting bisiro, ung unang pic, napulot lang sa google. ayoko ng sumakit ang ulo ko kaya di ko na hahalukayin at hahalungkatin ang science about kambals. heheheheh

    ReplyDelete
  3. Haha, masaya siguro may kambal.

    May nakilala ka na ba, apat na magkakapatid, 2 pairs ng kambal?

    Haha, yung ex ko kase may kakambal siya tapos may kapatid sila na dalawang lalaki na kambal din na classmates ko naman nun 4th year. Astig no?:-D

    ReplyDelete
  4. Di mo ata nasama yung dalawang Guttierez hehehe.

    May tropa akong kambal nung college ako.. Nagtataka ako bakit ang laki ng pagkakaiba nila. Mula sa physical hanggang characteristic magkaiba.

    Ibig sabihin hindi porket kambal sila pareho na sila sa lahat ng bagay yun lang po hihihihi

    ReplyDelete
  5. ayokong lumaki ang mga anak naming WONDER TWINS na magkapareho sa lahat ng bagay. habang baby pa nga lang sila ngayon ay pinag-iiba na namin ang mga suot nila.

    napanood ko rin yang episode ng wowowee. at tama ka parekoy, may kakambal nga si ason! nice memory! \m/

    ReplyDelete
  6. ahahaha.. ano kayang pkiramdam ng may kakambal? madami kasi nagsasabi kng ano nararamdaman ng isa araramdaman din ng kakambal niya..totoo kaya yun?

    ReplyDelete
  7. @paolo, astig naman yang ex mo, may lahing kambalin.

    ReplyDelete
  8. @poldo, tama, di porket kambal similar lahat. naalala ko, kambal din sina agua bendita :D

    ReplyDelete
  9. @nobenta, tama, dapat may difference ang twins para alam nila na di sila ikokompara ng todo-todo.

    nagmemoplus gold para sa maalala ang old tv shows.

    ReplyDelete
  10. @kikilabotz, oo nga, marami na nagsasabi na ramdam ng isa ang nadarama ng kakambal. hmmm. sino kaya pedeng pag-experimentohan para malaman? hehehe

    ReplyDelete
  11. Wahahaha! Natawa ako sa mga tanong mo sa huli. Paano nga naman kung kambal na lalake tapos bakla yung isa? Hahahaha!

    Pero honestly, parang gusto ko ng kambal. Lonely ako eh. Hahahaha ang emo lang.

    Na-miss ko din ang Kambal ng Tadhana! Hehehe.

    ReplyDelete
  12. Si Richard Guiterrez lalaki.. at sabi nila si Raymond daw ay bading.. ewan ko kung true.. mga sabi sabi lang nman sa tabi tabi..

    ReplyDelete
  13. may anak akong kambal na babae pero hindi ko pa pwedeng itanong sa kanila ang mga tanong mo (re: period at bf-type) kasi 5 months pa lang sila ngayon :) Pag laki nila tatanong ko ha... pero I doubt na sabay/parehas sila sa maraming bagay maliban sa itsura... kasi ngayon pa lang, madami na silang pagkakaiba. naaaliw talaga ako sa blog mo... sana magpatuloy ang "passion" at interes mo sa blogging :)

    ReplyDelete
  14. o nga pala, if feel mo, join my birthday contest dito: http://www.bloggityboop.info/2010/07/thebloggityboopbirthdayblogcontest.html

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???