Sunday, December 5, 2010

Second Time!

Triny kong subukan ikwento ang naganap last week ng ako ay bumalik sa Laiya Batangas upang suamli sa outing ng previous team ko dito sa opisina. Nakakakalahati na ako ng sinusulat pero walang masyadong sense at spunk dahil medyo so-so lang at di naman ganong great ang nangyari. It's just OK. So para makatipid ng space at para di na mapagod ang sino mang makakabasa ng entry na ito ay through bullet forms na lang ang aking ilalahad.

Place: Sigayan Bay Resort- katabing-katabi ng Punto Miguel

1. Departure time ay medyo late-9am. Umpisa na ng init ng kalsada at traffic sa byahe.
2. Strangers on board- Ipinuwesto ako sa harapan ng sasakyan katabi ang newbie ng old team. Since mahiyain ako, isa akong patay na bata na nakaupo sa harap........... Ultimate silence.
3. Di pa nakabili ng alak/nomnom- 3x nag-stop over para tumingin ng pang-laklak.
4. Mahaba at matagal na byahe- Di namin kabisado ang way.
5. Lunch before arrival- Huminto kami sa Andoks para mag lunch.
6. Late Arrival- almost 4 na ng nakadating kami.
7. Ang room ay may air-con- Anlamig :D
8. May sariling cr sa loob ng room- common bathroom (For gents and For Ladies) kasi dun sa punto
9.. Food- Adobo, Inihaw na baboy, Inihaw na tilaps, itlog na maalat at kamatis at fruit salad.
10. Drinks- Softdrinks(coke at sprite) at always open-the bar.
11. Plastic plates and spoon and fork- Sa punto kasi libre pahiram ng babasaging plato at mga baso at kutsara't tinidor.
12. Techies ang mga pips- Instead of actual bonding, like games and cards, mas feel nila ang PSP.
13. Parang konti lang ang umiinom. May time na antagal umikot ng shots.
14. Walang games- a little lame.
15. Umuulan- Di ma-feel ang beach kasi pumapatak ang ulan.
16. Walang buwan- Medyo dark ang environment dahil walang ilaw from the moon.
17. New stories and Old stories- mga kwentong nadinig ko na before at mga new things about the party pips. :D
18. Humihilik daw ako! - Shaks! Di ako aware. hehehe
19. Breakfast- hotdogs, eggs, bread, fried rice.
20. Low tide
21. Poor Snorkeling equips- Kaasar yung napuntang snorkel item sa akin, ambilis pasukan ng tubig. Di ako makatagal ng 5 secs sa tubig. :(
22. Underwater cam- Sosyal, may underwater cam yung 2 sa kasama namin. May pics sa tubig.
23. Kasama sa budget na binayad ang pag-snorkel(nakatipid).
24. 12nn ng umalis sa Batangas.
25. Nag-lunch sa Hapchan. (pics ng food below)
26. Tulog sa byahe. 
27. 4 or 5pm(back to opis).
 
After nun, di muna ako umuwi kasi alam kong walang tao sa haus namin kaya nagpalipas ako ng oras sa opisina.
May emo realization ako after ng outing pero sasarilinin ko na lamang para di makaapekto sa mood. :D

end.

PS. Pics ay nakuha sa facebook account nung may camera sa amin :D

10 comments:

  1. mas ok talaga mag beach pag summer. I have a theory na pag malapit na ang december, may depression blues ang mga tao. "something like that." Parang masarap ang mga pagkain sa hap chan. hmm.. makakain nga doon.

    ReplyDelete
  2. Tama si Rah. May kaemohan ang madalng people kapag magpapasko. Ewan ko ba kung bakit? Ngayon ko lang din kasi nafeel masad eh magpapasko naman. Haha. Di naman halatang nitamad kang magkwento. Sad ka nga kasi siguro kaya di ka sobrang nagenjoy. Amp.

    ReplyDelete
  3. yun oh.. mukhang enjoy to the max ha.. lalo na yung foodtrip.. namiss ko na ang hapchan... :D

    ReplyDelete
  4. ano ang emo realization mo?? nakaka curious lang huh.. !!

    ReplyDelete
  5. khanto share mo naman ang emo realization mo..

    ReplyDelete
  6. like number 14!.. haha and above all number 18! hehe :P

    ang sarap ng hapchan.. pero sa susunod mag Binondo tayo para cheaper.. :)

    ReplyDelete
  7. Naks December nag-beach hehe iba pa rin ang summer pero OK pa rin yan at least nagkainuman haha

    ReplyDelete
  8. @rah, tama ka, mukang every dec. may depression syndrome ang ibang pips. :D

    @yow, medyo sad lang kaya slight enjoy. :p

    @axl, slight enjoy lang sir. :p

    ReplyDelete
  9. @kazumi, nacurious ka ba? hihihih. next time, baka makwento ko.

    @whattaqueso, next time. :p

    @mapanuri, sige, binondo next time.

    ReplyDelete
  10. @glentot, yep, atlist may inuman part. :D

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???