Friday, December 24, 2010

Paskolikula


Ilang oras na lamang at pasko na. So everyone ay naghahanda na para sa mga foods na ihahain sa Noche Buena. Excited na din ang lahat para makakita ng mga fireworks sa kalangitan pagsapit ng 12 midnight. Kahit ang mga tao na may work (kasama ako), ay medyo excited na sumapit ang 25. Syemperds, excited din ang mga artists kasi pag nag december 25 na, ang pelikulang kinabibilangan nila ay ipapalabas na sa mga sinehan almost nationwide. Magsisimula na ang Metro Manila Film Festival.

Ang post for today, ay ang mga pelikula na ipapalabas bukas sa Metro manila filmfest. :D


1. “Ang Tanging Ina Mo Rin, Huli na ‘To”- Ang unang pelikula ay super funny. Ang pangalawa ay so-so lang. Hopefully mas mapatawa tayo ng third installment ng pelikula ni Ai-ai. Ayon sa scoop (hindi ng scoop ng ice cream), Almost lahat ng cast from movie 1 ay nasa movie 3 except Heart. Hahagalpak kaya tayo sa Tanging Ina o mapapasigaw ng 'Futang Ina'.


2. “Agimat ni Enteng”- Idol na idol, idol ko si kap! Bossing, bossing! Nagsama sa iisang pelikula ang taong may agimat at ang taong nakapangasawa ng engkantada. Okay ka fairy ko. Makikita nanaman siguro si Ina Magenta sa film hmmmmm..... May bisa kaya ang agimat para mag-hit sa takilya?


3. “Dalaw”- May inuwi sa bahay... si nanay... si nanay... Si nanay a may dalaw... may dalaw sa bahay.... Boo! Kris Aquino ang sinasabing horror queen ay nagbabalik upang magbigay ng suspense thriller sa mga audience. Pasko pero kailangang may takutan. Duduguin este dudumugin kaya ito ng madlang pipol?


4. “Shake Rattle Roll 12″- Mother Lily strikes again. Aba, mukang tuloy pa ang pagpapatuloy ng shake rattle sa pulang tabing aka sinehan. Ang bida sa movie na ito ay si Agua Bendita, Allyna at Rosalinda. nag-improve na kaya ang effects nito o parang same padin ng effects from the previous shake rattle films?


5. “Super Inday at ang Magic Bibe”- Balot, penoy, balooooooot! Ang pelikula noon ni taray queen Maricel Soriano ay nailipat na sa new generation. Marimar turned Super Inday. Kailangang laklakin ni Marian ang itlog ng echoserang bibe na gagampanan ni John Sweet Lapuz. Ang new twist, May hero pa na kasama si Inday.


6. “Rosario”- Abe maria, napupuno ka ng grasya.. Ay mali. Namesung pala iyan ng isang perya queen. Base sa nababasa ko ay nakuha ang movie from someones life. Based daw ito sa isang adultery case. Kung ano ang takbo ng wento, di ko alam. Anyway, tila magtratravel back ka sa past pag ito ang iyong panonoorin.


7. “Father Jejemon”- Ang pelikula ni Comedy King na si Dolphy. Anu ba yun, may jejemom na tapos may jejedad este father jejemon pa. Ajejejeje. 3owzs Phowsz. Controbersyal dahil may mga groups daw na pinapa-boycott ito dahil sa mga scenes na naka-offend sa religious sectors. ajeje


8. “RPG (Metanoia)”- Ang pelikulang animated. Bida sa movie ang isang chikiting na hustler sa online games. Di ko na alam ang susunod na takbo ng wento. hayaan na lang natin na makadating sila sa isla noah este kung saan mang battle realm ang mga kids.

Ayan, may ideya na kayo sa titles ng mga movies. Pede tayong tumangkilik sa movies na gawang pinoy. For 2 weeks, kailangang magtiis ng mga US movie fanatics or para sa nagtitipids, antayin na ipalabas ito sa philippine tv premiere. :D

PS: Ang mga pics ay nakuha sa google :D

11 comments:

  1. hehehe.. ayos.. mahilig ako sa tagalog movies.. gusto ko yung rpg metanoia para maiba naman! merry xmas parekoy!

    ReplyDelete
  2. nice new look etong bahay mo ah :) Papanuorin ko siguro yung Tanging ina niyo rin. Para masaya ang pasko. Tsaka, bilib ako sa star cinema :) Maligayang pasko, kapitbahay.

    ReplyDelete
  3. Hayyy, wala man lang akong type sa mga palabas, sana Harry Potter 7 Part 2 na!! :|

    ReplyDelete
  4. RPG mukhang astigin.. "SANA"

    Di na tumigil si Mother L sa SRR na yan pambihira.. dapat nung kay UNDIN palang eh tinigil na yung movie na yan eh.. well ganun talaga.. Lakas trip ni MOther lily.. LOL

    Merry CHristmas Bossing!

    ReplyDelete
  5. @MD, nacucurious ako sa rpg.

    @Rah, Kasama din ang Tanging Ina sa list ko. :D

    @Michael, sana nga may HPpart2 na

    ReplyDelete
  6. @poldo, Nyahaha, di tumigil si Mother lily :p

    ReplyDelete
  7. not a fan, and I hate the crowd. bili nalang ako dibidi.. hehe

    ReplyDelete
  8. gusto ko mapanood yung kay bossing. gusto kong makita kung okay ang kalalabasan ng agimat sa pagsasama nila nila kap.

    ReplyDelete
  9. Hehe gaganda ng palabas na yan ^_^ hehe Merry Christmas po

    ReplyDelete
  10. matatawa ako sa makakanuod ng TANGING INA at mapapasigaw ng F**ANG INA sa kakatawa.. hahaha :P

    ReplyDelete
  11. gusto kong mapanuod ung rosario saka metanoia.. gano katagal ba ang itatakbo ng mmff movies sa mga sinehan? gusto ko sa manila magwatch eh hahahaha next week pa ang baba ko..

    ay! pa-update po pala ng link ko sa blogroll mo. thanks..

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???