Tuesday, December 21, 2010

Something Christmas!


Hello! Ilang tulog nalang, pasko nanaman. napansin ko sa mga past post ko, parang wala man lang akong entry na masyadong christmas related. So heto ngayon at nais ko namang magwento na something christmas.

Umpisahan natin sa pangangaroling. Before ang dec. 16, nagsisimula na ang mga kabataan na magbahay-bahay upang humingi ng munting aguinaldo sa pamamagitan ng pagkanta at pagpapatunog ng kung anung instrumento meron sila. Kung dati rati, madaming instruments ang kabatang pinoy sa pangangaroling, ngayon ay tila acapella ang drama nila. Dati may tambol na gawa sa lata at may tamburin na gawa sa pinitpit na tansan, pero ngayon... Huwaw... Boses at pa-charm nalang ang gawa. May i knock-knock hus der mode ang namamaskong chikitings at any christmas song will do.

Next ay ang Simbang Gabi. Ang okasyon kung saan ang mga madlang pipol ay mag eearly to bed at early to rise para makadalo ng misa. For nine days, dapat makumpleto mo para matupad ang wish ko lang ng pips. Sa simbahan makikita ang mga girl, boy, bakla or tomboy na kung ano-ano ang ginagawa. May mga true catholic na talagang nakikinig sa aral ng simbahan while the others, pak, luneta mode ang style. Ginawang mall ang simbahan kung saan nag-memeet-up ang gangs or ginagawang public motmot dahil sa PDA. Well, walang masama kaso parang ayaw mag-allocate ng 1 hour para lang mag-nilay-nilay at makinig sa preachings. 

Christmas Sale ang next stop. Since bawat place na ata dito sa Metro ay may mall na tawagin nating SM or Robinsons, ang lahat ng tao ay dumog at kuyog para mag christmas shopping. Kaliwa't kanan, meaning left and right, masi-sight ng mata mo ang mga numerong 10, 20, 30, 40, 50 or up to 70 % discount. Ang mga pips ay napapakapa sa kabulsahan at kapitakahan para makamili ng mga bagay na ibibigay sa mga friendships at loveones. 

Christmas Party! Yan ang last na thingy. Party in the club! Party diba at partey doon. Ang mga tao ay nag-eenjoy sa mga games at mga gimiks. Ang mga nomnomers ay nagsasaya dahil bumubuhos ang mga alak na pumapatay sa mga tebulats ng ibang pips. Syempre, healthy at ligtas ang livers sa mga drinks and booze. Kabog pa ng smoke-machine at tambucho sa dami ng usok na malalanghap mula sa yosi ng mga pips. Wohooo! Kahit ang usok mula sa paputok ay walang dating.

Kahit na anu pa ang mga thingy at something christmas, pakatandaan lang kung ano ang true meaning ng christmas, ito ay ang kapanganakan ni bro or ni papa jesus. :D
-------------------------------------------------
Wala akong magawa sa bahay kaya nagpunta ako dito sa opis para tumambay. Napaka-productive ng araw ko lang. Wakekeke. 4 days to go, pasko na!!!! TC!

4 comments:

  1. Urrgghh,, christmas,, LOL. Parang grinch lang o! Kaya iyan, here comes 2011.. :D:D:D:D

    ReplyDelete
  2. simbang gabi, simbang gabi, kami'y magsisimbang tabi!! nine days para sa mga taenang mapupusok na hormones ng kabataan.

    puto-bumbong. bibingka. hot cocoa. kaka-miss.

    ReplyDelete
  3. dude, hindi naman na dapat makumpleto yung 9 days..... what matters is your faithfulness and sincerity. di naman totoo yung wish2 na ewan na yan kapag nakumpleto mo ang 9 days,

    God answers prayers on his own will

    ayun, isa sa mga sermon ng pare sa simbang gabe,

    hehe

    Merry Christmas! :)

    ReplyDelete
  4. @michael, heheh, grinchy lang ako kanina.

    @nobenta, tama ka.... :p

    @tr. aurelius, tumpak! merry christmas din

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???