Friday, December 31, 2010

Christmas at ang Restday

Bago matapos ang 2010 ay nais ko lang i-share ang happenings sa akin last christmas at nung nag-restday ako. Alam kong late na dahil 31 na today pero medyo na-preoccupied lang ng kadramahan sa buhay at kung anong sanib ng depression.

Anyway highway, sasabihin ko na. Kaya medyo depress-depressan ako ay dahil may pasok ako ng christmas. Waheheh. I know na dapat di ako malungkot kasi choice ko naman pumasok at nagvolunteer talaga ako kasi naging sakim ako para makakuha ng holiday pay. 

Naging okay naman ang takbo ng buhay noong 24. Ayos nga kasi nabunot sa raffle ang name ko at nanalo ng mouse galing sa events commitee ng opis. Okay din ang flow ng calls kasi kokonti sila... Nakaramdam sila ng christmas spirits at umiwas ng onti sa phone. 

Since 11pm ang tapos ng shift ko, may chance pa sana akong humabol sa house para dun ubutan ng noche buena pero i decided na mag stay at kumain na lang ng food sa opis. Akala ko magiging masaya pero so-so lang ang reaction ko. Damn, walang fireworks masyado na matatanaw sa opis. Bummer talaga. Kung sabagay, di naman new year para sa fireworks.

Na-OP ako bigla kaya umuwi na ako mga 15 mins. after 12. Wird no? Oo, sinumpong ako ng topak. Bago umuwi, dumaan muna ako sa mini stop para bumili ng Mudshake vodka pero di ko feel yung cappucino flavor kaya nauwi ako sa Cruiser vodka. Ewan ko ba. Pagkauwi ng bahay ay kain lang saglit at inubos ko agad yung vodka na parang slush puppy na drink. 


Kinabukasan, parang normal na araw lang din... work.... uwi sa bahay....
___________________________________________________________________________

Monday, Dec. 27, eto ang petsa kung saan imimit ko ang HS friends ko. Actually, common gathering lang sana ang magaganap pero nag-iba ang plans. Ipapakilala daw kami ng aming friend sa kanyang boyfriend. So nagkaroon ng plan to meet-up sa may cubao for dinner.

Mga around 6pm ay nagkitakita na kami sa gateway mall. Then napagdecidan na kung saan kami kakain, and we ended sa Dencio's sa may Araneta coliseum. Medyo mabagal ang service dito... Kahit di naman jampak sa tao... (mababa grade nila sa akin, mga 5/10). Set meal na ang inorder namin para solb. Oks naman ang lasa ng mga food. Ang larawan ay nasa ibaba. Sadyang mabagal lang talaga ang service (kailangang ulitin.. hehehe).
Crispy Sisig

Nilasing na hipon with Aligue
 Kangkong with Bagoong

Sinigang

Chicken something (nakalimutan ko name)

habang kumakain, syempre kwento-kwento about sa kung-ano-ano. Catching up and reminising(wrong spelling, i know). Before kami umalis ay binigyan pala ao ng regalo mula sa lovers. Binigyan ako ng Love vitamins (capsuke na may mini face towel). Love vitamin ang nakatoka sa akin kasi wala pa daw akong nahahanap na mamahalin. Tsk tsk.



After mabusog ay starbucks naman. Haktwali, kaya sa SB kami tumambay dahil may pasok na yung boyfriend ng friend namin kaya naiwan muna kami sa sb para mag-anatay kasi ihahatid pa sa pasay yung bf. Before parting ways, syempre kailangan may photo-ops.

Ako, si Rejoice at ang mag-boyfriend na Jeremiah at Rodel (Left to right)

Kung nakita nio yung last post ko about sa evolution ko, makikita nio yung larawan nila rejoice at rodel na katulad ko ay payatot pa. Sa larawan sa itaas, tanging ang BF lang ni Rodel ang payat.. tsk. tsk.. Kami na ang chubby group. :p

After ng 1 and half hour na pag-aantay, diretso naman kami sa house ng isa pa naming HS friend para ipuslit ang kotse ng family nia. Ayaw kasi ipa-drive sa kanya dahil wala pang praktis kaya to the rescue kami. Kunwari ay pro na sa stick shift o manual car sina rj at rodel kaya nagawang makatakas at magamit ang car.

Magdamag na nagpractice magdrive ang isa pa naming friend. Aside doon, nanood kami ng zombie film na 28 weeks later kung saan ang mga zombies ay mabilis tumakbo at mabilis maka-infect ng tao. Nag-mcdo din kami ng madaling araw dahil sa gutom.

madaling araw na ako nakauwi at tuesday naman ng manood ako ng metanoia.

End.

Scheduled post lang to( 12/31/2010- 2:43am)

2 comments:

  1. Feel ko din ang frustration mo sa chubby group. Sila na ang payat.. :D

    ReplyDelete
  2. Merry Christmas and Happy New Year friend! Mwah! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???