Sunday, October 10, 2010

10


Ngayong araw na ito ang tinatawag na pinakamasuwerteng araw kasi magkakapareho ng numero ang buwan, araw at taon sa kalendaryo. Bakit daw swerte? Kasi kung ihahalintulad sa score cards, ikaw na ang nakakuha ng perfect score. Win na win ang araw para gumawa ng kung ano-ano. 

Para sa araw na ito, since wala naman akong maisip masyado ay maglilista na lamang ako ng 10 things na ginawa, ginagawa at gagawin pa lamang para sa araw na ito. (Sinimulan ko ang entry na ito ng 10:10am, nagkataon ba o sinadya, di ko alam).

1. Pagkagising ng 2am kanina ay back to usual day kung saan tinitignan ko kung ano ang latest sa mundo ng blogosphere at sa facebook world. Kailangan up to date kung may recent post ang mga blogger na sinusundan ko. 

2. After mag-facebook ay ininum ko na ang last slimming coffee ko at medyo nag-exercise para pagpawisan. Konting pagpapapawis lang at ayoko naman na hingalin ng todo.

3. Since walang laman ang tiyan kundi ang kapeng ininum, bumili ako sa 7-11 ng spageti with chicken strips. Back to the microwavable food nanaman ang sunday ko.

4. Nakatanggap ng mensahe mula sa isang ka-opisina tungkol sa murang fare papuntang Cagayan de Oro. 20 petot lang ang rountrip ticket. Nag-decide ako na sumama para atlist kahit paano, makapag-fly naman ako sa ibang place dito sa pinas.

5. Since sunday ngayon, at walang gaanong calls, wala akong magawa kaya napabisita ako sa website nanaman ng mga sinaunang tv shows like bioman, maskman etc.

6. Ang corny ng mga movies na pagpipilian kaya nag-iisip kung ano ang macoconsider na pedeng pagtyagaan (Got to believe-2002, Paano na Kaya, Babe I Love You, In My Life, Miss You Like Crazy, And I Love You So o You Change My Life).

7. Nagbabalak akong pumunta sa mall after ng shift ko para tingnan kung may bagong One Piece toy sa megamall. Kung papalarin, baka makabili ng laruan.

8. Gusto kong bumili ng T-shirt sa mall. Badtrip kasi yung ibang t-shirt ko, parang nagshrink at nagmumuka na akong suman kapag sinusuot ko. Habang yung ibang shirt naman ay nagkakaroon ng butas, di ko alam kung nabubutas sa washing machine o napepesteng daga.

9. May event sa Dragonica today. 20% ang idinagdag sa makukuhang pera sa pagpatay ng mga monster at may 30% na dagdag sa experience sa pagpapalevel. Kailangang maaga din akong makauwi.

10. Susubukan na ipagpatuloy ang librong matagal ko ng binili subalit di ko pa matapos-tapos basahin dahil kulang sa oras.

Iyan lang muna. :p Enjoy your sunday guys!

3 comments:

  1. ay lab da picture! clover leaf?? tama ba?? symbolizes luck!

    sosyalin! slimming coffee!! hehehehehe

    ok yung and i love you so at you change my life na movie.. oo korni kung korni pero nagustuhan ko.. kasi korni me! hehehehe

    happy sunday bossing!

    ReplyDelete
  2. wagi! gusto ko ang deed number 4.. sana up for grabs pa yang promo ng cebu pacific.. :P

    ReplyDelete
  3. @jblgonzales, nakakainis, sold out na :D heheh.

    @poldo, heheh, may times na okay din sa akin ibang pinoy film...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???