Tuesday, December 28, 2010

Khanto Review: RPG Metanoia

Tinatamaan na ako ng kasipagan kaya kahit wala pang 24 hours ang last post ko ay heto na ako at magwewento na. Kung ang last post ko bago mag hiatus ng ilang araw ay tungkol sa mga pelikulang kasama sa MMFF, ngayon naman ay time para mag review ng isa sa pelikula. Nahirapan ako between Tangina este Tanging Ina or RPG pero ang pusong gamer ko ang nagsabing mag-go ako sa animation film so heto ako at magbibigay ng review-reviewhan about sa film.

RPG is RPG
Rocks!!!
Panalo!!!
Ganda!!!

Elibs ako kasi gawang pinoy ang film na ito. Mag maganda sa mga previous animation film na pinakita sa pinas na gawang pinoy. Okay sa olright ang kwento at bagy ang mga cast.

Heto ang summary ng kwento: Isang bata-batutang madaming muta ang adiktus sa onlime game na Metanoia. Sa pagiging adiktus sa game ay wala naman siyang experience na nakukuha sa real life. Then na-meet niya ang isang girl na binigyan siya ng sexperienceexperience na maging tunay na bata na nakakapaglaro outside the online world. But then, syempre, dapat may part na nasa panganib ang bida. So eenter naman ang isang virus na itatago ko eklatus virus na ang ginagawa ay malulong ang mga players sa game. Parang na-hypno ang kanilang brains at tulala sa computer screen. So syempre, kailangan ng mga heroes at to the rescue na ang berks ng bida. the end!

Heto ang mga mukha ng mga atistang nagbigay ng buhay sa mga animated characters.


May isang character na walang picture. Yung character pa naman na iyon ay naging part ng fight squad na kumalaban sa villain. Ang may power na bato-bato-pik. Mukang si Igi boy ng yun kung ang pagbabasehan ay ang sa pic sa facebook.


Btw, ang mga larawan ng mga characters na nag-dub sa movie ay kinuha ko sa facebook page ng metanoia. Pede niong i-search sa fb.

Para sa palabas na ito, bibigyan ko ng 9 khanto points (wow, may ganun ng epek sa review). Nagustohan ko kasi yung part na nagbigay info na ang mga chikiting patrol ay dapat matuto ng ibang games kahit na medyo old school. They should get a life and gain experience outside the game. Kaya din mataas ang score ay dahil sa ganda ng powers nung magician type character sa game. Nerf side lang ay kulang ng poster pic para dun sa isang character. Na-sad lang ako kasi good role din yun tapos walang poster.

For the creator of RPG, kudos!

Next stop na movie at ang Tanging Ina. Di ko alam kung sa movie house ko pa to papanoorin or mag-aantay lang ng downloads. :p

21 comments:

  1. mukhang interesting to ah. mapanood nga. btw, ano ibigsabihin ng metanoia? parang annoying na hindi ko alam. hehe

    ReplyDelete
  2. @rah, di ko din alam sir eh. heheh. salamat sa dalaw. dodownload ko yung book na pinost mo. :D

    ReplyDelete
  3. Just by reading your post nakikita ko na may magandang aral itong movie na to...

    ReplyDelete
  4. grabe sana mapanood ko lahat ng movies sa mmff...
    batay sa iyong post, mukhang sobrang ganda nga nito... buti naman tinatangkilik toh kasi parang ung last na animated film, parang d masyado nabigyan ng pansin... congrats sa gumawa nito! and sana tangkilikin pa ng mga Pinoy ang gawa natin... oo, director ka rin dba haha

    ReplyDelete
  5. this is the 4th RPG review ive read.. at gustung-gusto ko na syang panuorin.. waaaaaaaaaaaa

    nainggit ako.. gusto ko rin gumamit ng ganyang adjectives about RPG kapag nagwento ko sa mga kakilala ko. wahahaha adik alng.. chureeee

    ReplyDelete
  6. need to watch that.. happy new year!

    ReplyDelete
  7. proudly Pinoy! mga ganyang pelikula ang dapat suportahan! since napabilib ka, malamang matulala ako sa ganda nyan! =)

    ReplyDelete
  8. Metanoia -- a profound ontological inner experience that morphs a person into a state of tranquil bliss.

    ReplyDelete
  9. @glentot, yep, may lesson ang movie.

    @traveliztera, tama, sana tangkilikin ang gawang noypi. :D

    @yanah, oo nga e, mabenta ang rpg.

    ReplyDelete
  10. @kaetondrunk, yep, i recommend it. :D

    @Chyng, tama! proudly pinoy nga.

    @anonymous, wow, nadefine mo ang metanoia. :D

    ReplyDelete
  11. Makakapanuod na rin bukas khanto!.. RPG Metanoia tsaka Dalaw.. pero let's see kung kaya lahat.. sana may magbigay ng libreng passes.. haha :)

    ReplyDelete
  12. Parang ang pambato lang nito ay ito ang kauna-unahang ... ano ba? 3D film dito sa atin, hindi ako naeexcite dun sa plot niya.. Oh, well..

    Dun nga pala sa nagtatanong:
    Rah - ang ibig sabihin ng metanoia, parang transformation, o conversion, parang ganun.. :D

    ReplyDelete
  13. nakakaengganyo panoorin. i'll try this one :)

    ReplyDelete
  14. wow dahil sa saludo ka dyan... panonoorin ko na talaga yan... wahehehe

    ReplyDelete
  15. I loved this movie. I liked the fact that it made me miss my childhood days na naglalaro sa kalye. Something the kids from this generation don't get to experience.

    ReplyDelete
  16. Naaawa lang ako sa mga pinoy na idi-dismiss agad na pangit ang pelikulang ito at hindi papanuorin.

    ReplyDelete
  17. @mapanuri- alam ko dalaw ang papanoorin mo.

    @michael, ok tong muvie

    @krn, try mo :D

    ReplyDelete
  18. @kikomaxx, go watch it.

    @robbie, gusto ko din yung old games.

    @anonymous, true.

    ReplyDelete
  19. Good evening/morning everyone,

    I feel compelled to write a little invitation to everyone in the country to watch this first Filipino full length 3D CGI animated film. It is part of the usual metro manila film fest held every year that I usually ignore because of all the mediocre movies that we get fed by producers here. RPG Metanoia is a wonderful exception. Not just because it was cool to see the Philippine local setting in CGI, but because the movie's story brought together the elements of entertainment, culture and Filipino values that left my kids smiling from ear to ear and the rest of us adults teary eyed; proud that a country like ours, can bring to life such a simple story of a kid who plays RPG games and build characters with depth and relevance to what a real Pinoy family encounters in the real world. This film should give everyone hope that we Filipinos can excel by telling OUR STORY to the world in our OWN WAY. "As Pinoys sana suportahan natin at panoorin." To the producers, director and the rest of the people who spent the past 5 years putting this together, thank you for giving my family so much pride & hope thru this film - Ilaban nyo ito sa Oscars. If India had Slumdog Millionaire, the Philippines has RPG Metanoia. It's world class story telling!

    ReplyDelete
  20. nasan si DANIEL??yun pa naman gusto ko..sino nag voice??wala nuh???

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???