Sunday, December 5, 2010

The Textmate



Nagsimula ang lahat sa isang mensahe. 'Ang mahiwagang mensahe!(doraemon voice). Sa pagka-rare na may nagtext sa akin sa kasagsagan ng gabi ay napatingin ako sa aking cellphone. Ang aking phone na laging globe advisory lang ang narereceive ay nakatanggap ng message mula sa isang cellnumber. Wala na akong pakialam kung sun, kung smart or globe user ang nagtext. Binuksan ko ang mensahe at binasa.

'Hi! I saw your number and i want to be your friend!'

What the fudge?!! Saang lupalop naman napaskil ang aking phone number. May kaaway ba ako na sinend kung kani-kanino ang number ko? May nantritrip ata sa akin ah. Tanging officemates lang ang nakakaalam ng number ko, ano ito, joke?!! So i reply back.

'Excuse me. Where did you get my number? Do i know you personally? If this is just a prank, let me inform you to quit it and i don't have time for you.'

Huwaw. Napa-engrish ako at ang nose ko ay dinudugo sa kaiisip ng words para mag-back-off kung sino mang hinayupak yun. I thought it would stop. But then again, another message broke the silence.

'This is not a prank. And no i don't know you personally but i would like to know you someday. Btw, my name is Lyra. Hope i am not disturbing you.'

Gamit ang free text mula sa 40 pesos na niload ko ay nagawa ko pang magreply sa kanya though i know na baka kung anung kagaguhan lang iyon. 

'Hi Lyra, if that's really your real name. I'm Bob (pretender). So, where did you get my number again?'

Aba, pretensyoso mode lang ako. Since may 17 free text pa ako (aside sa 40 load), makikipag-sabayan ako sa trip! Isang text nanaman.

'Sorry if i disturbed you but honestly, i just tweaked the last 2 digits of my number. Luckily, you replied to my message. I know it's totally insane but i guess i'm just too lonely so without thinking, i sent that message.'

Dahil bored din naman ako at walang magawa sa oras ko ay sinabayan ko na lamang ang palitan namin ng mensahe. Nagkakwentuhan ng kung anong random stuff. Though part of my messages ay half lies, it doesnt matter. Kahit paano ay nawawala ang boredom ko. 

Ang isang gabi ng kwentuhan  at pakikipag text ay nauwi sa ilan pang mga gabi ng pagkwekwentuhan ng kung ano lang at kahit ano lamang. Wierdo no? Di ko inakalang makakahanap ako ng makakagaangan ng loob, lalo na ay ito ay thru text.

Matapos ng ilang gabing pagpapanggap na ako ay nagngangalang Bob, naisipan ko na ding magsabi ng katotohanan. Matapos kong makareceive ng mensahe mula sa kanya, i grabbed the opportunity to speak up.

'Yo! It's funny that i am now having a great conversation through text with somebody that i haven't meet. But i thinkand feel that you should know the truth. My name is not Bob. I used a random name just to go with the flow of having a talk with a total stranger. But i guess, it's time to tell you my real name. '

Di ko alam kung magagalit ba sya sa akin o ewan. Nag-antay ako ng kasagautan pero sa mga sumunod na minuto ay tila pipi ang aking phone at wala akong natanggap na kahit na anung paramdam mula sa kanya. Buti na lamang at nainiwala ako na panahon ngayon ng suddenly, kaya suddenly.........

'I already know that you are not Bob. It's not a common name here in our country so i already have a hint that you are not honest during our first text exchange. But after the numerous chats and talks through text, i believe that you are the real you. You don't need to tell me your name. I'm fine with your alias as Bob. Maybe if we meet someday, that will be the time that you can tell me your real name'.

Natuwa ako sa naging takbo ng kaganapan. Tuloy pa din ang palitan ng mga kwentong kutchero at kwentong  ano-ano. Lumipas ang ilan pang mga araw at tila naging bisyo na namin ang magbigay ng quotes sa bawat isa. Everyday ay may mga inspiring quotes o kaya naman ay jokes akong natatanggap at pinapadala. It feels like i am having a great life with the great friend whom i know since birth. 

