Akala ko makakaiwas ako. Akala ko makekeri ko ang sarili ko. Binulag koo ang sarili ko na ayos ang lahat. Well, i lied. Nagsinungaling ako sa sarili ko. Niloko ko lang ang aking isipan. Sinasabi ng bibig at ng kamay ko na maayos ang lahat. Masaya. Pero ang totoo niyan, sa puso ko at ang emosyon ko ay may sakit pala. Tinamaan ako ng december depression.
Para sa mga madlang pipol na napapadalaw dito sa aking tahanan, pasensya na kung mag-eemo ako for today at marahil magbuhos lang ako ng sama ng loob ko. Kung Good mood kayo, maari pong i-close ang window na ito.
Heto na. Sisimulan ko na ang kahit na anong maisip ng aking brain.
Nalulungkot ako at medyo depress dahil sa madaming bagay. Una dito ay ang financial part depression. OO, nadedepress ako dahil sa financial issue. Talagang issue e no? Actually ganito kasi iyan. Down and depress na ako dahil sa isang concern tapos pagkagising ko kaninang umaga, at habang pupungas-pungas pa ako ay makakarinig ako ng pagbukas ng pinto at pagpasok sa warto ng aking mudra. And then nadinig ko ang mga salitang... 'May pasok ka ba? Kasi mag-out ka nga ng 5k dahil pampintura ng bahay sa pangasinan'. Nawindang nanaman ang kabulsahan ng aking isipan. Gastos nanaman. Kaaabot ko lang ng 3k nung first week ng december tapos 5k naman ngayon. Anu bang akala nila sa akin?, lawyer at bingo winner. Kung para sa ibang pips ay maliit ang 5k, sa akin ay malaki na iyon. Anong maiipon ko para sa aking future kung every-cut-off ay babanatan ako ng pangingikil ng pera. Umaray nanaman ang green pitaka ko dahil alam niyang iluluwa nia ang atm ko at kailangang maglabas ng cash. ahuhuhu. May exchange gift pa akong bibilhin at broadband na babayaran tapos mag-aantay pa ako ng 2 weeks for the next weldo. It hurts. Napabalik ako kanina sa kama habang nakatalukbong at napaluha ng mga 3-5 teardrops.
Rewind. Aside sa nasa itaas, merong nagpa-build up ng depression mood ko.Eto ay ang christmas party. Nagtataka kayo marahil kung bakit christmas party ang isa sa nagdulot ng depression. Ito ay dahil hindi ako makakasama sa party. May shift ako sa araw kung saan almost 95% ng employees sa aming company ang magpaparty-party at mag memerry-merry. Tanggap ko naman na sarili ko ang nagdecide na ang aking restdays ay mondays at tuesdays so therefore ang christmas at including christmas party sa opis ay di ako makaka-attend. Pero kasi nakakasad na habang ang iba ay nagsasaya at nasa MOA at naka-buffet at possible uulan ng booze e ako naman ay nasa opisina, nasa harap ng monitor at nag-aantay ng tawag ng mga amerikano or australianong hihingi ng assistance tungkol sa kanilang AV. Marahil sad lang ako dahil parang na-left behind ako ng major-major dahil di ako nakasama sa once a year celebration. Tough world!
Yung isa pang reason ng depression ko....... Sikret na muna. May nakita akong contest at i-didivert ko nalang muna ang sarili ko para mawala tong pagka-emo ko.
Yung isa pang reason ng depression ko....... Sikret na muna. May nakita akong contest at i-didivert ko nalang muna ang sarili ko para mawala tong pagka-emo ko.
khanto, dinulong ng Diyos and depression mo.. tinapay lang ang hiningi mo, binigyan ka ng burger at may kasamang fries pa.. hehe.. cheer up!
ReplyDelete