Thursday, December 23, 2010

Khantoroscope


Hello, Hello mga pips. Heto nanaman ako at magpopost nanaman ng kahit na anong pumasok sa isip ko. Pagpasensyahan nio na, sinusulit ko lang ang idle time for this december dahil baka wala akong ganong time next year kapag bumalik na ako sa night shift at mahirap numenok ng oras sa pag-kwento (Mahirap mag non-work  thingy sa night shift :p). Anyway, since ilang tulog na lamang ay pasko na at ilang tumbling pa ay bagong taon na, nais ko lang gumawa ng aking horrorscope. Masyado akong naaliw kay madam Zenaida kaya nakiki-horoscope-horoscope na ako at na-inspire ako. (warning: Wag seryosohin ang mga nasasaad)

Without further ado, heto na ang kapalaran na nagmula sa mga bituin, sinuri ng tambay sa kanto, inanalyze at ininterpret. :p

1. Aries

Mag-ingat sa pagtambay sa matataong lugar. Prone ka sa mga mando o mandurukot. Ugaliing isuksok ang coin purse sa dibdib. Maging mapagmatyag, mapangahas, matanglawin. Lucky color is steel. 

2. Taurus

Swerete ka ngayon sa small time na sugal. Tiyaking makakahanap ng nagpapa-jueteng o ending sa PBA. Mas pabor sayo kung ikaw ang kubrador. Lucky color ay Tangerine.

3.  Gemini

Ugaliing mag-log-out sa facebook kung nagrerent ka sa computer shop. Pati ang ym mo na ginamit sa paghahanap ng boylet ay i-sign-out din. Lucky color- Yellow ochre.

4. Cancer

Umabsent sa araw na ito. Wag ka ng magtetext na half-day dahil may dalang kamalasan. Pagsusuotin ka ng wirdong costume para ma-attract ang mga shoppers sa mall. Ikaw ang magiging walking candy cane. Lucky color: Peppermint green

5. Leo

Ma-eexercise ka today. Mahirap makasakay pauwi kaya mapipilitang mag-alay-lakad papunta sa terminal ng jeep o kaya ay lalakarin mo na hanggang makauwi ka ng bahay. Lucky color: Azure

6. Virgo

Be prepared sa aksyon. Dapat lagi kang handa. Tandaan, proteksyon, proteksyon, proteksyon. Wag mag tipid. Never i-recycle ang condom. Lucky color: spermish white.

7. Libra

Magiging masaya ang araw na ito. Uulanin ka ng swerte. Pak. Tingin sa Atm-wohoo. Matatanggap mo na ang inaasam. Mag-ingat ka lang na malaman ng family members. Lucky color: Ninoyish yellow.

8. Scorpio

Mag-umpisa ka ng magbalot-balot! Mag-effort ka namang balutin yung mga gift na binili mo para sa iyong mga inaanak. Tiyakin din na walang tag price ang gift. Lucky color: Dyaryowish gray

9. Sagittarius

Kumanta ka ng happy birthday ng dalawang beses habang naghuhugas ng kamay. Makakaiwas ka sa sakit lalo na kung safeguard ang gagamitin. Di nakakatanggal ng germs ang whitening soap mo. Lucky color: libaging brown

10. Capricorn

Ihanda ang tissue dahil iiyak ka. Binasted ka through text. Hahabol ka pa talaga sa SMP. Hayaan mo, may options ka, mag ice tea or magbigti (joke). Lucky color: Wala... 

11. Aquarius

Matuto ka nga sa gawain bahay. Maglaba ka naman ng mga damit mo. Kaya nga naimbento ang washing machine. Naturingang aquarius pero ayaw sa tubig. Lucky color: Bagong-bilib blue.

12. Pisces

Tandaan ang bilin ng expert, magpaputok sa labas at wag sa loob. Kailangan bang ulitin? Magpaputok lang sa labas at huwag sa loob! Uulitin ko pa? Sa labas at wag sa loob! Lucky color: Kwitish white.

Sa mga guys dyan.... Another hot day for you!!!

Photo credits to: http://boomerangue.wordpress.com/2008/11/12/qual-o-seu-signo/

9 comments:

  1. Base ako!!!!
    hahaha WTF!! like ko ang virgo!! SPERMISH WHITE! panalo hahahahaaha..

    Sagittarius ako.. pano toh walang safeguard dito??! LOL

    ReplyDelete
  2. Hindi ko naabsorb ng mabuti ang horoscope mo kasi talagang nakafocus ako sa mga katawan nung mga babae! LOLOLOLOLOLOL.. Bagay na bagay iyong hula mo sa akin,, hindi ko gusto maglaba.. :D

    ReplyDelete
  3. Ang ganda nung mga painting! favorite ko yung sa scorpio, hindi lang dahil scorpio ako pero ang creative lang talaga ng pagkakagawa. Hehehe.

    ReplyDelete
  4. cancer ang zodiac ko and i really like the pekpektyur! suso-litin ko ngang mag-absent!

    ReplyDelete
  5. @poldo, kahit na anong sabon nalang :p

    @michael, alam kong mag-eenjoy mga mata nio :D

    @robbie, Astig nung scorpio, mukang alakdan talaga.

    ReplyDelete
  6. @nobenta, natawa ako sa pag-susu-lit mo ng absent. pekpektyur-pektyur. :p

    ReplyDelete
  7. Hahahahahahaha ang kulet ng horoscope mo! Pwedeng pwede! hehehehehehe... Merry christmas sa iyo Khanto! hehehehehehe

    ReplyDelete
  8. Sige, magsa-sign out na ako palagi. Hehe.

    ReplyDelete
  9. Hello. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. :) I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.

    http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc

    Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks and Merry Christmas! :)

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???