Friday, April 1, 2011

Pagbabago


Nasa 487 post na ako. Konti na lang at aabot na ako sa aking 500th post. Nakakasabik. Nakakakilig. Pero bago ko ata maabot ang 500th post ko ay kailangan ng magbago ang aking blog.

Kung titingnan ko ang aking blog, mula sa design ay parang wala lang. Parang di pinag-isipan at tila bara-bara lang. Ako ay nagpopost ng kung-ano-ano lang. Walang niche, walang genre. Bland. Walang dating at walang factor. 

Naisipan kong magbago. Sisimulan ko na ang pagtatayo ng aking new blog. Ang blog kung saan magkakaroon ng certain topic. Magkakaroon na ng niche. Paghuhusayin ang desenyo. Hindi na under the personal blog category. Gagawin ko na itong pang kumikitang kabuhayan. Matatadtad na ng ads at kung anu-anung kaekekan para kumita ng datung. Mang-iispam ako sa kung saan-saan para kumita ng dolyares. Magsisimula na ang pagbabago.

Sa 107 na naging followers ng blog na ito, ako po ay lubos na nagpapasalamat. Thank you dahil pinili ninyong i-click ang follow button sa sidebar. Dun sa ibang napilitan kasi finollow ko sila, salamat din. Sa mga on lookeres at di nagpaparamdam, thanks. Gracias para sa mga palihim na nagbabasa kahit di nag-iiwan ng bakas/comments/shout sa blog. Arigato sa mga naliligaw dahil sa google. Khawp khun sa mga walang sawang nagcocomment at nag-aaksayang magbigay pansin sa aking mga post.

Sa aking paglipat sa bagong tahanan: makikiwordpress na din ako. Http://khantotantramoneymakingmachine.wordpress.com, sana ay samahan nio padin ako at magbigay dalaw kayo kahit once a week lang.

Hanggang dito na lamang po. Hanggang dito na lang ang pagpapanggap ko na lilipat talaga ako sapagkat wala akong balak iwanan ang tahanan na ito. Dito ako nagkakaroon ng enerhiya at lakas. Echos lang ang mga nasa itaas at gumawa lang ako ng April Fools post for today. Ang maniwala sa pinagsasasabi ko tiyak, skip reader. bwahahahah. Sige, ingats!

25 comments:

  1. parang banggag lang.. buti nalang hindi ako nag skip read na teary eyed sana ako..wehehe

    nice! :)

    ReplyDelete
  2. hahahahahahaha....nak ng...unang naramdaman ko, nainggit ako, parang gusto kong sumama sa'yo...hahaha..nak ka ng....na april's fool mo ko..hahaha

    ReplyDelete
  3. happy fool shit day!!!! ahahaha

    ReplyDelete
  4. hahaha, nice one khanto, wakekekek. i like the khantotantramoneymakingmachine.wordpress.com kala ko sasama ka na kay mapanuri, hahaha.

    ReplyDelete
  5. walang blogroll dun hehehe.

    ReplyDelete
  6. pag nagwordpress ka'ng totoo yari ka. hehehe joke !

    ReplyDelete
  7. natawa ako sa "walang blogroll dun"

    ang adik mo khanto! hahahaha muntik na kong magskip read. lol

    wala namang masama sa wordpress ah:-" ganda-ganda kaya ng threaded comments

    ReplyDelete
  8. whaha bakit ka lilipat why o why7?
    dapat sa blogspot pa rin. hehhe

    ReplyDelete
  9. onga walang blogroll.. hehe pero ayos naman (syempre wordpress ako eh.. hehe)

    mas maganda kung nakhantoako.wordpress.com or khantothesexmachine.wordpress.com.. pwede ring kinakhanto.wordpress.com >> suggestions ni doc jed yan.. haha

    pero sa post na to, eto ang totoo >> evolution mo yung picture sa taas ano?.. haha

    ReplyDelete
  10. so magtra transfer ka na ng site?dka na ba mag uupdate dito?

    ReplyDelete
  11. akala ko lilipat na! hahaha! malapit nang maging 500th post mo.. wow! hang dami..hehe

    ReplyDelete
  12. happry april fools pare, mahirap ata kumita gamit ang wordpress eh. hehe

    ReplyDelete
  13. KLa ko lilipat ka na talaga lol

    ReplyDelete
  14. Binuksan ko pa talaga iyong link para masigurong hindi isang april fools lang uli ang april fools post mo, pero wala nga talaga.

    Nag-try akong mag-Wordpress dati, ang hirap ng mga kung anik-anik dun, mas user-friendly pa rin ang Blogger.

    Turuan mo rin ako nung paano mo nalagyan ng FB plug-in bawat post mo. Pur-leasssseeee... :D

    ReplyDelete
  15. @tabian, hehehe, buti di ka nag skip :D

    @akoni, wakokokok, da yari ka :p

    @leonrap, aprilfoolshit talaga, wakakaka

    ReplyDelete
  16. @chroky, mahirap mag wordpress

    @anonymous, honga, links lang

    @Bino, hehehe, blogger padins

    ReplyDelete
  17. @yanah, honga, maganda din threaded replies

    @axl, huli ka. :D wakokokok. blogger padin chonng

    @jeffz, pasaway talaga si doc.

    ReplyDelete
  18. @emmanuelmateo, mag-uupdate, joke lang tong post

    @mommyrazz, yeps, malapit na 500

    @hardtogetxxx, wala po talagang new link :D

    ReplyDelete
  19. @kikilabotz, di ko din alam, hehehe

    @jepoy, hehehe, di pa ako lilipats

    @michael, nakita ko blogmo, may fb like signs na :D

    ReplyDelete
  20. First time here. Advanced happy 500th! Ang tagal na ng blog mo, madami pa kong kakaining bigas. :p

    ReplyDelete
  21. ay paabutin hanggang 1000 mabuhay ikaw na masipag.. si Luffy lang akin.. hehhee

    ReplyDelete
  22. sheyt! good one seerrr.. :D
    victim!

    ReplyDelete
  23. @xall perce, thnaks, oks lang yan, aabot ka din ng 500th post

    @kikomaxx, heheheh, kung ano2x kasi post ko e

    @nieco, heheh, navictim k b?

    ReplyDelete

So.......Ansabeh???