Nagtagal pa ang ganung sitwasyon at lumipas ang ilang buwan. Sa di inaasahang pagkakataon, bigla ka na lamang nagsend ng isang mensahe na di ko inaasahan.

'Hi Bob. I know we are like super close friends whenever we talk with each other sa text. But eventually, i think it should end. I know i'm like a total bitch for saying this stupid text message but i now have a guy who is willing to give me all stories that we shared. I am with someone who is physically there for me and not just somebody from an unknown place. You can just erase my number and move on. Today, i am saying my 'arrividerci'. Ciao!'

Ouch. It hurts. Alam ko naman na wala akong karapatang masaktan dahil half truth at half lies minsan ang nababanggit ko. Isa pang dahilan ay nung una naman ay nakikidala lang ako sa alon ng pagpapanggap sa pag-iisip na isa iyong prank at joke. Pero hindi ko pala kaya ang ganitong sitwasyon. Yung simpleng pagpapalitan lamang ng kung anong shit at quotes ay ang bumuo na ng kalahati ng aking pagkatao. Isana siyang parte ng everyday life ko tapos biglang maglalaho.

Oras ang inabot ko para magkaroon ng lakas ng loob na magreply sa kung anong sinabi niya. Hinanap ko ang mga diksyonaryo at possible quotable quotes na magagamit ko para lamang malaman kung bakit ganun-ganun na lamang ako naiwan sa ere. 

'Saying Adios all of a sudden is really unacceptible. What happened to the Lyra that is constantly sending me quotes and text messages. Are you really that girl who usually made me smile because of random stuff? Is it really your game to make someone foolishly fell for a trap? I guess the day that i will tell you the whole truth won't ever happen. So for the unknown person that was a part of my life in the past months; you will be a scar in my heart. All i can do is say 'Cest la Vie!'.

Para akong nasa isang isolated na isla kung saan anlakas ng ulan at walang kweba o bahay na mapagtatakuan. Basag. Sa isang pagkakamaling pumatos sa pakikipagtextmate, and dala nito ay bigat ng damdamin at sama ng loob. 

Tulala at laging iniisip ang nakalipas. Hindi maka-move-on at tila nawalan ng gana sa buhay. Naging tahimik at walang kibo sa mga kung anung bagay. Natuto akong maging pabaya. Bawat gabi ay hinahanap ko ang pait ng kabayo o kaya ang pagdamay ng santong si miguel. 

Isang araw, habang naglalakad sa isang daanang matao, biglang tumunog ang aking cellphone. Tulala padin pero kailangang tingnan. Binuksan ko ang phone at isang pamilyar na numero ang sumambulat. Di ko alam ang gagawin. Di mapakali. Ang ulan na bumubuhos sa loob ng dibdib ay tila huminto. Habang patuloy sa paglalakad at pagsipat sa mensahe, isang nakabibinging busina ang nadinig. Isang liwanag ang nakita ng mata.

Umiikot ang mundo. May kirot na nadarama pero bale-wala iyon. Tiningnan ang hawak na phone. Binasa ito.

'Hi! I saw your number and i want to be your friend!'.

Matapos basahin ang mensahe ay huminto na ang mundo.....
Fiction story.

2 comments:

  1. Base sana ako! hihihi

    well sa totoo dati adik din ako sa mga text mates pero dahil sa nakaksawa ang ganung klaseng gawain e tinigil ko na..

    kaya kung minsan may nagsasabing gusto nilang makipagtext mate e isa lang ang nirereply ko..

    ayoko bakla ka! dont text me anymore ok? taray! hehe joke lang...

    sa totoo una kong binsa yung ending kasi alam kong may something sa post mo hahaha tama isang fiction story lang pala hehehe nice nice

    ReplyDelete
  2. uhmmm fiction ba talga ito? hehehe.. parang totoo. madami kasing ganyang lovestory nabubuo ngayon. hnd nmn ako against sa ganyan ang mahalaga nageenjoy ang isat isa at nagsasaya. -kikilabotz

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???