Friday, December 3, 2010

My Friday!

Hindi ko talaga restday kapag friday pero nakipagswap kasi ang isa sa ka-opis ko ng restday kaya pumasok ako last tuesday at rd ko ngayong araw. 

Ngayong araw, sinimulan ko na magpalevel ulit sa larong dragonica. Kahit paano ay di na ako gaanong nadededs sa sobrang lag. Nalaman ko na hindi sa game ang lag kundi sa Sun Broadband ko. Grabe... Dumadami na ata subscriber ng broadband ng sun. Hays. Bago ako matulog kaninang madaling araw ay nagawa kong maging level 30 yung new character ko.

After makatulog ng ilang oras, gumising ako para magfacebookat tingnan ang mga recent happenings at new videos na napopost. After checking my FB ay diretso naman ako sa next task, mag check ng blog. Medyo sad ako ng konti kasi wala pang mga new post ang mga kinasasabikan at inaabangan kong mga blogs. Habang nasa blog world din ako, nagpa-smile ako sa dami ng views ko for the last 2 days. Ito ay dulot ng trend ng cartoons sa facebook at biglang tumaas ang pageview sa aking place. 

After ng ilang oras ng pagsurf sa net, nagprepare na ako para lumaboy. Shempre, minsan lang naman na ako maka-lamyerda kaya go na ako sa aking suking malls. Medyo traffic ng konti kasi friday. Di muna ako dumeretso sa usual malls na madalas kong puntahan. Instead, gora muna ako sa greenhills. Bakit ako napadpad doon? Kasi may hinuhunt akong isang laruan na makakakumpleto sa collection ko. Ubos na kasi yung design na iyon sa Megamall at Robinsons e. So pagka-fly ko sa greenhills, akyat ako kaagad sa toy kingdom. Shoot! Hooray! May naka-display silang toy na hinahanap ko. Buti na lang at willing silang ibenta iyon. So grinab ko na ang opportunity at binili iyon. 

Nanlaki ang aking ina-eyebug na eyes sa aking nakita, may new set ng one piece silang binebenta. So ang ginawa ko ay binili ko yung mga design na trip ko at wala pa sa aking collection. Medyo na-sad ako kasi may iba pang characters ang missing sa store sa greenhills kaya ride ako ng bus at back to galeria ako para i-check kung meron sa Toys r us. Shet, konting stock na lamang ang nasa gale kaya di na ako nag-atubili at walkathon ako papuntang megamall. Mangalay man ang paa ay sige lang. Nakadating ako sa Toy Kingdom ng mega subalit kulang pa din sila ng characters. Binili ko yung wala pa ako at lipat nanaman ako. Walk mode ulit at dinala ko ang sarili sa department store ng SM. Nag-pray ako na sana meron sila nung natitirang characters na hinahanap ko. Sinagot ang aking dasal at nabili ko ang mga last characters na hinahangad ko.

After ng intensive hunt para sa laruan ko ay naghagilap naman ako ng pang-kris kringle. Something Naughty ang item. Nahalughog ko na ang megamall pero wala akong makitang naughty. Puro mani at nuts lang ang napapansin ng mata ko pero hindi naman sumthing nutty ang kailangan. Isip mode ako at naghanap ng maipangreregalo. Walang tindahan ng mga sex rings at realistic vagina kaya hanap ako ng iba. Wala ding nagbebenta ng porn sa mall kaya slash din yun sa aking idea. Alam kong hindi sumthing Sex ang kailangan pero yun lang ang naiisip kong naughty e. hays.

Wala sumuko ako sa megamall at walk back to Robinsons ang drama ko. Pagdating sa Gale, dumiretso ako sa Best Seller bookstore upang bilhin ang bagong libro ni Bob Ong. Napalundag ako dahil nakabili din ako ng sarili kong kopya ng book. After nun ay nagpachillax mode ako sa kapehan at nagsimulang magbasa ng konti ng libro. 


After magkapagpa-alis ng pagod sa paglalakad, nag final hunt ako ng pangregalo. Buti at nakahanap ako. Sakto lang at mga 8pm ay nakasakay ako ng bus pauwi.

Pagka-uwi ay nakapanood pa ako ng finale ng Survivor at bago matapos ang friday ko, nakapag-ayos pa ako ng aking laruan at mai-blog ang mga pangyayari. :D

Since 4pm pa ang pasok ko bukas, heto at nanonood muna ako ng tv at tinapalan ng salonpas ang aking binti. :D

TC guys! Enjoy your weekend!!!!

Ps. Yung pic ng book ay galing sa facebook fan page ni bob ong :D

6 comments:

So.......Ansabeh???