Saturday, December 11, 2010

Eveready Moments


'110 years! 110 years na ang eveready!'

Di ko inakalang ganun na pala katagal ang eveready! Aba! Akalain mong kinabog pa nito ang mga gigantic networks ng pinas na abs-cbn at gma. Huwaaaaat?!!! Di ko lubos maisip na nagdaan sa samu't-saring years ang pambansang baterya ng pinas. Grabe lang. Grabe lang talaga.

Ang itim na pusang tumatalon sa loob ng butas ng numero nuwebe ay naging parte na ng aking life. Check! Korekted by! Tumpak! Ito ang trusted thing ko sa aking life kahit nung nasa kiddie days pa lang ako. Sino bang bata ang hindi makakakilala sa bateryang pangmatagalan. Sa mga de-bateryang laruan; kotse o helikapter man, ito ang maaasahan.

Habang nagpapatuloy sa pag-aaral, kasama ko padin itong black cat na nag-jump sa nine. Ito ang kasama at kapartner ng mga pa-techie stuff katulad ng walkman. Aba. Di ka makakadinig ng musika na nagmumula sa mga radio stations kung is-japeyk ang baterya mo. At dahil dyan.... mas lalong naging close kami ni eveready!

Kahit hanggang ngayon, ang eveready ang aking inaasahan. Hindi ko pinauubaya sa pipitsuging baterya ang mga orasan sa bahay. Alam ko na time is gold kaya tanging sa eveready lang kami umaasa. Nakatitiyak kami na long lasting at hindi pang 24 hours ang buhay ng bateryang ito. 

Ngayon nasa 110 na ang eveready, alam kong eto pa lamang ang umpisa. Alam kong hindi lang ako ang makakasama nia. Dahil malakas ang kutob ko na kahit ang mga apo or apo sa tuhod ko ay mangangailangan ng tulong nia. Kaya sa eveready.... kinabog mo pa ang gatas ko dahil you're my number 1 :p

4 comments:

  1. astig. naalala ko yan kinocommercial pa yan sa tv nun. ngayon hindi na kelangan. everyone, everyday, ever ready gamit na.

    ReplyDelete
  2. hahaha ang tanda na nila ano.. naaalala ko pa nun eh everyday pagbasa ko nung bata pa ako nito.. wahehehe...

    ReplyDelete
  3. woah 110 years? katagal na pala ng eveready. na akala ko rin noon e everyday ang basa haha

    ReplyDelete
  4. 110 nauna lang kaunti ang kalayaan...

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???