Sobrang lapit na ang christmas. Panahon na para maglamyerda sa mga mall upang bumili ng mga gifts. Panahon na din sa kaliwa't-kanan na party. At kapag may mga party-party, syempre may inuman at madalas ay hanggang breaking dawn ang nomnomans. So kapag ganitong season, madalang na ang public transpo at ang iba ay wa naman carz para makabyahe pauwi therefore ang options ay mag ever taxi.
Taxi.... Eto ang sasakyan na medyo comfy kung ikukumpara mo sa jeep at lrt or bus pero syempre may mga instances na mapapa-back-off ka.
Para sa mga nagbyabyahe gamit ang ever realiable na taxi, sana ay di kaya maka-encounter ng mga scenario sa ibaba.
Scenario1:
Pasahero kinakawayan ang taxi
Taxi Driver: Saan po?
Pasahero: Cainta po
Taxi: 'Ay di po pede. Traffic e.'
Pasahero: 'Traffic??? Manong, 2:30AM na! Traffic ka dyan.!
Scenario 2:
Pasahero, nagtatawag ng taxi
Pasahero: 'Boss, sa Megamall po'
Driver: 'Dagdagan nio nalang po ng bente'
Pasahero: 'Ganun ba? sige, dagdagan ko na din ng isasabay sa akin. Tara mga friendships! Magkakasya tayong anim dito!!! wohooo!!!'
Scenario 3:
Pasahero nakasakay na sa taxi.
Pasahero: 'Manong, siguro makakatipid ako sa pagbayad sa inyo.
Driver: 'ha? Bakit naman?'
Pasahero: 'Ordinary fare ata tong taxi nio... Hindi aircon'd!
Scenario 3:
Pasahero, nakasakay sa taxi
Pasahero: 'Kuya, sa Sta. Ana ba ginawa ang taxi na ito?
Driver: 'Hindi po. Sa ______ po iyan ginawa.'
Pasahero: 'Akala ko sa Sta. Ana. Amtulin kasing tumakbo ng metro ninyo eh! Nasa 200 na agad ang babayaran ko!'
Scenario 4:
Pasahero, japorms dahil pupunta sa hotel para mag-date.
Pasahero: 'Sa Manila Hotel po tayo boss.'
Driver: 'Okay'
Makalipas ang ilang minuto...
Pasahero: 'Boss, siguro fan po kayo ni Manny Pacquiao!'
Driver: 'Aba, syempre! Gusto ko ngang yung jab at flickers e'
Pasahero: 'Tama ako! Pakitabi na lang po.'
Driver: 'O, bakit kayo bababa? malayo pa tayo'
Pasahero: Ma-kno-knock-out kasi ako sa amoy nio e.
Scenario 5:
Pasahero pababa na.
Pasahero: 'Manong, heto po 100, bayad ko. (75 nasa metro)'
Driver: 'Wala ba kayong barya dyan?'
Pasahero: 'Unang pasada nio po ba ngayong 10pm? Night shift ka ba manong?'
Driver: Palabiro pala kayo. pero wala po ba kayong barya?
Pasahero: 1k na next na pera ko at 50 lang ang smaller bill ko.
Driver: 'Ay, heto po, 25, meron pala akong panukli'Naisip ko lang yang mga scenario na iyan kagabi dahil anhirap makahanap ng matinong taxi sa metrowalk.
Sana ay di ninyo ma-experience ang mga hypothetical scenarios. Happy weekends!!!
base!
ReplyDeletena-experience ko naman last Aug. yung nangongontrata. kesyo ganito, ganyan, traffic dito, blah blah. e nagmamadali na kami. ayun traffic nga. imaginary traffic yata tinutukoy ni manong.
wahahahaha:))) pinaka gusto ko yung kay manny. taob si manong dreybuur! :DD
ReplyDeleteExperience ko na rin iyong nangongontratang taxi driver,, buti na lang hindi ako tulad ni Dora na lakwatserang negra tuwing pasko,, ahihihihihi... :D:D:D:D:D:D
ReplyDeletenaks...ahehehe..iniisip ko lng sino nga ba talaga ang pasaway...ang driver nga ba..o ang pasahero din... ahehehe... ;)
ReplyDeletetumpok ang mga kwento mo . hehehe
ReplyDeletehahahaha.. madalas ako makatapat ng namimili ng pasahero... haaayyy, dapat silang maireklamo kay tulfo :)
ReplyDeletenaexperience ko na rin ang nango2ntratang taxi, biro mo umulan lang ng malakas sa cubao, tpos magiging 150 ang singil papunta sa village namen, eh ilang KM lang ang layo sa cubao, tsk2
ReplyDeletehehehe
anyhow, salamat sa iyong pagdalaw sa aking blog kaibigan, xlinks po tayo?
ingat parati! :)
nakakairita talaga ang mga ma pag samantalang taxi triver lalo na sa mga panahon na ganito. Lagi nagiinit ang ulo ko dahil sa mga ganyan, na mimili ng lugar na gusto lang nilang byahihan. Letch! Pero hindi ko kaya yung halos walang aircon kasi kung ganun mag jeep nalang me ahahhaa
ReplyDeletehahaha.. buti nalang di ako fan na sumakay ng taxi.... ANG mOHOL MOHOL...
ReplyDeleteMay mga worse experience pa jan...
ReplyDeleteTaxi: Sige, kahit hindi ka na magbayad.
Pasahero: Salamat po.
Taxi: Oo kasi holdap to.
@sikolet, imaginary trafic ang prinoblema ni koya.
ReplyDelete@BatangG, knock-out. :p
@michael, ayoko nga ng nangongontrata.
@superGulaman, Mukang parehong pasaway.
ReplyDelete@mschoy, thanks
@MD, kainis yung mga choosy.
@TRaurelius, grabe sa singil yung taxi
ReplyDelete@jepoy, ayoko din yung mainit na taxi
@kikomaxx, mahal ang taxi pero mas comfy minsan
@glentot, nyahaha. yari kapag holdaps na.
ReplyDeleteMaraming taxi drivers ang manlilinlang nakakbuwisit halatang bitter hahaha...meri xmas!
ReplyDeleteNAKO.
ReplyDeleteMedyo galante ako sa taxi drivers kapag mababait sila eh. So far parang wala pa naman akong na-experience na extreme na negative. Yung iba kong friends madami! To the point na nagsisigawan na talaga sila nung taxi driver. Wahahaha.
pag inisnab ka ng taxi driver, ireport mo.. tapos isnabin mo rin!.. para quits!.. :P
ReplyDelete@jag, merry christmas din. :D
ReplyDelete@robbie, wow. ako minsan lang galoante sa taxi.
@mapanuri, isnaban ang labanan,
Pasahero: (Onboard) Manong, ang racing car ba may metro?
ReplyDeleteDriver: Ewan, bosing, bakit mo natanong yan?
Pasahero: Baka kasi ang metro mo galing saracing car ambilis tumakbo.
Driver: Hahaha, palabiro naman kayo po ser, trafic pa po di pa tayo gumagalaw!
Pasahero: Acheche!