Bukas..... Bukas na magsisimula ang mga putukan sa mga bahay-bahay. Umpisa na ng mga plok-plok-plok at mga boom-boom-boom sa bawat lugar dito sa ating country. Sa mga kabahayan maririnig ang mga silent and loud explosions. Umpisa na ng mga putukan!!
Since magcocountdown na para sa pagpalit ng taon, ang entry for today ay about sa mga paputok. Syempre sikat sa panahong ito ang different things para magdulot ng ingay sa pagsalubong sa 2011. This year, though di ako makakapagpaputok dahil may work ako, nais ko lang magbalik tanaw sa ilan sa mga paputok na nasindihan ko na at na-try without losing any parts of my body. Kwentong putukan lang.
1. 3-star- Bulilit, bulilit... sanay sa masikip... Kung kumilos, ang liit-liit. Heto ang baby ng 5-star. Triangulo ang hugis at di lalaki sa 1 inch ang sukat. Depende sa dami ng pulbura ang lakas ng baby paputok na ito. Noong nasa grade school ako ay ito ang usong paputok kasi sa halagang 20 petot, may 100 pcs ka na na nakabalot sa isang puto paper bag.
2. 5-Star- Ayan na... Nagdalaga na si Maximo Olivero este nagbinata na ang baby 3-star. From 1 inch ay nag double size na ito. Ang paputok na ito ay kadalasan nakabalot sa japanese paper na red at sa isang pack ay merong 10 pcs. Mas malakas ang putok nito at mas maingay. Pedeng tirintasin ang mga ito upang makabuo ng bulate na mini-mini version ng sawa o sinturon ni hudas.(usual price ay 5 petot per 10 pcs)
3. Kwitis- Lipad darna lipad! Up up and away!!! Heto naman ang paputok na lumilipad. Ang item na sumasabog sa ere. Isang cyclindrical shape na nakakabit sa patpat/ kawayan. Pagkasindi ay bubulusok sa itaas at doon sasabog. Common price nito ay 3 or 4 petot per stick kaso minsan nagiging 5 to 6 petot. Kailangang may bote ng coke para patayo ang lipad.
4. Watusi- Gusto mo ba ng sumasayaw na paputok, then, watusi ang gamitin mo. Eto ang paputok na kangkarot. Di mapakali sa isang pwesto at kayang magpalakad lakad at maghiwahiwalay sa mas maliliit napiraso at kaya ding tumalon. Kung gusto mo ng tricks, ikalog sa kamay at mag pose ng mala-mask rider black.
5. Lusis- Wingardiam Levisosa!! Aba, kung nangangarap ka naman na maging witch at wizard ay eto dapat ang ginagamit mo. Ang isang patpat na may mga glowing pulbura ang iyong magiging wand. Sa kapal ng usok na dulot nito, pede kang gumawa ng effects at pede din mag-vandal sa walls.
6. Roman Candle- Heto naman ang bossing ng mgalusis. Mas malaki at mas mahaba ang length nito kung ikukumpara sa mga lusis. Di lang glowing prowess ang makikita dahil pede kang mag-cast ng mini fireballs dahil bumubuga ito ng bolang apoy na colored. You can cast, a powerful spell as a wiz.
7. Fountain- Eto ang bagay na hindi mo pedeng hagisan ng barya at humiling ng kahit ano. Eto ang bagay na nagbibigay ng maliwanag na kulay sa kakalsadahan at minsan ang magpupuno ng usok sa lungs mo. For 30 seconds or more ay magiging bright ang lansangan.
8. Crying Cow- Heto ang pinsan ng whistle bomb. Ang super ingay na paputok dahil sa malakas na sigaw na nagagawa nito bago sumabog. Good thing about dito ay alam mo kung asan ang paputok at may chance kang maka-iwas at takpan ang tenga bago pumutok. Bad thing... deadly.
9. Picolo- Ang dakilang nemic na paputok. Joke. Ito ang usong usong lately dahil sa mala-posporong paggamit dito. Pede mong ikaskas sa rough side g kahon at ihagis kung saan. Eto ang naging pamalit sa mga 5 star noong pinagbawal ang pagbenta nito. Malakas at kahit saan ihagis ay pede.
10. Pulling- Di ko alam kung meron pang nagbebenta nito. Eto yung paputok na nasa pisi lamang. kailangang hilain mo with both hands para magpop o pumutok. Usual trick ay pedeng itali sa mga bakal or gate at saka hilain. Medyo pang-bata na paputok.
11. Trumpillo- Ang umiikot na paputok na parang chubibo. Kadalasang ginagamit sa gate ng mga kabahayan upang makita ang pag-twirl ng mga sticks at isa-isang masisindihan ang iba pang trumpillo at makakakita ka ng mga glowing circles.
11 lang na paputok ang nasa list ko dahil never ko pa na-try yung mga expensive na paputok. Hopefully by 2012 ay mag-upgrade naman ang mahawakan kong paputok at masindihan. :D
TC mga pips. Ingat sa pagpapaputok. Tandaan, sa labas magpaputok at wag sa loob. :P
LOL. Natatawa lang ako sa pangalan nung isang paputok na iligal, iyong Goodbye Philippines, talagang goodbye.. Ahihihihi.. :D
ReplyDeletehindi ako mahilig sa paputok.. takot ako jan.. kapag oras na ng putukan nasa isang gilid lang ako sa loob ng bahay habang ang lahat eh nakatanghod sa labas kakatingin ng mga kung anu-anung maiingay at makukulay na paputok. ang KJ noh? hahaha
ReplyDeletepero dis year magpapaputok ako, oo tama ang basa mo.. magpapaputok nga ako.. sa loob ng bahay namin ahihihi.. eh kase naman may ubo ako ngaun ang nasa level ung ubo ko na pumafireworks din kaya i guess pwede ko isabay sa pagpatak ng alas dose bukas nyahahahahha
happy new year!
parekoy na itanong ko sa misis ko kung magpapaputok ba ako sa new year at kung willing syang maputokan....... binatukan ba naman ako.
ReplyDelete